Synopsis

551 Words
First love ni Amelie si Tristan pero in love naman si Tristan kay Sunny, ang half sister ni Amelie. Alam ni Amelie na wala siyang laban kay Sunny kaya naisip niyang pikutin si Tristan. Ikinasal sila at alam ni Amelie na sagad sa buto ang galit sa kanya ni Tristan. Tiniis niya ang lahat ng masasakit na salita na natatanggap niya rito. Ngiti at pag-aasikaso ang isinusukli niya. Umaasa siyang balang araw mamahalin siya ni Tristan kapag nakita nito kung gaano siya kabuting asawa dito. Hanggang sa nagbunga na ang lahat ng pagtitiis niya. Tristan see her in a different way, he also started to desired her. Unti-unti nagkaroon siya ng pag-asa kahit pa alam niyang si Sunny pa rin ang na sa puso ni Tristan. Lagi pa ring nakasuporta ang si Tristan kay Sunny, na sa tuwing magkakaproblema ang half sister niya agad na pinupuntahan ito ni Tristan. Tiniis niya ang selos at inggit. Hanggang sa nalaman niyang buntis siya sa anak nila ni Tristan. Excited siyang ipaalam sa asawa na nagdadalantao siya. Nagtungo siya sa opisina nito pero para lang madurog ang puso niya. Naabutan niya roon si Sunny at Tristan na nag-uusap. Nalaman niya ang plano ng mga ito na lumayo. Durog ang puso at puno ng sakit ang dib-dib na agad siyang lumayo sa lugar na iyon. Bumiyahe siya pabalik sa bahay pero dahil sa sama ng loob, pagod at ilang araw na pagkapuyat dinugo siya habang nagmamaneho. Nalaglag ang dinadala niya. Umuwi siya ng bahay na talunan. Nawalan siya ng anak at alam niyang mawawala na rin ang lalaking pinakamamahal niya. Pero iba ang nadatnan niya. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Tristan. Nakita pala nito ang mga pregnancy test na gianmit niya. Tuwang-tuwa ito sa kaalamang magkaka-anak na sila. Nangako ito na aayusin ang pamilya nila. Na mag-uumpisa silang muli. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon. Muli siyang nagsinungaling. Nagpanggap siyang buntis. Kaso hindi nagtagal nalaman ni Tristan ang kasinungalingan niya. Namuhi ito sa kanya dahil sa panlolokong ginawa niya. Bumalik ito sa dati at mas grabe pa. Isang araw na huli niya ito sa kuwarto nilang mag-asawa na kasiping ang half sister niya. Hinabol siya ni Tristan kaya nalaglag siya sa hagdan. Tumama ang noo niya at nawalan siya ng malay. She had a temporary amnesia na hindi naman nagtagal. Nagulat siya ng magpakilala sa kanya si Sunny na kapatid niya at asawa ito ni Tristan. Sumang-ayon doon si Tristan na ikinadurog ng puso niya pero sinakyan niya ang gusto ng mga ito. Naisip niya na siguro ito na ang panahon para makabawi siya sa lahat ng kasalanan niya sa dalawa. Tumira sila sa bahay nilang mag-asawa pero hindi na siya ang asawa ni Tristan kundi ang kapatid niya. Araw-araw tinitiis niya ang sakit na makitang masaya si Sunny at Tristan. Tiniis niya ang lahat dahil alam niyang deserved niya ang lahat ng iyon. Handa siyang baunin ang lahat ng ala-ala niya sa nakaraan hanggang mamatay siya basta maging masaya lang ang mga ito. Pero ginawang komplikado ni Tristan ang lahat. Dahil sa mga sulyap nitong may pangungilila sa mga mata, sa mga concern nito sa kanya at sa ipinararamdam nitong pagmamahal. Gusto niyang umasa. Gusto niyang tanungin kung may pag-asa ba silang dalawa. Pero natatakot siyang mas lalo lang gumulo ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD