Chapter 11

622 Words
WEEK END maaga siyang sinundo ng Mommy niya at iniwan sa bahay ng Lola niya bago ito umalis. Sanay na siya kaya baliwala na sa kanya kahit pa imbis na makapiling niya ito at maka-bonding ay mas gusto nitong iwanan siya sa pangangalaga ng Lola at Lolo niya. Nagmano lang siya at inilapag ang bagpack sa living room saka nagtatakbo na sa kabilang bahay. "Good morning, Ate Melba!" bati niya sa kasambahay na nagdidilig ng halaman. Tinanguan lang siya nito. Excited naman siyang pumasok sa loob ng kabahayan at agad na hinanap si Tita Bianca. Natigil lang siya sa pagpasok sa kusina nang dumaan sa harap niya si Tristan na naghihikab pa, halatang inaantok pa dahil namumungay ang mga mata nito, gulo-gulo rin ang buhok nito, mukhang kababangon lang sa kama. Napalunok siya parang napagil ang paghinga niya ng masilayan niya ito. Ngayon niya lang nakita si Tristan na bagong gising pero ang guwapo pa rin nito. "Hoy!" Nilingon niya si Kuya Travis na nakasuot na naman ng basketball uniform nito at may hawak na bola. Nakangisi ito sa kanya at nanunudyo ang mga mata. "Na-in love ka na naman," anito sabay akbay sa kanya. Kung posibleng ma-in love ng paulit-ulit sa isang tao ganon ang nangyayari sa kanya kapag nakikita niya si Tristan. Nahuhulog siya dito ng paulit-ulit at hindi niya alam kung makakaahon pa siya. Napabuntong hininga na lang siya habang sinusundan ng tingin si Tristan. "Ang guwapo niya talaga, Kuya," aniya na nangangarap ng gising. Sinakal naman ni Kuya Travis ang braso niya sa leeg at natatawang hinila ako patungo sa dining area. Naroroon na si Tito Henry, ang Daddy ni Trista at Kuya Travis, na sa tabi nito si Tita Bianca na pinagsisilbihan ang asawa. Nakaupo na rin si Tristan at tahimik na umiinom ng kape. "Ma, nandito na yung manugang mo," natatawang ani ni Kuya Travis. Inis na siniko niya ito dahil sa kalokohan nito. Namumula tuloy ang mukha niya dahil sa pag-iinit. Hindi tuloy siya makasilip man lang kay Tristan. "G-Good morning p-po..." nahihiyang bati niya sa mga ito. Nakangiti rin namang bumati sa kanya ang mag-asawa. "Maupo ka na, hija, nag-almusal ka na ba?" magiliw na tanong ni Tita Bianca. "For sure hindi pa. Nakita ko yan nagmamadaling tumakbo dito e," natatawang pangbubuko ni Kuya Travis sa kanya. Natawa din naman si Tito Henry. "Ampunin ka na kaya natin si Amelie, sweetie?" biro ni Tito Henry. "Naku, incest kalalabasan mo niyan, Ami," bulong ni Kuya Travis. Siniko niya ito dahil hiyang-hiya na siyang talaga. Pasimple niyang sinilip si Tristan sa gilid ng mata niya. Wala itong pakialam sa paligid at tahimik lang itong kumakain. Hindi na naman niya naiiwasang mag-imagine na inaasikaso niya si Tristan habang nag-aalmusal ito. Siya ang magluluto ng agahan, magtitimpla ng kape nito sa umaga tapos magpapasalamat ito sa kanya at yayakapin siya at-- Haaayyyy... Simula ng twelve siya ang pinangarap niya na ay ang pagsilbihan si Tristan, ang maging maybahay nito. Kaya nga ngayon pa lang nag-aaral na siya kung paano magluto. Inaalam niya rin kung ano-ano ang mga paborito nitong pagkain sa tulong ni Tita Bianca. "Siya nga pala, Tristan, nag-take ka na ba ng entrance exam sa University?" tanong ni Tito Hentry na nagpahinto sa kanya sa pagkain. "Yes, Dad," sagot ni Tristan. Oo nga pala graduating na si Tristan, college na ito sa sunod na pasukan. Hindi niya na ito madalas makikita. Biglang siyang nalungkot. Kaya lang naman siya sinisipag pumasok araw-araw para masilayan ito. "Good. Ikaw naman, Travis, kamusta ang mga grades mo?" baling ni Tito Henry sa panganay niya. "Good na good, Dad," sagot ni Kuya Travis kahit punong-puno ng pagkain ang bibig. "That's great!" nasisiyahan naman si Tito Henry sa sagot ng mga anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD