Chapter 4

751 Words
MALAYO pa lang siya dinig niya na ang mga splash ng tubig at tawanan. Huminga muna siya ng malalim saka lumabas. Naroroon sina Drake, Bench, Carlo, Justin, Eve at... at si Sunny. Nangunot ang noo niya hindi niya alam na pupunta dito ang kapatid niya. Nakaupo ito sa gilid ng pool habang nakalubog ang mga paa sa tubig. Nasa harapan naman nito si Tristan na nakalubog ang kalahati ng katawan sa tubig at nakatingala sa kapatid niya habang nagtatawanan ang mga ito. Nawala ang ngiti sa labi niya. Para siyang naestatwa habang nakatingin sa dalawa. Daig niya pa ang tinadyakan sa dibdib. Nakasuot si Sunny ng yellow na short shorts at puting t-shirt, bakat pa ang itim na bra ng kapatid niya dahil basa ang dmait nito. "Uy sa wakas!" nagulat pa siya ng humarang sa harap niya si Drake at nagsalin ng juice sa baso. Ikiniling niya ang ulo para muling masilip sina Sunny at Tristan pero ikiniling din ni Drake ang ulo niya at ginaya siya. Napasimangot siya dito. Halatang nang-iinis na naman. "Uy Amelie gumaganda ka," nakangising anito. Kahit alam niyang pinagtitripan lang siya ni Drake di niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha. Hindi naman kasi araw-araw may nagsasabi sa kanyang maganda siya kahit pa biro lang. Tanggap niya namang di siya kagandahan. Araw-araw kaya siyang nananalamin! Nginitian niya si Drake kahit madalas mas gusto niyang burahin ang mukha nito dahil isa ito sa malakas mang-alaska sa kanya. "Maliit na bagay," aniya sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga niya. Ang lakas naman ng tawa ni Drake halos masamid pa ito sa iniinom. "Ang sagwa!" Halos mamatay na ito kakatawa. Nakuha na tuloy nila ang atensiyon ng iba. Lumapit si Bench sa kanila kaakbay si Justin. "Uy mga tol nagjo-joke si Amelie oh, ano nga uli yon, Amelie?" baling sa kanya ni Drake na nangnining-ning ang mga mata tuwang-tuwa sa kanya. "Ewan ko sayo, baliw!" aniya dito at hindi na ito pinansin. Nagtawanan naman ang tatlo. Kumuha naman ng juice si Justin at Bench ng juice. Nang magsilayo na sa kanya ang mga ito saka niya siya naglakad papunta sa gilid ng pool kung nasaan ang wrought iron table na kinlalagyan ng mga toel ng mga ito. Inilapag niya roon ang tray ng inumin at saka tumalikod na ng mabunggo siya sa lalaking na sa likuran niya. Malakas na tawanan ang narinig niya pagkatapos niyang mabunggo sa dibdib ni Drake at mawalan ng balanse kaya nahulog siya sa pool. Sisinghap-singhap na umahon siya. Hanggang leeg niya ang tubig kaya kahit hindi siya marunong lumangoy ay hindi siya malulunod ang kaso nanlaki ang mga mata nang maramdaman ang biglang pagkirot ng binti niya paakyat sa hita niya. Pinupulikat siya! Sa sobrang sakit napalubog siya sa tubig at nahirapang i-angat ang sarili. Nakalunok din siya ng dubig na mas lalong nagpahirap sa kanyang umahon. "T-Tulong!" hingi niya ng saklolo sa mga na sa gilid ng pool ng sa wakas ay magawa niyang ilitaw ang ulo niya pero agad din siyang lumubog ng mamilipit siyang muli sa sakit. Umaakyat sa hita niya ang kirot. Kahit na sa ilalim ng tubig dinig niya lang ang tawanan ng mga ito. Siguro inaakala ng mga ito na nagbibiro siya o baka siguro rin wala lang talagang may pakialam kahit nahihirapan siya. Halos maiyak na siya sa sakit ng pulikat niya at dahil na rin sa nakakainom na siya ng tubig. Hanggang sa tuluyan na siyang lumubog at hindi na magawang makaahon. Nahihirapan na siyang huminga at alam niya ilang sandali na lang mauubusan na siya ng hangin gusto niya sanang tumayo at ilakad ang paa para maiangat niya ang ulo niya at makasagap ng hangin pero hindi niya magawa. Naiiyak na siya kung posible man iyong gawin sa ilalim ng tubig. Tinatawag niya sa isip ang Papa niya para sana tulungan siya pero alam niyang hindi siya nito maririnig. Mamatay na ata siya... ang bata-bata pa niya para mamatay. Pipikit na sana siya ng may isang braso ang pumulupot sa leeg niya at hinila siya paahon bago pa siya tuluyang maubusan ng hangin. Isang malakas na singhap ang pinakawalan niya ng maksagap siya ng hangin. Inihit siya ng ubo at halos hindi na siya makahinga dahil pati sa ilong niyo lumalabas ang tubig na nainom niya. Naramdaman niyang may humila sa kanya sa pool at inihiga siya sa gilid ng poo. Nanlalabo ang paningin niya at nasisilaw siya sa liwanag, pero may humarang sa liwanag na iyon, ang nag-aalalang mukha ni Tristan. Tristan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD