Chapter 10

420 Words
"Mas mabuti pa araw-araw ka na lang sumabay sa amin," ani ni Drake ng naglalakad na sila. Niyuko siya nito. "Hindi titigil sina Melody hanggat hindi yun nakakaganti," anito na may concern sa tinig nito. "Bakit ba siya nakabangga ni Sunny?" tanong niya. Dumikit sa kanya si Drake para bumulong. "Ex ni Tristan si Melody," mahinang bulong nito. Nanlaki ang mga mata niya at nilingon ito. "Totoo?" Tumango ito. "Kaya siguro niya inaway si Sunny kasi napapabalitang nililigawan ni Tristan si Sunny." Parang may sumipa sa dibdib niya sa narinig. Nililigawan ni Tristan si Sunny? Napasulyap siya sa dalawa na nasa unahan nila. Kaya pala close na close ang mga ito. Kaya pala sobra kung asikasuhin ito ni Tristan. May gusto si Tristan kay Sunny... At ang sakit, wala naman silang relasyon ni Tristan - dahil malabong mangyari yon - pero ang sakit-sakit. Para siyang pinagtaksilan. Hindi na siya umimik at napansin naman ata iyon ni Drake kaya tumahimik na lang ito hanggang sa nakarating sila sa kalye nila. Nakita niya pa ng haplusin ni Tristan ang braso ni Sunny bago ito nagpaalam. "Gusto mo sunduin kita bukas?" tanong sa kanya ni Drake. Seryoso ang mukha nito pero halatang kinakabahan. "Bakit?" takang tanong niya. "Para sabay tayong papasok sa school." Ipinaikot niya ang mga mata. "Sabado bukas, walang pasok." Napakamot ito sa batok. "Oo, nga pala.' "Drake! Lika ka na!" tawag ni Carlo kay Drake. Nauuna ng maglakad sina Carlo at kasabay na ng mga ito si Tristan. "Bye!" ani ni Drake sa kanya na tiannguan niya lang. "Nanliligaw sayo si Drake?" tanong ni Sunny ng silang dalawa na lang ang sabay na naglalakad. Nangunot ang noo niya. "Saan mo naman napulot yan?" "Halata namang may gusto sa'yo si Drake," nakangiting anito pero may ibang emosyon ang dumaan sa mga mata ni Sunny na hindi niya alam kung ano. Hindi na niya pinansin iyon dahil sa sinabi nito. Siya? Magugustuhan ni Drake? Impossible! "Akala mo lang yon. Teka ano nga pa lang idadahilan mo kina Tita at Daddy kapag nakita nila yang mga pasa at kalmot mo?" tanong niya dito. "Wala sila ngayon. Bukas lalagyan ko na lang ng concealer." Tumango-tango siya. Naalala niyang may out of town nga pala ang Daddy niya kasama ang Mommy ni Sunny. Silang dalawa lang ngayon at ang mga katulong ang maiiwan sa bahay. "Salamat nga pala..." napalingon siya kay Sunny. "Salamat dahil tinulungan mo ako kanina," anito. Nagkibit siya ng balikat. "Kapatid kita e," simpleng sagot niya at nauna ng pumasok sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD