Chapter 15

543 Words
"AYOS ka lang ba talaga?" muling tanong ni Tere kay Amelie bakas ang pagaalala sa mukha nito. Na sa room na sila at wala ang teacher nila kaya naman malaya ang lahat na mag-usap. "Siyempre hindi..." mahinang bulong niya. Hindi na siya nahihiyang sabihin ang totoong nararamdaman kay Tere. Alam niya namang dadamayan siya nito at hindi huhusgahan kahit ano pang gawin niya. Kaya nga ito ang bestfriend niya. Saksi ito sa lahat ng kagagahan niya kay Tristan. Alam nito kung gaano siya kabaliw na baliw sa lalaki dahil dito siya nagsasabi ng lahat ng lahat ng kilig momments niya with Tristan kahit one sided lang ang kilig, dahil wala namang kamalay-malay si Tristan na may mga kilig momments sila. Tanging siya, ang diary niya at si Tere lang ang nakakaalam kung kailan, saan, at paano. "Anong desisyon mo? Sasama ka pa rin ba sa prom?" tanong ni Tere. Marahan siyang tumango. Hindi niya naman kasi kayang palagpasin ang pagkakataon na iyon sa kabila ng mga narinig at nalaman niya kanina. Hindi naman nabawasan ng sakit na naramdaman niya ng malaman niyang ginagamit lang siya ni Tristan para makasama din si Sunny sa Prom night ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Tristan. Napabuntong-hininga naman ang kaibigan niya, naaawa ito na naiinis sa kanya. Minsan damang-dama niya na gusto siya nitong iumpog para magising na siya sa sinasabi nitong 'kahibangan' raw niya kay Tristan. "Masokista ka ba, Amelie? Gagamitin ka lang nila para magkasama sila sa prom! Dapat hindi ka na sumama para hindi rin sila lumigaya!" talak nito sa kanya. Umiling siya. "Sayang yung chance ko... At least makakasama ko si Tristan sa prom. Sasabihin ko kahit isang sayaw lang, isayaw niya ako. Okay na ako ro'n..." nakalabing katwiran niya kay Tere. At least mararanasan niyang makasama si Tristan sa prom. Last year na ni Tristan dito sa school nila. Kaya hinding-hindi na siya magkakaroon ng chance na makasama ito sa prom kahit kailan. "Ay grabe ka! Gano'n mo siya ka-gusto? Saludo na'ko sa'yo, 'te!" sarkastikong anito at itinaas pa ang dalawang kamay. "'Wag ka na ngang mang-asar... Unawain mo na lang ako," malungkot na pakiusap niya dito. "Hoy, Amelie, grade two pa lang tayo inuunawa na kita, ha!" Nangalumbaba siya. "Samahan mo ako sa prom," aniya dito. "Dadamay mo pa ako?" Lumabi siya. "Hahayaan mo bang magmukhang tanga ako ro'n? Siyempre kay Sunny na mapupunta ang atensiyon ni Tristan. Tapos ako maiiwan na lang sa isang sulok. Hindi naman ako makakauwi hangga't hindi pa uuwi si Sunny." Nakikinita na niya ang magiging eksena sa prom malamang naman na papayag si Tristan na isayaw siya ng isang beses, at alam niya din na pagkatapos no'n si Sunny na ang sasamahan nito sa buong magdamag. Sigurado iyon, pustahan pa. Si Tere naman ang nangalumbaba. "Alam mo kung hindi ka lang nakakaawa, titiisin kita e, kasi sa totoo lang tinalo mo pa yung tatlong paring martyr sa ka-martyr-an mo!" "Ipa-mukha pa ba sa akin?" nakangiwing tanong niya dito. "Kung puwede nga lang ilamukos ko sa mukha mo nang matauhan ka e!" nakairap naman na sagot ni Tere. Napasimangot na lang siya at hindi na sumagot. Ganito lang naman ang kaibigan niya pero alam niyang mahal siya nito at hindi siya pababayaang magmukhang tanga mag-isa sa Prom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD