Chapter 04
KIT DUNCAN.
NAISIPAN KUNG LUMABAS PARA bumili ng makakain dahil wala naman gagawa no'n kundi ako lang. Wala akong kasama sa malaking bahay na ito. Iniwan na nila akong lahat at pinaalis kona rin ang mga katulong ko dahil ninanakawan lang naman nila ako. Dahil sa kalagayan ko kaya sinasamantala ng mga katulong ko.
Patungo ako ngayun sa palengke para bumili doon ng pagkain. Wala kasing tindahan malapit samin kaya nakakarating pa ako sa palengke. Atsaka doon ko lang alam na may bilihan na pagkain.
Nalaman ko lang ang palengke na iyon ng minsan maglakad lakad ako. Medyo malayo siya sa tinitirhan ko, pero ayus lang naman. Kaya lang ay muntik muntikan na ako masagasaan dahil 'di ko pa kabisado ang daan patungo doon dahil sa bulag nga ako.
Tapos muntik pa ako mabugbog o mapagtripan ng mga taong tambay dahil gabi na ako lumalabas. Mabuti na lang ay may dumaan na pulis patrol kaya hindi natuloy.
Gusto ko kasing gabi lumabas para hindi mainit. Ngunit mas delikado pala para sakin na lumabas ng gabi dahil maraming loko loko sa daan. Kaya imbis sa gabi ay sa umaga na ako lumalabas para hindi delikado para sakin.
Nilalakad ko lang 'din patungo sa palengke dahil niloloko lang ako ng mga sinasakyan ko. Kung hindi ako sisingilin ng malake ay hindi ibabalik ang sukli. At para sa kaligtasan ko ay hindi kona lang kinukuha ang sukli.
Mabuti na lang talaga at may pera ako. Baka magpakamatay na talaga ako dahil sa kalagayan ko. Subrang hirap ng ganitong kalagayan. Bukod sa bulag kana ay wala ka pang kasama sa buhay.
Wala na ang mga magulang ko dahil namatay na sila. Naaksidente sila noong nasa ibang bansa ako para ayusin ang negosyo namin doon. Pag-uwe ko ng pilipinas ay malamig na bangkay na lang ang naabutan ko kaya masakit para sakin dahil wala na ang mga magulang ko. Kung nandito lang sana sila, hindi ko mararanasan 'to.
Ilang beses na rin ako naloloko dahil sa kalagayan ko. Pero wala naman akong magawa dahil sa bulag nga ako at hindi ko sila nakikita. Naaawa ako sa aking sarili pero wala akong magawa para makakita. Sabi ng doktor na tumingin sakin ay wala na daw akong pag-asang makakita dahil lumala na ang pagkabulag ko.
Tinatatagan kona lang ang dibdib ko para kayanin ang buhay ko na subrang hirap.
Wala naman ibang tutulong sakin kundi ang sarili ko lang dahil matagal ng patay ang mga magulang ko. Samantala ang mga kamag-anak ko naman ay galit na galit sakin dahil sa nangyare noon. Pero ayaw ko ng balikan iyon kaya namumuhay ako mag-isa sa bahay na binili ko noon. Ang naman bahay ng mga magulang ko ay hindi ko alam kung sino ang naninirahan doon. Wala na akong balak na kunin iyon dahil naaalala ko lang ang mga palpak na mga ginawa ko noon.
Matagal na akong nagtatago sa bahay ko at mag-isang namumuhay dahil ayaw kung kaawaan ako ng mga tao sa paligid ko. Masyado akong ma-pride kaya iniwan kona ang buhay ko noon.
Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyare sakin ito. Kung bakit mag-isa na lang ako sa buhay at walang kakayahan ipagtanggol ang sarili dahil sa kalagayan ko.
Samantalang noon ay kayang kaya kung ipagtanggol ang sarili ko at walang pwedeng bumangga sakin lalo nasa negosyo.
Pero dahil sa nangyare noon ay nawala sakin ang lahat. Kaya bagay lang na mangyare sakin ito. Ang mag-isa sa buhay at walang kumakalinga.
Nag-init ang mga mata ko ng maalala ko ang nakaraan. Naiiyak na lang ako sa tuwing naaalala ko iyon. Minsan konang muntik patayin ang sarili ko noon pero parang may pumipigil sakin kaya hindi ko matuloy tuloy.
Subrang lungkot na ng buhay ko ngayun. Hindi kona magawa ang nagagawa ko noon. Ang lumabas at uminum sa bar kasama ng mga kaibigan ko. Nilayuan kona ang mga kaibigan ko dahil ayaw ko sila madamay sa meserable kung buhay.
Pero kina-kaya ko naman ang lungkot na aking nadarama sa tuwing mag-isa lang ako sa malaki kung bahay. Minsan umiinum ako ng alak para maibsan ang lungkot ko. Para hindi kona maisip na mag-isa na lang ako sa buhay. Kapag kasi hindi ako lango sa alak ay naaalala ko lang ang lahat ng nangyare sakin. Kaya naman dinadaan kona lang sa pag-inum ng alak ang lungkot na aking nadarama.
At kapag nalasing na ako ay natutulog na lang ako. Tapos gigising kinabukasan na masakit ang ulo ko. At pagkatapos noon ay iinum ulet ako. Gano'n lang ang ginagawa ko sa araw araw kapag nalulungkot ako.
Ano pa ba ang pwede kung gawin? Bulag nga ako.
Nang makarating sa palengke ay bumili agad ako ng paborito kung kakanin sa may suki ko. May suki na ako dito sa palengke dahil palagi ako sa kanya bumibili. Pero hindi ko alam kung tapat ba siya sakin dahil sa kalagayan ko. Ngunit wala na akong pakialam do'n dahil pare-pareho naman ang mga tao, mga manloloko.
May issue na ako sa mga manloloko kaya hindi na ako nagtitiwala sa mga tao.
At hindi rin pala ako nakain ng kakanin noon. Pero ng mag-isa na lang ako sa buhay ay natuto na akong kumain ng kakanin. Pati ibang pagkain ay natuto na ako.
Maarte pa naman ako sa pagkain at hindi ako kumakain na gano'n pagkain pero wala naman akong choice. Kung hindi ako kakain ay magugutom ako kaya niyakap kona lang ang ganitong buhay.
Pasalamat pa nga ako dahil may pambili parin akong pagkain. Hindi katulad ng ibang tao, wala ng makain.
Pinag-aralan kona rin kung paano malaman kung magkano ang pera'ng hawak ko. Palagi na lang kasi ako nalokoko kaya pinag-aralan ko ang mga pera. Nagpaturo ako sa may bangko, kung saan naka-deposit ang mga pera ko.
Mabuti na lang talaga at may pera pa ako sa bangko kaya iyon ang bumubuhay sakin.
Kinakapa ko muna ang pera bago ibayad sa binibilhan ko. Okey lang naman kung mahalan nila ang benta basta ibalik lang nila ang sukli ko. Ilang beses na kasi nangyayare iyon.
Kaya pinag-aralan kona ang lahat. Sa pera, sa paligid, sa oras at iba pa. Wala naman tutulong sakin kundi ang sarili ko lang kaya pinag-aralan kona ang lahat. Ang hirap ng ganito, ang maging isang bulag.
Ramdam kona ang mga bulag ngayun dahil napakahirap pala kapag wala kang nakikita sa paligid mo. Palagi kana lang nangangapa sa dilim. Ayus lang sana kung may kaagapay ka ngunit wala. Kaya nakakalungkot lang ng ganitong mag-isa. Bulag kana nga, wala ka pang kasama at karamay.
Nakakakita pa naman ako dati hanggang sa tuluyan na akong mabulag dahil 'di ko pinagamot agad.
Galit na galit kasi ako noon kaya hindi kona naisip magpagamot. Hanggang sa tuluyan na nga nawala ang paningin ko. At wala na akong makita kaya lalong gumuho ang mundo ko. Naisipan ko pa magpagamot kung kailan malala na ang pagkabulag ko.
" Salamat ate." Sabi ko sa tindera.
" Walang anoman." Sabi naman niya
Kaya naglakad lakad muna ako bago umuwe. Hindi pa ako mamimili ngayun dahil namili na ako no'ng isang araw. Pumunta lang ako dito para sa paborito kung kakanin.
Hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses. Hindi ko lang alam kung saan ko siya narinig. Atsaka hindi ko alam kung sino ang tinatawag niya kaya pumihit ako pabalik. Mukhang nasa loob na ako ng palengke at hindi ko namalayan.
Lumabas ulet ako saka nag-isip kung anong pwede kung kainin ngayun. Nagsasawa na rin kasi ako sa mga fast food chain kaya kung ano ano na lang kinakain ko.
Nang wala ako maisip ay umuwe na lang ako. Tutal may grocery pa naman ako sa bahay kaya iyon na lang ang kakainin ko. Atsaka itong paborito kung kakanin. Hindi ako neto nakain noon pero ngayun ay paborito kona.
Naglakad ulet ako pabalik sa bahay para makapag-exercise ang mga paa ko. Well, araw araw naman ako naglalakad para hindi manakit ang katawan ko dahil palagi akong nakahiga sa kama.
Wala naman kasi ako ginagawa sa loob ng mansion ko. Kundi makinig ng sound sa radyo at humilata sa kama. Gano'n lang ang ginagawa ko sa araw araw bukod sa pag-inum ng alak. At limang taon kona iyon ginagawa. Mabuti na lang ay hindi ako nabobored.
Ako pa naman ang taong mabilis mabored sa isang bagay kaya palagi ako nasa bar noon kasama ng mga kaibigan ko. Tapos nambabae at dinadala sa hotel para makipag-seks. Hindi na nga lang ngayun dahil sa kalagayan ko.
Sa tingin niyo ba ay may babae pang gustong makipag seks sakin sa kalagayan ko? Bukod sa bulag na ay hindi na ako katulad ng dati na malinis sa katawan.
Mahaba ang buhok at mahahaba ang mga balbas kaya kinatatakutan ng mga tao sa labas. Kaya hindi ako nakikihalubilo sa mga tao dahil masyado silang mapanghusga ng kapwa nila. Akala mo naman ay mga perpektong mga tao.
Nang makauwe ng mansion ay kaagad akong umakyat sa taas at pumasok sa loob ng kwarto ko saka pumunta sa kama. Naupo ako doon saka nakinig ng sound mula sa radyo habang kinakain ang binili kung kakanin.
My favorite.