Chapter 2

687 Words
SAMPUNG minuto lang na sa tapat na sila ng bahay ng Lola niya. Hindi pa man nakakahinto ang Mommy niya nagtanggal na siya ng seatbelt. Nang makahinto ito ay nagmamadali na siyang bumaba bitbit ang backpack niya at tumakbo papasok ng bahay hindi niya pinansin ang Mommy niya na galit na galit na sinisigawan siya dahil sa ginawa niya. "Lola!" malakas na tawag niya sa Lola niya dito pagkapasok na pagkapasok pa lang sa pintuan. Lumabas naman ito mula sa kusina may hawak pang sandok. "Oh, tinanghali ata kayo?" tanong nito na nakangiti sa kanya. Lumapit naman siya dito at nagmano sakas humalik sa pisngi nito. "Paano tinanghali na naman ng gising yang apo niyo!" ani ng Mommy niya. Lumapit din sa Lola niya at nagmano. "Aalis na ho ako, Nay, iniintay na ako ni George," anito na ang tinukoy ang bagong asawa nito. "Hindi ka man lang ba muna kakain dito?" tanong ng Lola niya sa Mommy niya. "Dadating na rin ang Tatay mo bakit di mo pa hintayin?" "Eh, may usapan ho nga kami ni George, dito na lang  kami maghahapunan," pangako nito sa Lola niya saka humalik na uli sa Lola niya at binalingan siya. "Huwag matigas ang ulo mo dito ha, huwag ka ring gala nang gala," bilin nito sa kanya na mabilis niyang tinanguan. Hindi naman siya pala gala e, dun nga lang siya sa tapat tumatambay.  "La, dun lang ako sa kabila," baling niya sa Lola niya nang umalis na ang Mommy niya, sinilip niya pa ito sa bintana para masiguro na wala na ito. "Magbihis ka na muna bago ka mangapitbahay," ani naman ng Lola niya at bumalik na sa kusina. Nagtanggal lang siya ng sapatos at nagpalit ng tsinelas saka nagmamadaling lumabas ng bahay ng Lola niya. Tumawid siya at nagtungo sa tapat nila. Sa bahay nila Tristan. Heto na naman ang puso niya ang bilis na naman ng kabog habang papalapit sa gate ng mga ito.  Nakita niya si Melba ang katulong nila Tristan. Agad na binati niya ito. "Hi, Ate Melba!"  "Oh, Amelie, tinanghali ata pag-akyat mo ng ligaw ngayon?" tanong nito sa kanya na ikinahagikgik niya. Alam kasi nito ang pagkakaroon niya ng crush kay Tristan at pasimple pa itong tumutulong sa kanya para lagi niyang maabutan si Tristan sa bahay ng mga ito. "Andiyan si Tita?" tanong niya dito. "Si Ate lang?" tukso nito sa kanya na nakngisi. "Ang cute mo," aniya dito na ikinatawa nito. "Siyempre kasama na do'n si future ko," aniya at ngumisi rin dito. "Hantaray! Ang tanong bet ka bang maging future ng alaga ko?" Pinameywangan siya nito hawak ang walis tingting nito sa isang kamay. Irap naman ang isinagot niya dito. Alam din kasi nito na malabo siyang magustuhan ni Tristan. Ang dami kayang nagkakagusto sa kay Tristan halos lahat ata ng ka-batch nila may gusto dito. "Pasok na nga ako Ate Melba!" aniya at nagkusa ng buksan ang maliit na gate at pumasok sa loob. Malakas na tawa naman ang isinagot sa kanya ni Ate Melba. Bungalow ang bahay nila Tristan pero isa sa pinakamalaking bahay dito sa lugar nila. May swimming pool pa sa gilid at may garden sa likod.  Isang Engeneer kasi ang Daddy ni Tristan habang plain housewife naman ang Mommy nito. "Oh, nandito ka na naman?" ani ni Travis, ang kuya ni Tristan. Nakasuot ito ng jersey at Lumabi siya at sinubukang magpa-cute. "Oo, kuya, nandito na naman ako," aniya at may papikit-pikit pa. Ang lakas naman ng tawa nito at ginulo ang buhok niya. "Funny ka," halatang aliw na aliw naman na anito. "Na sa swimming pool yung crush mo, go na bosohan mo na!" bulong nito sa kanya na may pilyong ngiti sa mga labi. Agad naman na nag-init nag pisngi niya. "Bosohan ka diyan!" kunwa'y inis na aniya dito pero sa totoo lang nangangati na ang paa niyang puntahan ang swimming pool. "Si Tita ang pinunta ko dito." "Sus, kunwari ka pa!" tatawa-tawang anito at nilagpasan na siya. "Pang-asar talaga 'yon!" nakasimangot na ani niya at dumiretso na sa kusina ng bahay. Feel at home na feel at home siya roong nagtungo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD