Chapter 3

690 Words
"HI, Tita!" bati niya sa Mommy ni Tristan na nakupo sa dining table. Nakasuot ito ng pink pastel na dress at may pulang apron. Nakapusod ang buhok nito at may ilang hibla ang nakakalat sa batok nito.  Hindi niya maiwasang mamahangha kay Tita Bianca. Mukha siyang anghel, napaka-amo ng mukha niya, ganoon rin ang tinig niya. Minsan nahihiling ko na sana siya na lang ang Mommy ko. "Hello, Amelie!" Nakangiting nilingon siya nito habang abala pa rin sa ginagawa. Lumapit siya sa tabi nito at nakiusyoso sa ginagawa nito. "Ano yan, Tita?" curious na tanong niya. nag may mga hiniwang saging na saba, kamoteng ubo at kamoteng kahoy, mayroon ding isang tasang s**o. Sa harap naman nito ay giniling na malagkit na bigas. Pumipiraso ito at binibilog sa inilalagay sa  bandehado. "Bilo-bilo?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya bigla siyang na-excite.  "Ginataang bilo-bilo," nakangiting sagot nito. "Puwede po akong tumulong?" Nag-puppy eyes pa siya dito. Nakangiti naman itong tumango. "Wash your hand first," anito. Mabilis naman siyang nagtungo sa lababo at naghugas ng kamay saka bumalik sa dining table at nakitulong na sa pagbibilog ng malagkit na bigas. Masaya siya kapag nagouounta siya dito bukod kasi sa nakikita niya ng malapitan si Tristan nag-e-enjoy siyang ka-bonding si Tita Bianca.  Madalas na turuan siya nitong magluto, minsan naman tinutulungan niya ito sa garden at sa paglilinis ng bahay ng mga ito. Lumilipas ang araw na nakabuntot siya sa Ginang kapag nandito siya. Madami rin siyang nalalaman tungkol kay Tristan dahil dito. Alam naman niyang alam naman nito na may gusto suya kay Tristan minsan kasi sinasadya nitong magkuwento ng  tungkol kay Tristan sa kanya. Hindi niya nga maiwasang isipin na baka gusto rin siya nito bilang mamanugangin. Kinikilig siya kapag naiisip niya iyon. "My!" tawag ni Tristan sa Ina ng pumasok ito sa kusina. Natigil naman siya sa ginagawang pagbilog sa malagkit at napako ang tingin niya kay Tristan. Basa ito dahil galing sa pool. Tanging board short lang ang suot nito wala itong suot na pang-itaas. At hindi niya alam kung bakit hindi maalis ang mga mata niya katawan ni Tristan samantalang sanay naman siyang nakikita itong nakahubad kahit noon mga bata pa sila. Napansin niyang medyo lumapad ang katawan ni Tristan. Nagkakaroon na rin ng muscle ang mga balikat nito at mayroon na rin siyang abs! Kailan iyon tumubo roon? Hindi niya alam. Hindi niya napansin. Ngayon lang at hindi niya maalis ang mga mata dito. "Ano ka ba naman, Tristan, kaka-mop lang ni Melba nagkalat ka na naman ng basa!" pagalit dito ni Tita Bianca. Napakamot naman si Tristan sa noo nito at napangisi. Wow parang lalabas na sa ribcage niya ang puso niya dahil sa ngiti na yon. Wish niya lang na sana para sa kanya iyon kaso parang hindi siya nakikita ni Triatan. Ni hindi man lang ito sumusulyap sa kanya kahit katabi naman siya ng Mommy nito. Ganoon naman lagi e, para lang siyang hangin sa harap nito. Hindi katulad noong elementary sila lagi siya nitong napapansin. Siya kasi ang paborito nitong i-bully kasama ang mga pinsan niya at mga barkada ng mga ito. "Kukuha lang ako ng juice namin nila Drake," anito. "Ako na! Ihahatid ko na lang doon. Sige na lumabas ka na baka mas lalo pang magbaha diyan sa sahig." "Thank you, My," ani ni Tristan at tumalikod na. Napalabi siya. Di talaga siya sinulyapan kahit konti lang samantalang simula ng pumasok ito sa kusina hindi na nawala ang paningin niya dito. "Amelie, puwede ba itong dalhin sa pool?" pukaw sa kanya no Tita Bianca. Inilalagay na nito sa isang tray ang isang pitchel na orange juice na galing sa ref at mga baso. "Opo!" Nagtungo siya sa lababo para muling maghugas ng kamay. Pasimple niya pang binasa ang buhok niya na nakatali para bumaba ang mga nakatayong buhok niya. "Akina po," aniya at kinuha sa dining table ang tray na may juice. "Kaya mo ba? O tawagin ko na lang si Melba?" "Hindi po. Huwag na po. Kaya ko na po ito," paniniguro niya rito. Binuhat niya na ang tray at lumabas ng dining room para dalhin sa pool ang juice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD