Chapter O6

1730 Words
Chapter 06 HINDI NA AKO UMUWE SAMIN para kumain ng tanghalian at nagtext na lang ako kay Kitty na mamayang gabi na ako uuwe. Tinatamad na kasi ako umuwe. Si Tekla naman ay umuwe muna sa kanila para pakainin ang mga kapatid niya. Binigyan kona siya ng pera para sa sweldo niya ngayun araw. Pero babalik siya mamayang hapon para tulungan ako. Nagtungo ako sa suki kung karinderya para doon kumain ng tanghalian. Minsan nagdadala ako ng pagkain kapag nagluluto si mama hanggang tanghalian na ulam. Kaya lang almusal lang niluto ni mama kaninang umaga kaya wala akong baon ngayun. Atsaka mura lang naman ang mga paninda ni Aling Nimfa kaya doon ako kumakain kapag wala akong baon. Bukod do'n ay masasarap pa ang luto niya kaya sa kanila ako kumakain. " Hi Aling Nimfa." Bati ko sa may ari ng karinderia at tumingin sa istante ng nga ulam. Mababait ang mga nagseserve dito kasi mga anak ni Aling Nimfa. Hindi katulad sa kabilang tindahan. Ang susungit ng mga nagseserve, mga chaka naman. Hindi sa namimintas huh? Totoo kasi, hindi na nga kagandahan tapos ang susungit pa. " Ikaw pala 'yan, Onse. Anong sayo? Hindi ka na naman nagbaon no?" Tanong ni Aling Nimfa habang may ngiti sa labi. Alam niya kasi kapag wala akong baon. Dito ako kumakain sa kanila. " Na late po ng gising." Pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihin kung sa malaking bahay ako natulog. Edi pinag-tsismisan pa ako dito. " Napansin ko nga kanina. Napadaan ako sa pwesto mo kanina wala kapa." Sabi ni Anne ng lumapit sakin. Ang anak ni Aling Nimfa. Medyo malaki ang pwesto nila dito sa palengke at pwede kumain dito ang mga custumer. " Talaga?" Nakangiti ko naman aniya. " Wala eh, napasarap ang tulog." Saad ko sa kanya. " Hi Onse." Si Bryant. Ang manliligaw ko dati pero binasted ko lang. Anak 'din siya ni Aling Nimfa. Palagi niya akong pinapansin kahit ilang beses kona siyang binasted dati. " Hello." Keme kung sagot sakanya saka omorder na kay Aling Nimfa ng pagkain dahil nagugutom na ako. Mag-aala una na kasi ng tanghali kaya nagugutom na ako. May bumibili pa kasi kanina kaya pinagbintahan ko muna dahil sayang naman. Gano'n ako ka didicate sa pagbebenta ko para lang maraming benta. " Sige kain muna ako." Paalam ko sa kanya ng maabot na sakin ang order ko saka naghanap ng mauupuan. Sa may bandang pintuan ako naupo dahil iyon na lang ang available. Marami parin kumakain kahit mag-aala una na ng tanghali. Kaagad akong kumain ng makaupo. At binigyan ako ng sabaw ni Anne. " Salamat." Sambit ko sabay ngiti. " Welcume." Sagot nito sabay alis dahil may gagawin pa siya. Masagana akong kumakain mag-isa ng may naupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko si Bunny. Bunny kasi labas ang ngipin niya. Isa rin sa mga manliligaw ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa buhay ko at puro chararat ang mga nanliligaw sakin. Mabait naman ako at mabuting anak pero bakit ganito ang mga manliligaw ko? Yung anak ni Aling Nimfa, okey naman sana. Kaya lang ubod naman ng payat. Parang nag-aadik na ewan. Samantalang pagkain naman ang tinitinda nila at payat na payat parin. Tapos itong nasa harapan ko naman. Labas na nga ang ngipin hindi pa marunong magsepilyo, kadiri. Hindi naman ako maarte at hindi mataas ang standard ko sa mga lalake. Pero sana na naman 'yung medyo may laman laman. Hindi katulad ng anak ni aling Nimfa. Tapos 'yung malinis sa katawan. Hindi katulad ng nasa harapan ko. Hindi na nga gwapo, hindi pa nagsesepilyo. Ang lakas ng loob manligaw sakin, tapos ang dilaw naman ng ngipin. Kadiri, pweh! Kumakain pa naman ako tapos ganito pa ang makikita ko, my god! Sinong gusto mo? Yung lalaking nakita mo sa malaking bahay? Yung mala-adonis na katawan? Kapagkwuan ay tanong ng isip ko. Yes! mga gano'n sana. Mabilis kung sagot sa isip. Ay! teka nga muna, bakit napunta do'n? React ko sa isip ng mapagtanto ang sinabi sa isip ko. Langya! bakit ba bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko ang lalake na 'yun? Kapagkuwan ay ipinilig ko ang aking ulo at tinanggal sa isip ko ang lalaking nakilala ko sa malaking bahay at nagtanong sa lalaking nasa harapan ko ngayun habang ngiting-ngiti ang loko. " Bakit?" " Pwede maupo?" Tanong niya pa sakin habang nakangiti parin. Mukhang masaya ang loko. " Nakaupo kana diba? Bakit kapa nagpapaalam?" Hindi ko naiwasan magtaray. Ang kulet niya kasi, binasted kona lahat lahat tapos papansin parin ng papansin sakin. Minsan inaasar pa ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila si Bunny. Alam kasi nila na nililigawan ako ni Bunny kaya panay ang asar sakin ng mga bruha. Ngumiti naman ito sakin at hindi pinansin ang sinabi ko. Napabuga na lang ako ng hangin sabay iling at kumain na lang para matapos na. " Gusto mo?" Alok niya pa sakin ng ulam niya. Tumanggi naman ako sa kanya. " Salamat. Patapos na ako." Aniya saka mabilis na tinapos ng pagkain para makaalis na. Muntik muntikan pa ako mabilaukan dahil sa pagmamadali ko. Nang matapos ay nagpaalam na ako sa kanya. " Tapos kana?" Taka naman nitong tanong. Nakangiti naman akong tumango saka nagtungo sa counter para magbayad. " Bayad." Sabi ko sa isang anak ni Aling Nimfa. Si Bilog, ang bunsong anak ng may ari. " Ang laki ng gusto sayo ng lalake na 'yun, ate." Wika ni Bilog. Kaedaran siya ni Kitty, ang kapatid ko. Ngumiti lang ako sa kanya saka kinuha ang sukli at nagmamadaling lumabas ng karinderya. Bumalik ako sa tindahan para doon tumambay. Tinakpan ko lang ang mga paninda ko para mamaya ay hindi ako mahirapan. Pagpasok sa loob ng tindahan ay kaagad kung binuksan ang cellphone ko. Matagal ko ng cellphone ito ngunit hindi ko pa napapalitan kahit basag basag na. Gumagana pa naman kaya ayus lang. Hindi naman ako maluho at marami kaming dapat bayaran kesa bumili ng bagong phone. Kaagad kung binuksan ang group chat namin magkakaibigan. Ang pangalan ng group namin ay ' b***h '. Hindi naman kami b***h pero iyon ang pangalan. Kaloka. Sa aming apat na magkakaibigan ay si Tekla ang walang cellphone dahil nasira na ang phone nito. Nakiki-open na lang siya samin kapag may gusto siyang tignan sa f*******: nito. Merun siyang f*******: ngunit walang phone dahil sa hirap ng buhay. " Kamusta?" Tanong ko. Hindi maingay ang group namin ngayun dahil wala ang maiingay. Mukhang busy ang dalawa kaya hindi nag-iingay. Samantalang noon ay palaging maingay sa tuwing nagbubukas ako ng messenger. " Okey naman. Nasa school pa ako." Si Lalay. Ang studient sa aming apat. Sa aming apat ay si lalay na lang ang nag-aaral dahil maganda naman ang buhay nila kaya tuloy tuloy ang pag-aaral niya. Atsaka si Lalay ang pinakabata samin apat. Samantalang si Tutay naman ay isang call center at gabi ang work niya. Sa umaga naman ay tulog ito. Wala siyang pasok kagabi kaya naka-sama namin siya kahapon. " What time uwe mo?" Chat ko. " Mamaya pa. Kasama mo 'yung dalawa?" Tanong 'din niya sakin. " Si Tekla lang. Si Tutay hindi ko alam kung nasaan." Sagot ko sa chat niya. " Pina-extra mo?" " Oo, kawawa naman eh. Mamaya magnakaw na naman siya." Sagot ko habang nakaupo sa polding bed. " Baliw kasi. Alam mo bang sumakit ang mga paa ko dahil sa Kakatakbo namin kagabi?" Inis na sumbong nito sakin na may kasama pang emoji na angry. " Ako nga takot na takot kagabi. Nagtago ako sa malaking bahay." Pagkukwento ko naman sa kanya. " OMG! Saan ka nga pala nagtago kagabi? Nawala ka sa likod namin. Nag-alibay na nga lang si Tutay kagabi nasa bahay kana lang nila matutulog. Mabuti nga't naniwala si tita kagabi. Kung hindi ay yare talaga kaming tatlo." Sinabi ko naman kung saan ang lugar. Hindi rin alam ni Lalay kasi hindi naman kami napapagawi doon. " Mabuti na keri mo 'yung takot sis? Kung ako 'yan baka nahimatay na ako sa subrang takot." Ani Lalay. Takot 'din ang babaeng 'to sa momo. " Wala akong choice kundi magtago doon dahil dumaan kagabi ang mobile ng pulis kagabi." " OMG!" Reply naman nito. " Wait sis. Dumating na ang guro namin bye." Maya-maya'y paalam nito. Wala palang teacher kaya malakas ang loob mag chat. Napailing ako at napabuntong hininga. Wala na naman ako ka chat. Minsan ang boring ng buhay ko. Kung hindi bahay, tindahan. Minsan sumasama ako sa mga kaibigan ko. Pero hanggang doon lang. Kailangan ko kasi imanage ang tindahan namin. Boring na nga ako sa buhay ko. Parang gusto ko ng magboyfriend, char. Hindi ko pa kasi nararanasan magboyfriend sa tanang buhay ko dahil sa pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila kaya hindi pa ako nagbo-boyfriend. Never pa akong nahalikan ng lalake at never pa akong nahawakan kaya inosente pa ako. Pero open-minded naman ako. Hindi ba naman ako maging open-minded kung nagkukwentuhan ang mga kaibigan ko ng mga malalaswa at pinaggagawa nila ng mga boyfriend nila. Sa aming apat, kaming dalawa lang ni Tekla ang virgin at inosente. But hindi ko sure kung virgin pa si Tekla kasi wala siyang pinapakilalang lalake samin. So naisip kung virgin pa siya. Sina Tutay at Lalay palang ang may experience sa seks kaya natatakot ako sa kapatid kung lalake dahil may karanasan na si Tutay sa seks. At mamaya ay akitin niya ang kapatid ko, patay na. Kapagkuwan ay naisip ko ang lalaking nameet ko sa malaking bahay. Parang gusto ko siyang makilala. Ewan ko. Parang gusto ko malaman kung bakit siya mag-isa sa bahay na iyon. Bakit siya bulag. Bulag na ba siya simula ng baby pa siya o may nangyare sa kanya. Atsaka tingin ko ang gwapo niya. Katawan at mga mata palang niya ay masasabi kung gwapo siya. Tanggalin lang ang mahahaba niyang balbas. Gusto ko sana siyang puntahan sa bahay niya, kaya lang anong gagawin ko do'n? Makikimarites kung anong nangyare sa kanya? Sa tingin ko pa naman ay masungit ang lalaking 'yun. Unang encouter palang namin ay sinigawan na niya ako diba? Paano pa kaya kapag lumapit pa ako sa kanya. Maya-maya'y nakatulugan ko ang pag-iisip sa lalake at mahimbing ng natulog. Hindi naman mawawala ang paninda ko dahil matagal na ako dito at walang tatarantado sakin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD