Chapter 1

785 Words
NALAGLAG siya sa kama una ang mukha. Doon na naputol ang panaginip niya. Sayang mahahalikan na sana niya si Tristan kaso nalalag naman siya sa higaan. Buwisit talaga! Sa panaginip niya na nga lang nakakalampungan si Tristan bitin pa. Inis na hinimas niya na lang ang mukhang nasaktan. Kasabay naman niyon ang malakas na pagkatok sa pintuan niya. "Amelie! Amelie, gumising ka na nag-text na ang Mama mo papunta na raw!" sigaw ni Manang Josie sa labas ng pintuan ng kuwarto niya. Napaungol na lang siya. Gusto niya pa namang balikan ang pagtulog baka sakaling madugtungan pa ang panaginip niya. "Amelie!" muling sigaw ng matandang katulong. "Oo na ho! Gising na ko!" sigaw niya rin pabalik hindi rin naman kasi ito titigil aa kakasigaw sa labas ng kuwarto niya hangga't hindi nito nasisiguro na gising na siya. "Bilisan mo na!" ani pa nito. "Oho!" sagot niya para lang tigilan na siya ni Manang Josie saka kakamot-kamot na tumayo na. Nag-inat muna siya ng katawan bago tinungo ang banyo. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pinatutuyo na niya sa blower nang pumasok ang kapatid niya sa kuwarto niya. "Andiyan na si Tita, Amelie, bilisan mo raw," anito. "Oo saglit na lang to!" aniya. Hindi kasi niya puwedeng hayaang basa pa ang buhok niya bago siya umalis ng bahay. Buhaghag kasi ang buhok niya unlike Sunny, na kapatid niya sa ama - kapag hindi iyon natuyo at nalagyan ng baby oil magtitikwasan na parang mga alambre ang kanyang buhok. Buti pa si Sunny naman ang buhol ng Daddy nila. Bagsak at straight. Kahit kakagising pa lang nito ang ganda-ganda pa rin ng buhok nito. "Bakit kasi hindi ka magpa-rebond?" tanong nito sa kanya na pinanonood siya sa ginagawa. "Sa bakasyon. Ayaw akong bigyan ni Daddy ng pera kaya nag-iipon pa ako," sagot niya. Hindi naman sila mahirap. Mayaman sila. Hindi rin naman kuripot ang Daddy niya pagdating sa kanilang magkapatid ang kaso sumang-ayon ang Mommy niya na ipa-rebond siya tutal daw fifteen na siya. Kagaya ng inaasahan kumontra ang Daddy niya. Napabuntong hininga na lang siya. Feeling niya ang Mommy niya talaga ang may ayaw na magpa-rebond siya kaya ito sumang-ayon para naman tutulan ng Daddy niya. Dito niya kasi namana ang buhok niya. At infairness sa Mommy niya bagay dito ang buhok nito. Dahil pinanganak siyang maganda! Himutok niya. Maganda ang Mommy niya. Maliit ang hugis puso nitong mukha at pinagkasya roon ang manipis na labi, matangos na ilong at hugis almond na mga mata na binagayan pa ng mahabang pilik mata at natural na naka-arkong mga kilay. Samantalang siya kabaliktaran ng Mommy niya. Nakuha niya ang mata ng Mommy niya samatalang ang ilong at bibig niya ay sa Daddy niya. At katulad ng mga ito hindi magkakasundo ang mga parts ng mukha niya kaya labas siya sa kategorya ng mga magaganda. "Badtrip!" angal niya at nagmamadaling itinali ang buhok ng marinig ang pagbusina ng Mommy niya. Natawa sa kanya si Sunny pero hindi niya na ito pinansin. Lalo lang siyang maba-badtrip kapag nakita niya ito na kahit hindi mag-effort kagaya niya maganda pa rin. Dinampot niya na ang bag niya at mabilis na tumakbo paibaba. Nakasalubong niya pa ang step mother niya. "Dahan-dahan!" saway nito. "Sorry, Tita!" hinging paumanhin niya at patuloy sa pagbaba. "Dumaan ka sa kusina andon ang Daddy mo. May sandwich din don!" anito at nagpatuloy nang umakyat sa itaas. Dumaan naman siya sa dining. Andon ang Daddy niya nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Humalik siya sa pisngi nito at kumuha ng sandwich sa lamesa. "Morning, princess..." anito. "Morning, Daddy!" balik bati niya dito. Medyo napangiwi dahil nakalimutan niya itong batiin. "Andiyan na ang Mommy mo," nakaingos na ani ng Daddy niya. Parang laging nakakaamoy ng mabho ang Daddy niya kapag nasa paligid lang ang Mommy niya. "Opo. Alis na ko, Dad!" sigaw niya at nagtuloy-tuloy na sa labas. Inip na ang Mommy niya ng Pumasok siya saloob ng kotse. Sabado ngayon kaya naman doon siya maglalagi sa condo ng Mommy niya ngayon. "Bakit ba ang tagal mo?" "Maaga ka lang, My!" aniya at dumukwang dito para humalik sa pisngi nito. "Oh my god, Amelie! Ang lagkit ng bibig mo!" reklamo nito. Nanlalaki pa ang mga mata na parang akala mo pinahiran niya ito ng tae. Napahagikgik lang siya. Kumuha naman ng wives ang Mommy niya sa bag nito at agad na pinunasan ang pisngi nito bago tuluyang nag-drive. Papunta sila ngayon sa bahay Lola niya - ang Mommy ng Mommy niya. Doon siya naglalagi kapag Saturday at Sunday. At ibig sabihin lang no'n makikita niya na naman si Tristan. Kaharap lang bahay ng Lola niya ang bahay nila Tristan at malaya siya roong nakakalabas-masok dahil sa Mommy nito na tuwang-tuwa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD