Chapter 5

912 Words
"YOU better tell what really happened?!" Pinilit niyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang tinig ni Tita Bianca habang galit na nagsesermon. "I already told, Mom, she fell. Nadulas siya kaya siya nahulog!" katwiran ni Tristan. "Is that true, Sunny?" baling ni Tita Bianca kay Sunny na napapitlag sa tabi ni Tristan. Katabi rin ng mga ito ang mga kabarkada ni Tristan. Halatang hindi ito naniniwala sa anak. Bumangon siya at naupo sa kama. Na sa loob siya ng isang silid at na sa labas naman ng pintuan sina Tita Bianca at Tristan, nakabukas ang pintuan kaya naman nakikita at naririnig niya ang mga ito. Marahang tumango si Sunny ng sikuhin ito ni Tristan. "A-Aksidente lang po ang nangyari... N-Nagmamadali po si Amelie kaya n-nadulas siya at nahulog sa pool." Napaawang ang bibig niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Naroroon ito, sigurado siya na nakita nito ang totoong nangyari. Nagyuko siya ng ulo at mahigpit na nilamukos ang kumot. "Why don't we ask, Amelie, instead?" Napatingin sa gawi niya ang mga ito ng magsalita si Kuya Travis, hindi niya napansin na naroroon din pala ito. Siya lang sa lahat ang mukhang cool. Ang iba lalo na si Sunny ay halatang kabado at hindi makatingin sa kanya. Agad na naupo si Tita Bianca sa tabi niya nang makita nitong gising na siya. "Kamusta ang pakiramdam mo, hija?" masuyong tanong ni Tita Bianca at hinawi pa ang buhok niya at iniipit sa likod ng kanyang tainga. "A--" Tumikhim muna siya dahil magaspang ang lalamunan niya siguro dahil sa pag-ubo niya kanina. "A-Ayos n-na po ako," aniya dito na hindi man lang makatingin ng diretso sa mga mata nito. "May nagtulak ba sa'yo sa pool, Amelie?" seryosong tanong ni Kuya Travis na nakatayo sa gilid ni Tita bianca. "I told you, it was an accident!" ani ni Tristan. Napatingin siya dito, nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Pinipilit nitong maging cool lang pero halata niyang kinkabahan ito. Maging si Sunny ay kabado rin. Nang magawi ang mga mata niya kay Drake nakita niya itong namumutla at hindi makatingin sa kanya. "Hindi ikaw ang tinatanong, Tristan," galit na pambabara dito ni Kuya Travis. "Nadulas po ako, Tita. Madulas kasi yung tsinelas ko..." pagsisinungaling niya. Kita niya ang pagbalatay ng relief sa magbabarkada. "Is that true?" masuyong tanong sa kanya ni Tita Bianca at hinahaplos pa nito ang braso niya. "Yes, Tita..." Nakagat niya ang labi niya. Ayaw niyang magsinungaling kay Tita Bianca dahil sobrang bait nito sa kanya pero ayaw naman niyang ipahamak ang grupo nila Tristan, lalo na si Tristan. Kung si Sunny nga na tunay niyang kapatid nagawang magsinungaling para kay Tristan, siya pa kaya? Mukha namang nakahinga ng maluwag si Tita Bianca pero si Kuya Travis ang mukhang hindi na niniwala dahil matalim pa rin ang tingin nito kina Tristan na tahimik na nakatayo sa labas ng pintuan. "Okay... Ang mabuti pa magsilabas na kayong lahat at magmeryenda. Ikaw, Amelie dadalhin kita rito, hmmm?" baling sa kanya ng Ginang. Tumayo na ito at inakay si Kuya Travis at sila Tristan na bumaba na. Naiwan siya sa silid. Napabuga na lang siya ng hangin ng makaalis ang lahat. Saka niya lang inilibot ang mata sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya ng may ma-realize. Nasa kuwarto siya ni Tristan! Napaawang ang bibig niya. Puti ang pintura ng silid, maaliwalas dahil sa manipis na puting kurtina na nasa bintana. May mga sikat na poster ng mga banda ang na sa dinding, gitara at ilang mga varsity shirt. Malinis ang silid parang hindi lalaki ang natutulog doon. Sa bedside table katabi ng lamp shade naroroon ang picture ni Tristan. Dinampot niya iyon at nakangiting pinagmasdan ang litrato. Nakasakay si Tristan sa bike, nakasuot pa ito ng helmet at knee pad. "Ehemm..." Muntik na niyang mabitawan ang picture frame ng may tumikhim. Lumingon siya sa pintuan at nakita roon si Tristan na may hawak na tray na amy lamang tasa. "Magmeryenda ka raw sabi ni Mommy," anito at lumapit sa kinaroroonan niya. Mabilis namang nag-init ang pisngi niya dahil huling-huli siya nito na titig na titig sa litrato nito. Pasimpleng ibinalik niya ang picture sa bedside table at umayos ng upo. Inilapag naman ni Tristan ang tray sa ibabaw ng kama. "S-Salamat..." Napangiwi siya dahil ipit na ipit ang boses niya para iyong dagang naipit. Tumango lang si Tristan at tumalikod na. Malapit na ito sa pintuan ng lingunin siya nito. "Amelie..." Dumagundong ang puso niya at mabilis na lumipad ang tingin dito. Parang kay lambing kasi ng pagkakabigkas nito sa pangalan niya. "T-Thank you for not telling the truth..." Namula ang tainga nito at kinagat ang pang-ibabang labi nito. Ang cute niya talagaaaaa! "W-Wala y-yon." Halos lumuwa na ang mga mata niya ng ngumiti sa kanya si Tristan. "Thanks." Tatalikod na sana uli ito ng may maalala. "And... Ahmmm... wag mong dumihan ang kama ko, okay?" Paalala nito. Wala sa loob na tumango na lang siya. Tuluyan naman nang lumabas ng pintuan si Tristan. Nang makalabas na ito kinuha niya ang unan at isinubsob ang mukha doon saka tumili ng walang boses. Grabe! Kinausap siya ng matino ni Tristan. Tapos nagpasalamat pa ito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy close na sila ni Tristan. Ang sarap pa lang mahulog sa pool! Nang mahimasmasan inamoy-amoy niya ang unan. Iyon ang unan na gamit ni Tristan. Gosh, ang bangooooo! Nakahiga siya ngayon sa kama ni Tristan, kay Tristan! Ang suwerte-suwerte niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD