**
Chapter O2
KINAKABAHAN si Thalia habang papasok ako ng bahay namin dahil 'di ako nakauwe kagabi. Hindi naman naka-lock ang pintuan namin kaya nakapasok ako sa loob. Mukhang umalis na ng bahay si Kitty kasi pang umaga siya. Samantalang si Thirdy ay mamaya pang alas otso ang pasok.
Habang papasok ako sa loob ng bahay namin ay nanalangin ako na sana hindi ako pagalitan ni mama.
Panigurado kasi ay galit na galit na sakin si mama ngayun dahil sa hindi ko pag-uwe kagabi. Over protective pa naman si mama kahit malaki at matanda na ako ay masyado parin siyang nag-aalala sakin.
At mas lalo na ang namayapa kung ama. Subrang higpit ni papa samin noon kesa kay Mama. Kapag sinabi ni Papa na nasa bahay kana ng ganitong oras ay dapat nasa bahay kana. Pero kapag wala pa kami sa bahay ay papaluin niya kami sa pwet at parurusahan kaya hindi na kami lumalabas ng bahay.
Si Kitty lang ang lumalabag sa rules ni Papa dahil paborito siyang anak ni Papa. Lahat ng gusto niya ay nasusunod kaya lahat ng luho niya ay nakukuha niya. Noon 'yun kasi buhay pa si Papa. Pero ngayun ay hindi na dahil wala na ang Papa ko na bibilhin ang lahat ng gusto niya.
Hindi nga siya maluho ngayun, subrang maldita naman ang kapatid kona iyon. Palagi sila nag-aaway ni Thirdy noon dahil sa kamalditahan niya. Pati nga ako ay hindi nakakaligtas sa katarayan niya pero pinagpapasensyahan kona lang dahil sa bunso nga siya.
" Andiyan kana pala, Onse. Halikana at kakain na tayo. Magbubukas kapa ng tindahan sa palengke." Wika ni mama at nagulat naman ako dahil 'di galit si mama.
May himala ba?
Parang gusto kung tanungin kung bakit hindi siya galit. Pero wag na lang at baka mausog si mama, mapagalitan pa ako.
Naupo ako sa may hapagkainan namin. Nakapagluto na si mama. Si mama ang nagluluto sa bahay namin. Minsan ako naman kapag nirarayuma siya.
Hindi kasi maaasahan ang dalawa kung kapatid dahil parehas silang walang alam sa pagluluto. Pero maaasahan naman sa gawain bahay at paglalaba. Bata palang kasi kami ay tinuturuan na kami ni mama noong mga panahon na nasa ibang bansa si papa. Wala kaming katulong kaya sariling gawa pero madadali lang. Kay mama ang mahihirap na gawain.
Nangibang bansa si Papa noon dahil mahirap ang buhay namin. Tapos tatlo na kaming magkakapatid at nag-aaral pa. Hindi na kaya ng sweldo ni Papa noon para mabuhay kaming lahat kaya naisipan niyang mangibang bansa para mabigyan kami ng magandang buhay.
Noon kasi ay walang trabaho si mama dahil inaalagaan niya kaming magkakaatid. Tapos nangungupahan lang kami kaya hirap na hirap kami noon sa buhay. Nang makapag-abroad si Papa bilang OFW ay naging maayus ang buhay namin. Nakakain na kami ng sapat at hindi na kami nangungupahan dahil binili ni Papa ang bahay ni Aling Rosana.
Kinuha na kasi si Aling Rosana ng anak niya na nasa ibang bansa kaya benenta samin ang bahay niya.
Simula noon ay naging magaan ang buhay namin lahat. Lalo na, no'ng nagtayo ng tindahan sa palengke si Mama. Subrang lakas ng kinikita ni Mama no'n sa palengke habang nasa ibang bansa naman si Papa kaya nakakaipon kami ng pera.
May kotse pa nga kami noon at isang maliit na truck para sa palengke. At lahat ng gusto namin noon ay nabibili namin.
Pero nagbago ang lahat ng magkasakit si Papa.
Umuwe si Papa ng pilipinas dahil may sakit na siyang nararamdaman. Akala namin ay simpleng sakit lang 'yun. Pero nagulat na lang kami ng malaman naming stage 4 na pala ang sakit ng Papa ko.
Naubos ang naipundar nila at perang naipon dahil sa pagpapagamot ni Papa noon. Except lang sa tindahan at bahay. Dahil sa tindahan lang kami umaasa noon para mabuhay. Walang trabaho si mama at papa kaya hindi iyon kasama sa pagbenta namin.
Subrang lungkot at ang hirap ng buhay namin noon dahil sa pagkakasakit ni papa. Binawe agad samin ang lahat. Magandang buhay at pagiging masaya.
At habang nag-aaral ako ng 2nd year college noon ay nagtitinda ako sa palengke para may pagkain kami at panggastos sa mga pangangailangan namin sa bahay saka sa gamot ni papa.
Hindi makapagtinda si mama noon dahil binabantayan niya si papa at siya ang nag-aasikaso sa dalawa ko pang kapatid. Mga bata pa noon ang mga kapatid ko kaya si Mama ang nag-aalaga. Habang ako ay nasa palengke at nagtitinda.
Patapos na ako ng 2nd year college noon ng mamatay si papa. Mas lalong naging mahirap para samin ang buhay namin noon dahil 'di makausap si mama at palagi na lang umiiyak.
Subrang dinibdib niya ang pagkamatay ni Papa kaya palagi siyang nasa kwarto at umiiyak. Parang wala siyang anak at si Papa lang ang nasa isip niya. Hindi niya kami naiisip noon dahil palagi siyang nagkukulong sa kwarto. Doon ako nagdesisyon na tumigil sa pag-aaral dahil 'di ko maasahan si Mama noon.
Naaawa na ako sa mga kapatid ko kaya tumigil ako sa pag-aaral.
Ako ang nagmanage ng tindahan namin sa palengke kahit subrang hirap. Inaalalayan pa kasi ako noon ni Mama kaya naging madali sakin. Pero nang mamatay si Papa ay hindi na niya ako natutulungan kaya pinag-aralan ko kung paano magmanage ng tindahan kahit subrang hirap no'n.
At sa awa ng diyos ay nairaos ko kahit muntik na siya mawala samin dahil nagagamit namin ang puhunan kapag walang kita ang tindahan. Pero ngayun ay maayus na ang tindahan namin at bumabangon parin kahit dumadating ang crisis sa buhay namin.
" Pumasok na po ba si Kitty?" Anang ko sa ina dahil pang-umaga ang batang iyon. Pa-graduate na ng high school ang kapatid kona iyon. Samantalang si Thirdy ay nasa college na. Mabuti na lang ay nairaraos ko ang mga tuition fee nila.
Subrang hirap mag-budget ng pera lalo na kapag maraming bayarin. Lalo na ngayun, may mga utang ako sa mga lending para sa tindahan sa palengke. Kaya nga hanggang ngayun ay buhay parin ang tindahan dahil sa mga utang ko.
" Oo, umalis na. Nagbaon na lang ng almusal dahil nagmamadali." Sagot ni Mama sakin ni mama habang nagtitimpla ng kape.
Nagsimula naman ako kumain para makaalis na agad ako dahil anong oras na. Maliligo pa ako at wala na akong kikitain nito.
Bweset kasi na Tekla na iyon eh.
Nanggagalaiti na sabi ko sa isip. Hindi ko alam kung anong sinabi niya kay mama at bakit hindi ako pinagalitan.
Nang matapos sa pagkain ay nagpaalam na ako sa ina para maligo na. Kinuha ko ang tuwalya sa kwarto at bumababa ulet saka pumasok ng banyo.
Mabilis lang ako maligo dahil nagmamadali ako saka umakyat ulet sa taas para magbihis. Mabilis ang mga kilos ko. At nang matapos ay nagpolbo ako ng mukha saka naglagay ng kaunting liptint sa labi para kahit papaano ay may kulay ang labi ko.
Palagi kasing maputla ang labi ko. Wala naman akong sakit. Nang matapos ay kinuha ko ang pouch kona may lamang cellphone, charger, polbo, liptint at pitaka.
Lumabas ako ng kwarto saka bumaba sa kusina at nagpaalam sa ina. Hindi kona pinapasama sa palengke si mama kasi palagi siyang inaatake ng rayuma niya kaya nasa bahay na lang siya.
Mabuti nga ay nalagpasan na niya ang lungkot na nadarama ng mamatay si Papa. Palagi kasi ako umiiyak sa harapan niya noon kapag nahihirapan ako.
Ako kasi ang nagmamanage ng tindahan namin tapos ako pa ang nag-aasikaso sa mga kapatid ko kaya subrang pagod na pagod ako noon. Thank full na lang ako noon dahil may mga kaibigan akong masasandalan.
Tinutulungan nila ako sa palengke kapag humihingi ako sa kanila ng tulong. Kaya malaki ang utang na loob ko sa mga kaibigan ko dahil kung wala sila ay matagal na ako bumigay. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil palagi sila nandiyan para sakin.
Minsan pa nga ay sinisisi ko pa ang diyos noon dahil maaga niya kinuha samin si Papa. Tapos panandalian lang ang binigay niyang karangyaan samin noon. Kung hindi siguro nangibang bansa si Papa noon ay baka buhay pa siya ngayun.
Pero kung hindi naman nangibang bansa si Papa noon ay wala sana kaming sariling bahay at tindahan. Siguro gano'n talaga ang buhay. Kailangan ay may kapalit o may mag-sacrifice. Kasi kung hindi namatay si Papa ay wala kaming bahay at tindahan sa palengke. Mas better na siguro 'yun. At the same time ay nakakalungkot parin kasi wala na si Papa.
Iniisip kona lang na nandiyan lang si Papa at binabantayan niya kami. Nagdarasal ako araw araw na sana gabayan niya kami palagi.
Kaagad akong napasimangot ng makita ko si Tekla sa labas ng bahay namin habang nagyoyosi at inaantay ako. Wala naman siyang ibang hihintayin kung hindi ako lang naman. Hindi ko siya pinansin at deretso lang ang lakad ko.
" Bes, sandali." Sigaw niya pa pero hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kanya. Kasalanan niya kung bakit natakot ako kagabi at natulog sa matigas na sahig habang kinakagat ng mga lamok.
Kung hindi niya ginawa 'yun, edi sana hindi kami hinabol ng mga pulis.
Nang makarating ako sa kanto para mag-antay ng jeep ay huminto si Tekla sa gilid ko habang hinihingal.
Mukhang tumakbo ang bruha. Medyo may pagka-chubby kasi si Tekla kaya madaling hingalin. Pero infairness hindi siya nahuli kagabi.
" Sorry na bes, umiral na naman kasi ang pagkamalikot kung kamay eh." Sabi niya habang nakaharap sakin.
Hindi ako umimik dahil baka ano pa ang masabi ko sa kanya. Ayaw kung makasakit dahil kaibigan ko siya. Pero nakakainis lang kasi, dahil sa kanya ay naranasan ko ang mga nangyare kagabi.
Kung hindi niya ginawa 'yun, edi sana hindi kami nakipagtaguan sa mga pulis. At hindi ako makakarating sa malaking bahay na iyon.
Kapagkuwan ay naalala ko si kuyang bulag. Kamusta na kaya siya?
Nang may humintong jeep sa harapan namin ay mabilis akong sumakay at iniwan si Tekla. Pero ang bruha ay sumakay 'din at tumabi pa nga sakin.
" Ako na ang magbabayad." Sabi pa nito na may ngiti sa labi kaya hinayaan kona. Tignan ko lang kung may pera ang babaeng 'to.
Maya-maya'y napansin kung parang aligaga ang bruha. Mukhang walang pambayad tsk. Ang lakas mang-alok na siya ang magbabayad tapos wala naman pambayad. Sarap sakalin hmp! Mabuti na lang ay nasa jeep kami. Kung wala ay kanina ko pa siya nasakal dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanya.
Ang aga aga panira agad ng mood ko. Late na nga ako dahil sa kanya tapos ngayun mangbuburaot pa tsk.
Mabilis akong bumaba ng jeep ng makarating na kami sa palengke. Hindi ko parin siya pinapansin at nabubweset parin ako sa kanya.
May kaibigan kaba naman na ganito ay hindi ka maistress. Pasalamat talaga siya at kababata ko siya, kundi ay matagal kona siya tinakwil.
Mabait naman si Tekla, pero kapag umiral talaga ang pagkamalikot ng mga kamay niya ay hindi talaga mapipigilan. Atsaka tiwala naman ako sa kanya kaya minsan ay iniiwan ko sa kanya ang kaha ng tindahan kapag aalis ako.
Never pa niya kami tinalo kaya kaibigan parin namin siya hanggang ngayun. At kung gagawin niya samin iyon ay magkalimutan na kami. Pero malabong mangyare iyon dahil pinapahalagahan ni Tekla ang pagkakaibigan namin kaya never niya kaming tinalo. Atsaka hindi naman namin siya minamaliit kahit siya ang kulelat samin apat kaya wala siyang karapatan para taluhin kami diba?