Chapter 05
MULI AKONG NAPABUNTONG hininga hanggang sa dumating na si Tekla.
" Tara! Kain." Saad ni Tekla kasabay ng paglapag ng pagkain sa mesa naming maliit.
" Ano ulam mo?" Anang ko naman sa kanya sabay lapit para makita kung ano ulam niya.
" Wala, pares lang binili ko diyan sa labas." Aniya sabay subo ng kanin after niyang masalin ang mga pagkain sa may styro.
" Bakit 'yan ang binili mo?" Kunot ang nuong tanong ko sa kanya. Binigyan ko nga siya ng 150 pesos para bumili siya ng masarap na ulam.
" Okey na 'to. Bibili ko pa ng pagkain ang mga kapatid ko mamaya." Aniya habang kumakain.
Napailing at napabuga na lang ako ng hininga sabay tabi dito.
" Sa totoo lang sis. Ako nahihirapan sa kalagayan niyo. Paano kayo nakaka-survive kung ganyan ang nanay mo?" Anang ko sa kanya habang wala pang custumer. Mukhang matumal ngayun araw. Sabagay may araw na malakas at mahina kaya minsan sinamantala ko kapag malakas.
Atsaka tanghali na rin kasi ako nagbukas ng tindahan kaya wala pa akong masyadong benta. Minsan kasi maaga namamalengke ang mga suki ko kaya alas quatro palang ng maaga ay andito na ako sa tindahan para magbenta.
Umangat naman ang ulo ni Tekla kasabay ng pagtingin sakin na may ngiti sa labi. " Sanayan lang, sis. Wala naman kami magagawa dahil ganyan na talaga ang nanay ko." Anito saka muling sumubo ng kanin kasama ng sabaw.
At kahit ganito ang buhay nila Tekla ay hindi ko siya nakitaan ng kahinaan ng loob. Palagi lang siyang nakangiti at masaya lang palagi kapag kasama kami. Hindi pa namin siya nakikitang umiyak kapag nahihirapan. Never pa siyang umiyak samin kapag may problema.
Kapag may problema siya ay sinusolo lang niya at palagi niyang sinasabi na ayaw na niyang magpadagdag sa problema namin kaya hindi siya nagsasabi. Malalaman lang namin sa kapatid niya kapag tinatanong namin.
Natawa naman ito ng makitang nakatingin ako sa kanya. " Oh? Naaawa ka sakin? Nako! Okey lang ako sis." Nakangising sabi nito saka niligpit ang pinagkainan nito.
Ganito naman ang ugali ni Tekla. Ayaw niyang kinakaawaan siya namin. Kaya hangga't maaari ay hindi siya lumalapit samin at nagnanakaw na lang.
Inirapan ko naman siya kapagkuwan kaya tinawanan lang ako ng loka-loka.
Makalipas ng ilang sandali ay muling dumami ang mamimili sa tindahan ko kaya inasikaso na namin ni Tekla.
At dahil nakakain na siya ay ganadong ganado na ang bruhang kumilos. Hindi katulad kanina, parang walang energy. Iyon pala ay hindi pa kumakain simula kagabi kaya pinakain ko muna. Mamaya kasi ay bigla na lang mahimatay dahil sa gutom.
Masaya rin ako kapag maraming bumibili sakin kahit maliit lang ang tubo ko. Mas better na 'yun kesa mabulok ang mga paninda ko tapos walang balik na puhunan.
Kahit subrang hirap kapag wala akong kasama sa tindahan. Ayus lang naman kasi importante ay maraming nabili ng paninda ko.
" Sis, suklian mo nga si nanay. 60 lang nakuha niya." Ani Tekla habang inaabot ang pera ng babae. Kaagad ko naman iyon kinuha kahit may inaasist pa ako. Nasa akin kasi ang lagayan ng benta kaya inaabot niya sakin.
Mabilis ko naman sinuklian si nanay para matapos na siya dahil maraming custumer ngayun. Thank god.
" Yes, po ate?" Sabi ko sa babae na may ngiti sa labi.
" Repolyo magkano?" Anang ng babae sakin.
Sinabi ko naman sa babae ang price ng repolyo.
" Ang mahal naman. Wala bang maliit diyan?" Tanong ng babae sakin.
Nakaramdam naman ako ng pagkairita dahil sinabihang mahal ang paninda ko. Ayaw ko pa naman sa lahat 'yung sinasabihan na mahal ang paninda ko.
Kulang na nga lang ay ipamigay kona ang paninda ko sa subrang mura para lang maraming bumili. Tapos sasabihan pang mahal? Nako!
At sa subrang mura ng benta ko ay ginagaya na ako ng mga katabi ko. Okey lang na maliit ang tubo basta may benta lang ako.
Nang makita kung sasagot si Tekla ay mabilis ko siyang hinawakan ang kamay niya para pigilan ito. Malupet pa naman magsalita si Tekla kaya hangga't maaari ay inaawat ko siya at baka mawalan ako ng custumer.
" Tumaas na po kasi ang mga gulay, ate. Mura na nga 'yan kung tutuusin. Atsaka ako lang nagbigay ng ganyan presyo." Paliwanag ko sa babae kahit naiirita na ako.
Hindi ko sila pinapakitaan na pangit na ugali kasi ayaw ko mawalan ng customer kahit nakakairita kung minsan. Isa ito sa pinag-aralan ko. Maging mahinahon kahit subrang naiinis kana at maging mabait sa customer. Kahit binabalasubas kana tsk.
" Sige na nga! Kunin kona." Wika ni ate kaya mabilis kung binalot ang repolyo at baka magbago pa ang isip nito dahil palinga linga pa siya sa ibang tindahan.
Nang makapagbayad na si ate ay doon lang ako nakahinga ng maayus.
" Kainis talaga mga ganyan tao. Alam naman nilang nagtataasan na ang mga bilihin ngayun tapos nagrereklamo pa. Edi sana hiningi na lang niya, nahiya pa siya." Gigil na sabi ni Tekla habang salubong ang kilay.
Sabi sainyo eh. Ganyan ang ugali niya. Kapag ganyan ang tindera ko ay mawawalan ako ng custumer dahil madaling mainis sa mga kupal na custumer.
" Hayaan muna. Importante bumili." Pagpapakalma ko sa kanya.
" Nakakainis lang kasi." Masama ang mukhang sabi nito.
" Hayaan muna." Tapik ko sa balikat niya. " Tulungan muna lang ako ngayun para may kasama ako." Sabi ko dahilan para magliwanag ang mukha ni Tekla.
" Talaga sis?"
" Oo, mamaya kasi may gawin ka na naman masama." Sarkatiko kung sambit dahilan para yakapin niya ako na kinabigla ko.
Nagtinginan tuloy ang mga bumibili samin dahil sa ginawa ni Tekla.
" Umayus ka nga!" Mahina kung tulak sakanya dahil nakaramdam ako ng hiya habang nakatingin samin ang ibang custumer. Mamaya kasi ay anong isipin nila samin.
Mukha ka kasing tibo si Tekla dahil sa pananamit niya kahit mahaba ang buhok nito. Babae naman kasi siya, kaya lang ang pananamit niya ay hindi angkop sa kanya. Lalake 'din kung kumilos minsan kaya napagkakamalan na tibo.
Mahilig sa malalaking damit at short kaya mukhang tibo. Pero infairness ang ganda niyang tibo. Maganda naman kasi siya. Well, halos naman ng mga kaibigan ko magaganda. Syempre kasama na ako do'n.
Ngumisi lang ang bruha saka inasikaso ang mga custumer. Samantalang ako naman ay uminum ng tubig mula sa cool man ko.
Wala naman problema kung yakapin ako ni Tekla sa public kasi alam ko naman ang totoo. Kaya lang nahihiya talaga ako kapag may tao. Tapos iba 'yung tingin nila na parang nanghuhusga at malisiya. Kaya ayaw kung nagpapayakap kay Tekla kapag nasa public kami.
Masyado kasing mapanghusga ang mga tao sa paligid. Kahit hindi sila magsalita ay alam ko ang mga tingin nila.
Muli akong naggayat ng gulay dahil paubos na ang pang pakbet ko at chapchuey. Iyon kasi ang mabenta sakin. Bukod sa mura na ay marami pa akong maglagay. Atsaka para mamaya ay hindi na ako mag-gayat ulit.
Matapos pagbentahan ni Tekla ang mga custumer ay tumulong siya sakin at nakipagkwentuhan. Hindi pa ako nagugutom kaya mamaya na lang ako kakain.
Hindi ko nga alam kung uuwe ba ako para kumain ng tanghalian sa bahay. Pero nagdadalawang isip pa ako.
" Bakit hindi pala nagalit si Mama sakin? Anong sinabi niyo?" Maya-maya'y tanong ko kay Tekla. Nagtataka talaga ako kung bakit hindi nagalit sakin ang mama ko.
Takot na takot pa naman ako kanina tapos nagulat ako ay hindi ako pinagalitan ng mama ko pag-uwe. Kahit kasi malaki na ako ay napapagalitan parin ako ni Mama. Lalo na kapag gabi na ako umuuwe. Ayaw na ayaw ni Mama na umuuwe ako ng gabi dahil babae daw ako.
Ayaw nga niya rin ako patambayin sa labas dahil 'di daw iyon ginagawa ng mga matitinong babae. Kaya ang ginagawa na lang namin magkakaibigan ay gumawa na lang kami ng group chat sa messenger at doon kami nagchichikahan.
Pero kapag may okasyon naman ay pinapayagan ako ni mama. Pero may curfew parin. Hanggang alas dose lang ako ng gabi dahil kapag lumagpas ay sa labas ako matutulog at todo sermon kinabukasan.
Kaya takot kaming tatlo kay Mama kahit wala na si Papa.
" Si Tutay nagsabi kagabi. Sinabi niyang matutulog ka sa bahay nila dahil wala siyang kasama." Kwento ni Tekla.
" Mabut't naniwala si Mama?" Anang ko.
" Oo naman. Todo arte si Tutay kagabi eh. Tapos kilig na kilig sa kapatid mo." Pagsusumbong pa nito dahilan para mapamura ako.
" Gago 'yun ah?"
" Ewan ko ba. Patay na patay talaga siya sa kapatid mo. Oo, gwapo kapatid mo pero bata pa 'yun." Naiiling na sabi ni Tekla.
Noon pa 'yun. 15 palang si Thirdy ay crush na crush na siya ni Tutay at pinagnanasaan. Walang ginawa kundi magpa-cute sa kapatid ko. Noong una ay hinayaan ko lang kasi akala ko biro lang. Aba! Mamukat-mukat ko ay gusto niya talaga ang utol ko.
Walang ginawa kundi magpa-cute. Magpabebe sa kapatid ko. Samantalang si Thirdy, tumatawa lang at hinahayaan lang si Tutay. Mabait naman kasi si Thirdy at nirerespito niya si Tutay.
Si Kitty lang naman ang maldita sa mga kapatid ko.
" Ewan ko ba sa babaeng 'yun. Naiinis na nga ako dahil panay ang pa cute kay Thirdy." Pabuntong hininga kung sambit habang binabalatan ang sibuyas. Nabubulok na kasi kaya ibebenta ko ng mura.
Bumaling naman sakin si Tekla at nagtanong. " Kung sakali ba. Gugustuhin mong maging sisterlaw si Tutay?"
" Hindi!" Mabilis kung sagot. Kaya hindi sagot ko kasi bata pa ang kapatid ko at nag-aaral pa. Ayaw ko muna siya mag-girlfriend at baka masayang lang ang pagpapaaral ko sa kanya.
Atsaka okey naman si Tutay dahil maganda naman ang trabaho niya. Ang akin lang, matanda siya sa kapatid ko. Limang taon ang tanda niya. Ate na nga ang tawag sa kanya ni Thirdy. Tapos jojowain niya pa ang kapatid ko. Jusko lord.
Natawa naman si Tekla. " Hindi talaga? Nako kapag narinig ni Tutay 'yan, magtatampo 'yun."
" Pakialam ko naman." Paismid kung sambit. " Tantanan niya ang kaptid ko dahil bata pa iyon at nag-aaral. Saka na niya kulitin kapag tapos na si Thirdy sa pag-aaral." Saad ko.
Wala naman akong tutol if gusto siya ng kapatid ko dahil ang pag-ibig ay wala naman sa edad 'yan. Kapag tumibok ang puso ay hindi naman maawat iyon.
Ang kinakatakot ko lang ay 'yung panglalandi ni Tutay sa kapatid ko. Baka magulat na lang ako ay nabuntis na siya ni Thirdy. Iyon ang kinakatakot ko. Masyado pa naman mabait ang kapatid ko at hindi niya tinataboy si Tutay kapag nilalandi siya.