Chapter 19

1016 Words
NANG sumunod na pasukan nalungkot siya. Wala na kasi si Tristan sa school nila. Tapos sa Manila pa ito nag-aral ng college. Do'n na rin ito magbo-board dahil hussle kung uuwi pa ito araw-araw. Ang nagbibigay lakas na lang sa kanya ay ang araw ng Sabado at Linggo kung saan uuwi si Tristan. Doon niya na lang ito nakikita. Madalas sa nakakasabay niya ito sa agahan. Pero madalas itong wala. Lagi nitong kasama si Sunny. Sa tingin niya may relasyon na ang dalawa pero hindi lang umaamin. Mas okay na rin na hindi pa umaamin ang dalawa dahil alam niyang masasaktan lang siya ng sobra kapag nalaman niya ang totoo. Mas madaling magpanggap at paniwalain ang sarili sa bagay na gusto niyang paniwalaan kaysa harapin ang katotohanan na may ugnayan na ang kapatid niya at ang lalaking mahal niya. "Amy, puwede mo bang gisingin si Tristan? Ang alam ko kasi may lakad siya ngayon at nagpapagising ng maaga hindi ko naman maiwan itong whiniwhisk ko dahil baka di ko makuha ang consistent na gusto ko," ani sa kanya ni Tita Bianca. Muntik niya nang mabitawan ang hawak niya spatula dahil sa narinig. "A-Ako po?" tanong niya dito. "Oo, please, hija, pakigising mo na ang bunso ko na 'yon," nakangiting ulit nito. Kung sinasadya man iyon ni Tita Bianca o hindi wala na siyang pake. Dali-dali na siyang nagtanggal ng apron dahil baka biglang pumasok si Ate Melba at ito pa ang mautusan. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang naglalakad patungo sa kuwarto ni Tristan. Wala si Tito Henry at Kuya Travis ngayon dahil sinamahan ni Tito Henry si Kuya Travis na mag-submit ng candedacy for SK Chairman. Huminga muna siya ng ilang ulit at inayos ang buhok at damit bago kinatok ang pinto ni Tristan. Nakailang katok na siya at tawag dito pero hindi ito sumasagot. Kaya naman nagpasya na siya na buksan na lang ang pinto. Bumukas naman agad ng pinihit niya ang seradura. Sumalubong sa kanya ang lamig ng aircon mula sa kuwarto ni Tristan. Meyo madilim dahil nakasarado ang makakapal na kurtina sa nag-iisang bihtana. Aninag niya naman ang kama kung saan padapang nakahiga roon si Tristan. Namula ang pisngi mukha niya habang nakatingin sa hubad nitong likuran. Malapad at makinis ang likod ni Tristan. Napansin niya na mas lumalapad ang katawan ni Tristan simula nang nag-aral ito sa Manila. Mas tumangkad din ito. Nagbago rin ang pananamit nito. Mas naging maporma, kaya mas lalong pinagkakaguluhan si Tristan ng mga kababayan nila kapag umuuwi ito. Lumapit pa siya sa kama. Pinagmasdan niya muna si Tristan ng matagal. Pinagsawa niya ang nga mata sa maamo nitong mukha. Para itong baby na napakainosente habang natutulog. Bahagyang nakatagiid ang mukha nito paharap sa kanya kaya medyo naka-pout ang labi ni Tristan. Para talagang baby. Natural na mapula ang labi ni Tristan, makakapal din ang pilik mata nito at matangos ang ilong. Daig pa nito ang isang artista sa kinis ng mukha  ni Tristan parang wang pores. Nahaplos niya tuloy ng wala sa oras ang mukha niya, napangiwi siya dahil oily na siya. Muli niya sanang tatapikin si Tristan ng bigla itong gumalaw. Sa sobrang taranta niya ay dumapa siya sa ibaba ng kama. Nang maramdaman niya mas lumundo pa ang kama ay nagsumisik siya sa ilalim ng kama. Takot na baka mahuli siya ni Tristan na nasa loob siya ng kuwarto nito.  Naduling siya nang tumapat sa kanya ang paa ni Tristan. Inis na nasabunutan niya na alng ang ulo. Bakit ba kasi nagtago-tago pa siya? E, may dahilan naman siya kaya siya na sa kuwarto ni Tristan pero dahil sa pagkataranta niya sumuot siya sa ilalim ng kama nito at inilagay ang sarili sa alanganin. Paano siya ngayon lalabas sa kinaroroonan niya at ipapaliwanag kung bakit siya nagsumiksik dito ng hindi siya napagiisapang freak ni Tristan? Napatakip siya sa bibig niya nang malaglag sa paa ni Tristan ang pajama nito. Napanganga siya ng maglakad si Tristan papunta sa closet nito at kumuha ng tuwalya. Kitang-kita mula sa kinaroroonan niya ang matambok na pang-upo nito. nanghaharap si Tristan ay agad siyang pumikit. Hindi pa siya handang makita ang lahat-lahat kay Tristan. Isinubsob niya ang mukha sa sahig at pinakinggang ang mga yabang ni TRistan. Narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo, kasunod niyon ay ang lagaslas ng shower. Naliligo na si Tristan. Kinuha niya naman ang pagkakataon na iyon para umalis sa ilalim ng kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto ni Tristan. Napasandal siya sa likod ng pintuan ni Tristan hawak ang kanyang kaliwang dibdib. ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagwawala iyon at gustong kumawala sa ribs niya. "Oh, Amelie? Bakit pawis na pawis ka? Saka bakit nandiyan ka sa labas ng kuwarto ni Tristan?" takang tanong ni Ate Melba galing ito sa kuwarto ni Kuya Travis bitbit ang mga maruruming damit. napalunok siya dahil nanunuyo ang lalamunan niya. Pinunasan niya rin ang pawis niya. "G-Ginising ko si Tristan, Ate Melba, inutusan a-ako ni Tita," nabubulol na sagot niya sa tanong nito. Nagdududa namang tinignan siya niyo pero hindi na nagtanong. Tumalikod na ito. Siya naman ay nanginginig ang mga tuhod bumalik na sa kusina. Nililigpit na ni Tita Bianca ang ilang pinaggamitan nila sa pagbabake. Itinuloy na rin nito ang ginagawa niya kaninang paglalagay ng icing sa cake. "Oh, Amelie, gising na ba si Tris-- Okay ka lang ba, hija?" nagaalalang tanong nito. Binitawan ni Tita Bianca ang ginagawa at nilapitan siya. Sinalat nito ang noon niya. "Ang lamig ng pawis mo..." anito. Hindi naman siya makaimik. Shock pa rin kasi siya sa nakita. Ayaw ng mawala sa balintataw niya ang... omg nagiging pervert na siya! "S-Sinisikmura po ata ako, Tita," pagpapalusot niya. "Naku, maupo ka muna at ipagtitimpla kita ng gatas para mainitan yang sikmura mo."  Inakay pa siya nito paupo sa high stool at pinaupo siya roon. Ipinagtimpla siya nito ng gatas. Nakonsensiya naman siya dahil nag-alala pa ito sa kanya dahil sa kalokohan niya. "Here, inumin mo muna yan." Inilapag ni Tita Bianca ang isang basong gatas na nasa. Kahit tuloy hindi siya mahilig sa gatas ay napainom siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD