Chapter 17

1066 Words
"Ang ganda mo, Amelie," papuri sa kanya ni Sunny. Hindi siya umimik at tinitigan langa ng sarili sa salamin. Naka-messy bun ang buhok niya at may mga hiblang nakakawala sa kayang tainga, manipis lang ang make-up niya pero dark na red na lipstick ang pinalagay niya. Gumanda nga siya... Ang kaso mas maganda pa rin ang kapatid niya. Pareho sila ng gown na suot. Isang tube cocktail dress. Kulay itim na maraming sequins ang sa kanya samantalang baby pink na naman ang kay Sunny.  Nagmukha itong dalaga, bumagay sa kulay ng gown nito ang kutis ng balat nito. Malambot at mala-sutla. "Maganda ka rin, Miss Sunny," ani ng baklang kumare ng stepmother niya na nag-ayos sa kanilang dalawa. Mayuming ngumiti ang kapatid niya. Miski ang pagngiti nito nakakahalina. Lihim na napabuntong-hininga na lang siya at isinuot na ang black na three inch heel niya. "Tulungan na kita," ani ni Sunny at yumuko sa araw niya. Nakaupo kasi siya sa harap ng dresser. Hindi niya na ito nasaway dahil inagaw na nito sa kanya ang sapatos niya. Isa pa nahihiya siya dahil baka masabihan siyang maldita ng mga taong kasama nila. "Ang gaganda naman ng mga anak ko!"  sabay-sabay silang napalingon sa pintuan. Naroroon ang Daddy niya at nakangiting pinagmamasdan sila ni Sunny.  "But, no boyfriends, ha?" striktong bilin nito sa kanila. "Magtapos muna ng pag-aaral." Napansin niyang hindi makatingin ng diretso si Sunny sa Daddy nila. Alam niya kung bakit pero ayaw niyqang tanggapin. Hangga't hindi pa nagiging official ang mga ito hindi siya maniniwala kahit sinasampal na sa mukha niya na may namamagitan na sa kapatid niya at Tristan. Usap-usapan na iyon sa school simula ng ang nangyaring gulo sa pagitan ni Sunny at ng mga senior pero wala namang sinasabi ang mga ito kung sila na ba talaga. "Ako muna dapat ang magbo-boyfriend!" sabat niya na umani ng matalim na tingin sa Daddy niya. "Kasi mas matanda ako kay Sunny, Daddy, kaya dapat ako muna ang magkaka-boyfriend bago siya!" katwiran niya pa.  Napailing na lang ang Daddy niya. "Basta no boyfriend before graduation," anito. "Okay two years na lang puwede na'ko!" Napapalakpak pa siya. "--Ng College, Amelie!"galit na muling baling ng Daddy niya. Nagtawanan naman ang mga kasama nila. Nagkibit naman siya ng balikat. Bumaba na sila ng hagdan dahil kanina pa raw naghihintay ang sundo nila. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang isang lalaki na naka-tuxedo at nakatalikod sa kanila. Matikas ang tindig nito, at kahit hindi ito humarap kilalang-kilala niya kung sino iton, si Tristan. Muntik ng tumalon ang puso niya ng humarap sa kanila si Tristan. Napaka-guwapo nito. Nakaayos ang buhok ni Tristan, naka-wax at naka-brush up pa. May hawak si Tristan na bulaklak na may ribbon. Iyon ang isinusuot ng mga Valentino sa mga ka-Valentina nila. Isa lang ang hawak ni Tristan at nakadama siya ng lungkot dahil alam niya namang hindi para sa kanya ang dala nito. "Good evening..." bati ni Tristan sa kanilang lahat. Nakangiti ito sa kanilang lahat. Lumabas tuloy ang mapuputi nitong ngipin.  Unang nakalapit kay Tristan ay ang Daddy niya. Agad na inakbayan ng Daddy nila si Tristan at binubulungan, seryoso namang tatango-tango si Tristan. Sabay pa silang nakalapit ni Sunny sa mga ito. Nabaling ang atensiyon ni Tristan sa kanilang magkapatid sumulyap ito sa kanya at ngumiti, pagkatapos ay lumipad na kay Sunny ang mga mata nito, kitang-kita niya ang paghanga nito para sa kapatid niya. Napayuko na lang siya. Lalo na nang magumpisang lumakad si Tristan papalapit sa kanila. Parang gusto na niyang maiyak dahil nasisiguro-- Napatingala siya at natigil ang pagiisip niya ng huminto sa harapan niya si Tristan. Nag-angat siya ng mukha at nasalubong niya ang mga mata ni Trista. "Ang kamay mo," anito. Parang wala naman sa sariling iniabot niya dito ang mga kamay niya. Kinuha iyon ni Tristan at itinali sa kamay niya ang ribbon na may bulaklak. Nanginginig ang kamay niya, hindi niya mapigilan dahil ito ang unang beses na sobrang lapit ni Tristan sa kanya at hawak-hawak pa ang kamay niya. Hindi siya makapaniwala sanangyayari. Ang buong akala niya talaga ay kay Sunny ito lalapit.  "Ang ganda mo..." sabi ni Tristan pero hindi sa kanya nakatingin, kundi sa kapatid niya. Napabuntong hininga na lang siya.  "Tutuloy na po kami, Tito," paalam ni Tristan sa Daddy niya. "Oh, sige, ingatan mo ang mga dalaga ko ha?" habilin pa ng Daddy nila. Humalik sila sa pisngi nito pero humirit pa ng picture taking ang step mother niya. Pinicturan sila ni Sunny ng solo-solo, ng magksama sila, silang tatlo ng Daddy niya at si Sunny, pagkatpo ay kasama si Tristan.  "Kami naman po ni Tristan!" hirit niya na kikinatingin ng lahat sa kanya. Kinapalan niya na ang mukha niya tutal naririto naman na. "Ay oo nga naman, kayo nga naman ang magkapareha. Sige magtabi kayong dalawa," ani ng step mother niya. Lumapit naman si Tristan sa kanya at tumabi. "Say cheese!" ani ng stepmother niya sabay click ng camera. Ngumiti naman siya, yung pinakamagandang ngiti niya. Ito kasi ang unang picture nila ni Tristan. Sa labas naroon ang sedan na pag-aari ng Daddy ni Tristan. Nakatayo sa tabi niyon si Kuya Travis na nakasuot din ng formal.  "Kuya!" bati niya rito. Tumakbo siya papalapit kay Travis. "Bakit nandito ka?" tanong niya dito. "Naka suit ka pa!" "Ako ang poging-poging driver niyo ngayon!" Iniliyad pa nito ang dibdib. Binuksan ni Travis ang pintuan sa passenger seat ng sedan para sa kanya. Yumukod pa ito at iminuwestra ang kamay sa pintuan ng sedan.  "Eh, kuya..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng makalapit sa pinto ng backseat si Tristan at ipagbukas ng pinto si Sunny. Kitang-kita niya pa ang malagkit na tinginan ng mga ito. "Sakay na, para naman may kausap ako," bulong ni Travis sa kanya. Hinawakan nito ang siko niya saka giniya papasok sa passenger seat. Nagakatinginan sila at nakita niya ang simpatya sa mga mata nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nilunok ang namumuong bara sa lalamunan niya.  Mabilis na ring nakaikot si Travis at sumakay sa driver seat nang makaupo siya. Nakagat niya ng mariin ang pangibabang labi niya nang makita sa reviewing mirror ang boquet ng pulang rosas na ibinibigay ni Tristan sa kapatid niya. "Hey..." pukaw sa kanya ni Travis. Nilingon niya ito. "Ganda mo ngayon," anito at nginitian siya ng matamis. Pero mas maganda pa rin sa akin si Sunny...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD