Chapter O1

2027 Words
ThaLia VaLdez; MABILIS akong sumandal sa may gilid ng pintuan para hindi ako makita ng lalake sa loob. Nakahawak pa ako sa aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Habang tumatahip ng mabilis ang puso ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at parang dinikit na doon ang mga paa ko. May nakita akong lalake sa loob ng kwarto habang nakahubad ito ng pang itaas. Hindi ko masyado nakita ang mukha niya dahil mabilis akong umiwas para hindi niya ako makita. Pero mahaba ang buhok niya at mahaba 'din ang buhok niya sa baba. Para siyang si tatalino kung titignan. Hindi ko alam kung matanda na ba siya o hindi pa. Pero infairness ang ganda ng katawan niya na para bang ginuhit ng isang magaling na artist. Hindi ko akalain na may nakatira pala dito sa malaking bahay na ito. For sure katiwala siya dito sa malaking bahay at nasa ibang bansa ang mga may ano nito. Maya-maya'y nakita kung nasa may pintuan na ang lalake at tumingin ito sa paligid na para bang naramdaman nitong may ibang tao sa loob ng haunted house. Gusto kung tumakbo palayo sa kinatatayuan ko dahil hihimatayin na ako sa subrang kabang nadarama ko ngunit makikita naman niya ako kapag ginawa ko iyon kaya naman ay nanatili akong nakatayo sa gilid habang hindi humihinga para hindi niya ako marinig. Mulat na mulat 'din ang aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa may pintuan. Nanalangin pa ako na sana hindi ito lumingon sa gawi ko. Ngunit hindi dininig ng diyos ang panalangin ko dahil bumaling ang lalake sa kinatatayuan ko. Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng aking puso at nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang aming mga mata. Parang gusto ko ng himatayin ng mga sandaling iyon dahil nakita na niya ako. Oh my god! Para akong naestatwa habang nakatingin sa lalake at hindi makagalaw dahil sa takot na aking nararamdaman. Nanginginig na rin ang aking mga tuhod sa labis na takot. Parang gusto ko ng maihi sa aking salawal habang kumakabog ng mabilis ang aking puso. Makalipas ng ilang sandaling pagkakatitigan namin dalawa ay nagtaka ako ng makita kung napailing ang lalake at pumasok ulet sa loob ng kwarto na parang hindi ako nakita. Mapapansin parin ako ng lalake sa may gilid dahil kahit papaano ay natatamaan ako ng ilaw na nagmumula sa loob ng kwarto. Nang maisara na ng lalake ang pintuan ng kwarto nito ay dumilim ulet ang kapaligiran kaya binuksan ko ang cellphone kahit nangangatog sa kaba para may ilaw ako kahit papaano. Huminga ako ng malalim ng ilang beses para bumalik ang dating paghinga ko. Grabe'ng kaba at takot ang aking nadarama ng makita ko ang lalake. " s**t!" Napamura pa ako ng mahina. Pero nagtataka parin ako, kung bakit 'di ako nakita ng lalake. Sa laki kung ito? Well, mas better na rin iyon at baka ano pa ang gawin sakin ng lalake kapag nakita ako. " Pero bulag kaya siya?" Bulong na tanong ko sa aking sarili habang nakatayo parin sa kinatatayuan ko. " Kasi hindi niya ako nakita." Dagdag ko pa. Pero infairness ang ganda ng mga mata niya kahit ang haba ng mga bigote niya sa mukha. Halos matakpan na ng balbas ang kalahating mukha nito. Hindi ko tuloy makita kung gwapo ba siya o hindi. Siguro ang gwapo niya dahil ang ganda ng mga mata niya at maganda rin ang katawan ng lalake. Ang landi, naistock up kana nga diyan. Sabi ng epal kung isip. Umismid naman ako dahil may epal. Bihira naman ako magandahan o humanga sa mga mata ng lalake. At kapag nagagandahan ako sa mga mata ng lalake ay nagkaka-crush ako. Lalo na 'yung mapupungay ang mga mata. Gustong gusto ko iyon dahil nakaka-atract siya. Parang 'yung lalake lang kanina. Ang ganda ng mga mata niya at ang pupungay. Parang gusto na niyang matulog. Sabagay gabi na kaya siguro inaantok na ang lalake. Wew! Mukhang may bago akong crush ngayun ah? Pero sa isang bulag pa? " Okey na rin. Maganda naman ang mga mata niya." Bulong ko sa sarili. Pero ang malaking katanungan sa aking isipan kung bakit siya lang ang nakatira sa malaking bahay na ito. Kanya ba ito o isa lang siyang caretaker? Sa tingin ko naman sa lalake ay hindi naman siya gano'n katanda eh. Pero bakit siya lang ang nandito? Asan ang pamilya niya? Umiiral na naman ang pagiging marites ko. Pero hindi naman talaga ako marites. Paminsan-minsan, oo. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit gusto kung malaman na mag-isa lang siya dito at nasaan ang pamilya niya. Para kasing nakakaawa siya dahil may kapansanan pa siya diba? tapos mag-isa lang siya dito sa malaking bahay. Ano bang pakialam mo girl? Umiral na naman ang pagiging mabait mo. Sabi ng utak ko. Naaawa lang ako sa lalake kasi siya lang mag-isa dito. Paano kaya siya nabubuhay dito diba? Napabuntong hininga na lang ako ng malalim at naghanap na lang ako ng pwesto para may matulugan ako. Natatakot na kasi ako lumabas at baka makita pa ako ng mga pulis na humahabol samin. Mahirap ng makulong at wala akong pang-piyansa. Nahihirapan na nga ako makabangon sa tindahan tapos iisipin ko pa ang pang-piyansa ko. Nang makahanap ng matutulugan ay naisipan kung tawagan ang mga kaibigan ko ngunit expired na pala ang load ko. " Ano ba naman 'yan! Kung kailan, kailangan ko ay saka naman nag-expired tsk!" Inis na bulong ko kasabay ng pagbuntong hininga. " Saan na kaya ang mga 'yun? Hindi manlang ako maalalang matawagan kainis." Inis ko parin sambit. Naiinis ako dahil 'di naman mangyayare sakin ito kung hindi sa kagagawan ni Tekla. Tapos hindi ako makatulog dahil pinapapak ako ng mga lamok. Ang dami palang lamok dito at mukhang hindi nalilinisan. At panigurado niyan ay hinahanap na rin ako ng mama ko. Hindi ko naman mai-text ang mga kapatid ko dahil wala na akong load. " Kainis talaga. Humanda ka talaga sakin, Tekla." Gigil na bulong ko habang nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa kaibigan. Hindi ako makakatulog ngayun at panigurado ay panda ako bukas. May tinda pa naman ako neto bukas. Kapag talaga hindi ako makapagtinda nito bukas ay sasabunutan ko talaga siya ng bongga. Hindi pa naman ako pwede'ng tumigil sa pagtitinda dahil marami kaming utang na dapat bayaran. Bwesit talaga ang Tekla na 'yun. Gigil ko parin na sabi sa isip at pinagsasapak ko sa isip ang babae na 'yun. Hindi ako warfreak, pero kapag nakita ko siya ay humanda talaga sakin ang babae na 'yun. Makalipas ng ilang sandali ay nakaramdam na ako antok dahil sa ala una na ng madaling araw. Namimigat na ang aking mga talukap ng mga mata ko kaya hindi kona kinaya ang antok na aking nararamdaman. Sa subrang pagod ko kahapon kaya mabilis akong antukin ngayun. Hindi kona pinansin ang mga kagat ng mga lamok sa katawan ko dahil antok na antok na talaga ako. Hindi kona pinansin kung saan ako nakahiga ngayun. Wala na akong pakialam sa paligid dahil inaantok na talaga ako. Nang dumating ang umaga ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa at tunog ng isang kahoy kaya mabilis akong nagmulat ng mga mata. At nagulat ako dahil sa pwesto ko papunta ang lalake. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at umalis ako sa pwesto ko para hindi niya ako maramdaman. Terrace pala ang napagpwestuhan ko kagabi at hindi ko namalayan kagabi. Doon patungo ang lalake ngayun. Tumingin sa paligid ang lalake na parang nakikita niya ang mga tanawin sa labas. Nakita ko pang huminga ito ng malalim at ilan beses niya iyon ginawa na parang ang laki ng problema niya. Sabagay problema nga ang pagiging bulag dahil wala siyang makita. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa lalake. Kapagkuwan ay napansin kona bagong paligo ang lalake habang nakatalikod sakin ngunit gusot gusot naman ang suot niyang damit. Nakapantalon pa ito na kupas habang ang sapin sa paa ay isang simpleng tsinelas lang. Halatang mahirap sa buhay ang lalake ngunit bakit dito siya nakatira? Marahil ay caretaker lang talaga ang lalake. Sa itsura nito ngayun ay hindi ko masasabing mayaman ang lalake. Hindi sa pangmamaliit, ngunit sa itsura ng lalake ay hindi talaga siya mayaman. Maya-maya'y napakurapkurap ako ng aking mga mata ng makita kung lumabas na ang lalake mula sa may terrace habang may tungkod na dala. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siya patungo sa hagdanan. Kinabahan ako dahil baka mahulog siya kaya sinundan ko siya pababa. At nakahinga naman ako dahil ligtas siyang nakababa. Kapagkuwan ay binatukan ko ang aking sarili dahil nakalimutan kung mag-isa nga pala ang lalake sa bahay at malamang alam na niya ang pagbaba sa hagdanan. At hindi na siya mahuhulog sa hagdanan. " Oo nga pala." Sambit ko pa sa sarili saka bumaba na rin ng hagdanan at sinundan ang lalake sa pinasukan nitong pintuan. Kusina pala ang pinasukan ng lalake at basta kusina lang, dahil ang laki niya. Napakunot pa ang nuo ko ng mapansin kung puro agiw ang kisame at buong paligid. Ang dumi at parang ilang taon na hindi nalilinisan. Pati ang mga gamit ay nanggigitata na rin sa dumi. Puro alikabok na rin ang paligid at mga gamit doon. Paano kaya siya nabubuhay sa ganitong kaduming kusina? Paano siya nakakain? Paano siya nagluluto? Tanong ko sa isip dahil parang nahabag ako sa lalake. Parang hindi ko kayang tumira sa ganitong bahay. Subrang dumi at nakakadiri ang paligid. God! Abala ako sa kakatingin sa paligid ay hindi ko nakita ang dinadaanan ko dahilan para matisod ako sa nakausling kahoy at gumawa ng ingay. Muntik pa ako matumba at mabuti na lang ay may nahawakan ako na isang bagay kaya hindi ako tuluyan natumba sa sahig. Ngunit nanginig ang buo kung katawan ng marinig ko ang galit at malamig na boses ng lalake saka dumagundong iyon sa loob ng kusina. Buong buo iyon at lalaking lalake ang boses nito. Nakakakilabot rin ang boses niya kaya nanginig ang mga tuhod ko at hindi agad nakapagsalita. Hindi ko akalain na nakakatakot pala ang boses niya. " Who the hell are you?" Ulet na tanong niya pa sakin. Napalunok ako ng laway dahil sa takot na aking nararamdaman at nakatitig ako sa mga mata niyang nakakatakot habang nagliliyab sa galit. " Kapag hindi ka nagsalita, ipapahuli kita sa mga pulis dahil pumasok ka sa bahay ko." Nagulat at natigilan naman ako dahil bahay niya pala ito at hindi siya caretaker. " Ahmm.." Sabi ko habang kinakabahan dahil tatawag siya ng pulis kapag hindi ako nagsalita. " N-nakitago lang p-po ako dito kuya kasi may humahabol sakin." Paliwanag ko habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba. " Mukha bang taguan ang bahay ko?" Galit na tanong ng lalake sakin habang salubong ang kilay nito at kunot na kunot ang nuo niya. " Magnanakaw ka siguro kaya ka nagtatago no?" " Hindi ah!" Mabilis kung sagot sa lalake. Parang nawala ang habag ko dito dahil napakasungit pala niya habang walang emosyon ang mukha nito. " May humaha-" " I don't care!" Sansala nito sa sabihin ko. " Umalis kana, kung ayaw mong ipahuli pa kita sa mga pulis." Masungit na sabi nito dahilan para mapasimangot ako. Hindi ko akalain na masungit pala ang lalake. Kaya siguro mag-isa lang siya dito sa malaking bahay na ito ay dahil ang sungit sungit niya. " Sorry po ulet." Hingi ko ulet ng pasensya sa lalake saka lumabas ng kusina. Hindi na ako nagpaliwanag dahil 'di na naman kami magkikita ng lalake. Kung magkikita man kami ulet ay susungitan ko rin siya hmp. Hindi ko akalain na subrang sungit nito. Nang makalabas ng malaking bahay ay tumakbo ako patungo sa gate. Hindi ko ginala ang mga mata ko para tignan ang loob ng bahay. Nagmamadali na ako at baka hinahanap na ako ng mama ko. Humanda lang talaga sakin si Tekla mamaya kapag nakita ko siya. Ang sama niya dahil sakanya ay nagtago ako sa malaking bahay at naka-encouter ng napaka-sungit na lalake na bulag pa. Sayang crush ko pa naman siya dahil ang ganda ng mga mata niya. Kaya lang ubod ng sungit ng lalaking iyon hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD