Chapter 6

634 Words
"OKAY ka na ba talaga, Amelie?" Nakasunod sa akin si Sunny pero hindi ko siya pinapansin. Kanina pa siya tanong nang tanong kung ayos lang ako. "Oo ayos lang ako. Puwede ba, Sunny, umuwi ka na nga!" Binuksan niya ang pinto ng bahay ng Lola niya na hindi nililingon si Sunny. "I-I'm sorry--" "Tss! Umuwi ka na, puwede?" Inis na hinarap na niya si Sunny dahil naiinis na siya. Bakit ba kinukulit siya nito at hindi na lang umuwi? Sinabi na nga niyang okay na siya, nangungulit pa rin. Napayuko si Sunny dahil sa pagsinghal ko sa kanya. Bigla naman siyang nakonsensiya dahil sa nagawa pero pinigil niya ang sarili na lapitan ito at aluin. Naiinis kasi siya. Naiinis siya na nakikita itong nagiging malapit kay Tristan. Nakakaramdam siya ng takot. Maganda si Sunny, di hamak na mas maganda sa kanya at nakikita niyang nakikita iyon ni Tristan. Kinagat niya na lang ang pang ibabang labi niya at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay ng Lola niya na hindi man lang inaaya sa loob si Sunny. "Oh, Amelie, parang narinig ko yung kapatid mo, hindi mo man pinapasok muna?" salubong ng Lola niya sa kanya. "E-Eh, uuwi na raw po siya, La, tinext na kasi siya ni Daddy," pagsisinungaling niya. Ang dami na niya ng kasinungalingan ngayong araw. "Ganoon ba? Oh, kumain ka na dito," aya nito sa kanya. "Busog pa po ako, La, aakyat na lang ako sa taas," aniya at nagtatakbo na papunta sa silid niya. Agad siyang nag-dive sa kama niya at tumaya ng higa paharap sa kisame. Inaalala niya ang lahat ng nangyari. Yung kilig na naramdaman niya ng kausapin at magpasalamat sa kanya si Tristan. Hinila niya ang unan niya at niyakap iyon habang ini-imagine na si Tristan ang kayakap niya. Natigil lang siya sa pagpapantasya nang maalala ang half sister, mapasimangot na lang siya. Ipinikit niya ang mga mata para muling pangarapin si Tristan. Madilim na ng magising siya. Naroroon na rin ang Mommy niya ng bumaba siya. Humalik siya dito at sumalo samga ito sa hapag. "Si Lolo po?' tanong niya sa Lola niya. "Nanonood. Mamaya na raw siya kakain." Napansin niyang napasimangot ang Mommy niya. Alam niya na kung bakit. Hindi kasi gusto ng Lolo niya na mag-asawa uli ang Mommy niya kaya hanggang ngayon hindi pa rin nagkakabati ang mga ito. Hindi na lang siya umimik at tahimik na lang siyang kumain. Nang makatapos ay umakyat siya uli sa kuwarto niya. Naglaro na lang siya ng cellphone niya dahil wala namang ibang magagawa sa bahay ng Lola niya. "Nag-half bath ka na ba?" ani ng Mommy niya na sumungaw sa pinto ng kuwarto niya. "Hindi pa..." sagot niya na ang mga mata ay na sa gadget pa rin. Bumuntong hininga ito. "Dalaga ka na, Amelie, pero kung hindi kita sasabihan hindi ka makakaisip maghugas ng katawan mo bago ka humilata diyan sa kama mo? Ang laki-laki mo na pero lahat na lang ba kailangan pang ipaalala sa'yo? Why don't you act like, Sunny? Yung kapatid mo na yon kung kumilos parang dalagang-dalaga na." May kirot siyang naramdaman. Amelie na naman. Lagi na lang si Amelie ang napupuri ng lahat. "Ano hindi ka pa rin kikilos?" sermon pa rin ng Mommy niya. Nakalabing tumayo na lang siya at kinuha ang tuwalya saka pumasok sa banyo hindi na niya pinansin ang panenermon ng Mommy niya. Kabisado naman na niya ang lintanya ng mommy niya. Puri papuri na at pagkukumpara ang lalabas sa bibig nito. Siya ang mas matanda kay Sunny pero si Sunny ang role model para sa Mommy niya. Bakit kaya hindi na lang sila naging 100% na magkapatid ni Sunny? Siguro kung nagkataon kasing ganda rin siya ni Sunny, kasing graceful din nito kumilos, kasing talino. Siguro marami ding magkaka-interes na makipagkaibigan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD