HELLO PO PLEASE SUPPORT AND PA FOLLOW NA RIN PO SA INYONG MGA LIBRARY. MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT PAGTANGKILIK.
THALIA VALDEZ
KAKAUWE ko lang galing sa palengke ng pumunta sa bahay si Lalay para mag-pasama na pupunta siya sa kanyang boyfriend. Hindi ko alam kung bakit sinasama pa ako samantalang kasama naman niya ang dalawa pa naming kaibigan na sina Tekla at Tutay.
Mabuti na lang at pinayagan ako ng aking ina kundi hindi nila ako makakasama ngayun. Hindi kona rin sila nakakasama ng masyado dahil busy ako sa tindahan namin.
Wala naman ibang aasahan si mama kundi ako lang dahil wala na si Papa.
" Sige po, tita. Hatid kona lang po mamaya si Onse." Wika ni Lalay sa aking ina. Si Lalay na ang nagpaalam para sakin dahil 'di na ako papayagan ni mama lumabas kapag gabi na.
Pinapayagan naman ako ni mama basta mga kaibigan ko ang aking mga kasama. Ayaw niya kasi ako mapariwara ang buhay ko kaya pinipigilan niya ako kahit matanda na ako.
Pinagbabawalan niya pa ako kapag mag-iinuman kami ng mga kaibigan ko. Pinagbabawalan niya akong tumambay sa labas kahit mga kaibigan ko ang aking mga kasama. Ayaw niya akong inaabot ng hating gabi sa labas. Gusto niya kapag alas syete o alas otso ay nasa bahay na ako.
Depende na lang kapag may okasyon. Pwede ako hanggang alas diyes ng gabi. Pero kapag lumagpas ako ng 10pm ay katakot takot na sermon ang aabutin ko. Bawal 'din akong umuwe ng lasing kaya hindi ako umuuwe sa bahay kapag lasing dahil makukurot ako sa singit at hindi na ako papayagan sa susunod.
Mabait naman si mama pero sundin lang namin ang mga rules niya.
Pero nang mamatay si papa ay hindi na ako masyado nakakasama sa mga kaibigan ko dahil abala ako sa maliit namin tindahan sa palengke.
Iniwan samin ng yumao kung ama. Ako na ang namamahala no'n dahil ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid.
Nag-aaral at mga bata pa ang mga kapatid ko kaya ako na ang umako sa responsibilidad sa tindahan namin.
Huminto pa ako sa aking pag-aaral para mamanage ko ng tama ang tindahan namin sa palengke. Mahirap na kasing mawalan ng income kapag nawala 'yun. Tapos dalawa pa ang pinag-aaral ko kaya pinaghuhusayan ko ang pagmamanage ng tindahan.
Atsaka iniwan iyon ng aking ama kaya hindi ko hinahayaan na malugi ang tindahan namin sa palengke. Iyon na lang ang tanging alaala ni Papa kaya hangga't maaari ay hindi ko siya pinapababayaan.
Nalulugi kung minsan ang tindahan pero nakakabangon parin naman. Mabuti na lang ay malakas ang loob ko kapag nalulugi ang tindahan namin. Hindi ako umiiyak o pinanghihinaan ng loob.
Umuutang pa ako sa mga lending para lang maibangon ko ang tindahan namin. Marami kasing umaasa sa tindahan na iyon kaya ginagawan ko ng paraan para wag lang mawala ang tindahan.
Ako nga pala si Thalia Valdez aka ( Onse )ang negosyante sa aming apat.
Ako kasi ang namamahala ng tindahan namin sa palengke. Si Amber naman aka ( Tekla ) ang blacksheep sa tropa. Bakit? Malikot kasi ang kamay ng babaeng 'yan. Pero hindi niya kami tinatalo dahil alam niyang mangyayare. Hindi na namin siya magiging kaibigan kapag tinalo niya kami. Sa awa ng diyos ay hindi pa naman kahit noong mga bata pa kami.
Si Bea naman aka ( Lalay ) ang pinaka-maarte naming kaibigan. Anak kasi siya ng kagawad samin kaya gano'n ang ugali niya dahil may kaya sa buhay ang babaeng 'yun. Hindi nga namin alam kung paano namin siya naging kaibigan. Subrang arte niya, pero ngayun hindi na kasi palagi siyang sinusupla ni Tutay. Ang taray pa naman ng babaeng 'yun kapag. maarte ang mga kasama namin. Kaya nga hindi ako nag-iinarte kasi palagi niya ako masusupla hehe.
Si Kylie naman aka ( Tutay ) ang pinaka-mataray sa mga kaibigan ko, pero mabait 'yan kahit salubong lagi ang kilay. Kaya lang patay na patay siya sa kapatid kung si Thirdy, ang sumunod sakin. Hindi ko alam kung bakit patay na patay siya sa kapatid ko samantalang mas matan siya do'n.
20 palang si Thirdy tapos kaedaran ko naman si Tutay. Grabe maloloka ako sa babaeng 'yun. Sa daming magiging crush, kapatid ko pa talaga.
Patungo na kami sa jowa ni Lalay at sumakay kami ng jeep. Papunta iyon sa may palengke kung saan ako nagtitinda.
" Ano pala gagawin natin sa jowa mo sis?" Tanong ni Tekla kay Lalay habang nakasakay kami ng jeep. Sa may pinakadulo kami nakaupo at puno ang jeep na sinasakyan namin.
" May kukunin lang ako sa bahay ng bebe ko. Tang ina kasi ang tamad tamad." Sagot ni Lalay habang nakalukot ang mukha nito.
" Ayan kasi, nag-jowa kapa ng gwapo pero tamad naman." Nakangising pang-aasar ni Tekla kay Lalay. Malakas 'din mang-asar ang babaeng ito.
" Palibhasa kasi wala kang jowa." Pairap na sagot ni Lalay kay Tekla. Nasa mood pumatol si Lalay dahil minsan ay napipikon siya kay Tekla.
Hindi naman apektado ang isa at tumawa lang na pang-asar.
" Okey lang. Wala naman sakit ng ulo." Pang-aasar pa nito habang nakangisi parin. Sa aming apat si Lalay lang ang may jowa dahil kaka-break lang ni Tutay sa kanyang nobyo.
Kahit may nobyo na siya dati, crush niya parin ang Thirdy ko.
" Tumigil nga kayo! Ang iingay niyo." Mariin na saway ni Tutay sa dalawa at parang naingayan na dahil ang gulo nila.
Parang mga bata at hindi na nahiya sa mga tao sa loob ng jeep.
Nang dumating kami sa lugar ng nobyo ni Lalay ay mabilis kaming bumaba ng jeep na apat. Nang mapadaan sa isang convenience store ay tumigil sa paglalakad si Tekla.
" Nauuhaw ako. Bili lang ako ng tubig. Kayo ba?" Tanong niya pa saming tatlo.
" Ililibre mo ba kami?" Parang nagdududa na tanong ni Lalay kay Tekla.
Ngumisi naman ito. " Oo naman. May pera kaya ako." Pagyayabang pa niya at pinakita pa samin ang 500 pesos na buo.
" Wow! Saang galing?" Si Tutay.
" Wag muna tanong. Ano?" Tanong niya ulet saming tatlo.
" Sige." Sagot ko kasi nauuhaw na rin naman ako. At hindi pa ako kumakain dahil dumating sila sa bahay. Samantalang kakauwe ko palang dahil galing ako sa palengke.
" Okey." Wika ni Tekla saka naglakad na patungo sa convenience store. Samantalang kami ay naghintay lang sa labas habang inaantay namin si Tekla.
" Tingin niyo. Hindi gagawa ng kalokohan ang babaeng 'yun?" Maya-maya'y tanong samin ni Lalay. Dakila kasing magnanakaw si Tekla sa mga convenient store noon pa man kaya hindi namin maiwasan na paghinalaan siya dahil gawain na niya iyon simula bata pa.
Hindi ko siya pinaghinalaan ngayun na may gagawin siyang masama dahil may pera siya. Ang pinagtataka ko ngayun kung saan siya kumuha ng pera? Wala naman siyang trabaho dahil wala naman siyang tinapos.
Wala naman akong balita kung ano ang work niya ngayun.
Kaklase ko ng elementary si Tekla kaya kaming dalawa ang magkaibigan. Pero pinakilala ko siya kina Tutay at Lalay kaya naging kaibigan na rin siya ng dalawa dahil magaling makisama si Tekla. Huli kona nalaman na may ginagawa siyang masama no'ng hinuli siya ng mga taga barangay. Mabuti na lang kaibigan parin siya ng dalawa kahit gano'n ang ginagawa ni Tekla.
Hindi rin kasi namin masisisi Tekla dahil siya ang bumubuhay sa pamilya niya. Iniwan na sila ng tatay niya dahil sumama sa ibang babae. Samantalang ang nanay naman niya walang ginawa kundi ang uminum at magsugal kaya nakakagawa ng masama si Tekla dahil palagi siyang binubogbog ng nanay niya noon. Tapos sa kanya umaasa ang mga kapatid niya dahil wala ng pakinabang ang nanay niya.
Noong 15 years old naman siya ay nahuli na rin siya ng mga pulis pero agad 'din pinakawalan dahil 'di na nagreklamo ang pinagnakawan niya.
Pinagsabihan na namin siya noon na wag ng magnakaw at lumapit na lang samin kapag may kailangan. Kaya lang ang palagi niyang sinasabi ay nahihiya na daw siya samin kaya siya na lang daw ang gagawa ng paraan.
Gagawa ng paraan pero galing naman sa nakaw. Kaya palagi kami nag-aalala sa kanya kapag may problema siya kasi alam na namin ang gagawin niya. Magnanakaw na naman siya kapag nanghihingi ang nanay niya ng pera.
Makalipas ng ilang sandali ay biglang may sumigaw at nakita namin si Tekla na tumatakbo patungo samin habang hinahabol siya ng guwardiya.
Tang ina, may ginawa na namang kalokohan ang babaeng ito.
Tumakbo naman kaming tatlo at baka kami naman ang hulihin ni manong guard. Tapos may nakita pa kaming pulis sa kabilang gilid ng kalsada kaya mas lalo kaming nataranta at kinabahan. Binilisan pa namin ang pagtakbo para hindi kami mahuli.
Hanggang sa magkahiwalay hiwalay kaming apat. Hindi ko alam kung saan na sila at saan sila sumuot. Nakita ko kasi kanina na may pinasukan silang eskinita.
Susundan ko sana sila, kaya lang andiyan na ang humahabol samin kaya tumakbo na lang ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan iyon. Wala kasing mga bahay sa paligid at malalayo ang mga iyon. Tapos puro damuhan pa ang makikita ko sa paligid pero mababa lang naman.
Hindi ko alam kung saan lugar iyon dahil 'di naman ako gala na tao.
Nakaramdam tuloy ako ng kilabot at takot habang nakayakap ako sa sarili ko. Mamaya kasi ay bigla na lang akong hablutin at gahasain sa mga damuhan. Uso pa naman ngayun ang rape kaya natatakot ako.
" Bakit kasi dito ako tumakbo?" Inis na tanong ko sa aking sarili habang naglalakad. Hindi ko alam ang lugar na ito kaya hindi ko alam kung paano lumabas. Masyadong malawak ang kapaligiran at parang private property ata ang napasukan ko. Pero wala naman harang kaya nga nakapasok ako eh. At mabuti na lang ay kahit papano ay may ilaw sa lugar na iyon kaya nakikita ko ang paligid. Pero hindi parin nababawasan ang kabang nadarama ko. Kinakabahan at natatakot parin ako dahil sa humahabol sakin. Tapos nandito pa ako sa lugar na ito na walang katao.
Sana lang talaga ay walang maligaw na magnanakaw o rapist dahil patay talaga ako. Gusto ko pang mag-asawa at magkaanak soon.
Kapagkuwan ay may natanaw akong isang malaking bahay sa lugar na iyon. Kaya mabilis akong nagtungo doon para magtago. Mamaya kasi ay pumunta doon ang humahabol samin at mahuli pa ako.
Paglapit sa malaking bahay ay kinilabutan naman ako dahil parang haunted house naman ang bahay na nasa harapan ko. Malaki siya tapos subrang dilim ng paligid. Parang walang nakatira sa loob. At parang abandonado na ang malaking bahay.
" s**t! Paano ako magtatago sa malaking bahay na 'to? Ang laki tapos ang dilim pa." Bulong ko habang bakas sa aking mukha ang takot na nararamdaman. Takot pa naman ako sa momo tapos dito pa ako magtatago. " Kainis naman kasi si Tekla eh." Inis na reklamo ko kasabay ng pagpadyak ng mga paa.
Maya-maya'y narinig kung may paparating na Mobile ng mga pulis kaya dali dali akong lumapit sa gate at inakyat ang mataas na bakuran. Mabuti na lang ay pa rehas ang uri ng bakuran kaya hindi ako nahirapan sa pag-akyat.
Kaya lang sa pagmamadali ko ay nasugatan ako sa may tuktok ng bakuran dahil matatalas ang nasa dulo.
Muntik pa ako mahulog sa pagmamadali ko dahil sa takot na mahuli. Nang marinig kung malapit na ang mobile ng mga pulis ay agad akong nagtago sa pinakamadilim na pwesto para hindi ako makita.
Huminto pa ang mobile ng mga pulis sa tapat ng haunted house bago umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalayo na ang mobile ng mga pulis. Kapagkuwan ay napa-igik pa ako dahil parang may kumagat sa paa ko kaya mabilis akong nagtungo sa malaking bahay.
Hindi ako pwede umalis dito at baka nandiyan lang sa paligid ang mga pulis. Kaya kailangan kung magpa-umaga dito kahit nakakatakot.
Nang makalapit sa pintuan ng haunted house ay huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang doorknob ng pintuan. At kahit natatakot ay nakaramdam naman ako ng tuwa kasi bukas ang pinto. Kaagad kung binuksan ang pintuan at nakaramdam ng kilabot ng tumunog ang pinto na parang horror. Yung napapanuod natin sa mga horror movie. Kapag binuksan ang pintuan ay tumutunog. Gano'n na gano'n siya mga teh. Grabe!
Subrang nakakatakot at nakakakilabot ang pakiramdam ko ngayun. Anytime ay pwede na akong himatayin sa subrang takot na nararamdaman ko. Subrang bilis 'din ng t***k ng aking puso at para na siyang sasabog sa subrang bilis nito.
Nang mabuksan ang malaking pintuan ay mas lalo akong nakaramdam ng takot dahil subrang dilim sa loob ng malaking bahay. Kung madilim sa labas. Mas madilim sa loob dahil walang kailaw ilaw. Para talaga siyang haunted house sa subrang dilim.
Kinilabutan na naman ako. Nanlalamig na rin ang buo kung katawan sa subrang takot. Para akong nasa movie dahil ganito ganito iyon.
Kahit takot na takot na ako ay pinilit kung pumasok sa loob para magtago muna doon. Mamaya kasi ay bumalik ang mga pulis at pumasok sa loob kaya magtatago muna ako.
Kapagkuwan ay kinapa ko ang cellphone sa may bulsa ko kung dala ko ba. Nang makapa ang cellphone sa bulsa ko ay napangiti ako at nakahinga ng malalim kahit natatakot ang dibdib ko. Sa subrang bilis ay parang gusto ng lumabas ang puso ko.
Binuksan ko ang ilaw ng cellphone para kahit papaano ay may ilaw akong naaaninag habang naglalakad. Naglakad ako patungo sa may hagdanan habang deretso ng tingin at baka may makita akong momo sa paligid. Nagdasal 'din ako na sana ay wala akong makitang momo sa paligid dahil sisigaw talaga ako ng malakas.
Nang makarating ako sa taas ay nakahinga ako ng malalim dahil wala akong nakitang momo.
" Thank god!" Sambit ko pa.
Madilim 'din sa taas kaya inilawan ko ang paligid at muntik pa ako mapasigaw ng may nakita akong picture na mata kaya mabilis kung tinakpan ang bibig ko. At iniwas ang ilaw ng cellphone ko doon habang nangangatog ang mga tuhod ko sa takot.
Nanginginig na rin ako sa takot habang naglalakad para maghanap ng matataguan ko. Hanggang sa may nakita akong bukas na kwarto at may ilaw pa. Hindi masyadong maliwanag ang ilaw kaya hindi halata sa labas.
Nangunot ang nuo ko habang may pagtataka sa aking mukha.
" May nakatira dito?" Taka ko pang tanong sa sarili. At para malaman kung may nakatira nga dito ay mabilis akong naglakad na walang ingay para hindi ako marinig kung sinoman ang nakatira dito sa malaking bahay.
Ang lakas ng loob niyang tumira dito samantalang nakakatakot naman dito.
" Baka tagabantay ang nakatira dito." Bulong ko habang naglalakad.
Pagdating sa may pintuan ay sumilip ako sa loob para lang magulat at mapasinghap.