Chapter O3

1815 Words
Chapter O3 PAGDATING sa tindahan ay kaagad akong pinansin ng katabi naming tindahan na si aling Malou. Marites 'din 'yan pero mabait naman. Hindi naman kasi mawawala sa palengke ang mga marites. Iyon na ata ang buhay nila ang makipag-marites sa mga buhay ng iba. May makita lang silang ganito, ganyan. Ang sweet ng ganito, ang sweet niya. Hindi ba sila nagsasawa? Pinag-uusapan nila ang buhay ng ibang tao tapos sa kanila gano'n 'din. Hindi ata sila napapagod, kasi ako napapagod sa kanila. Oo aaminin ko marites 'din ako minsan. Pero hindi katulad sa kanila. Lantaran kung makipagmarites kaya minsan ay may away na nagaganap dito sa palengke dahil sa mga tsismiss. " Na late ka ata?" Tanong agad sakin ni Aling Malou. Keme naman akong ngumiti kay Aling Malou. " Na late po ng gising." Pagsisinungaling ko. Hindi ako mahilig magkwento sa kanila sa mga nangyayare sa buhay namin. Mahirap na, baka ikalat pa nila. " Nako! Sayang naman. Ang dami ng naghahanap sayo kanina." Pagkukwento pa nito sakin. Alam ko naman iyon dahil sa tagal at mura kung paninda kaya maraming bumibili samin. Ginaya na nga ako ni Aling Malou kasi nakita niyang marami akong palaging tao at mabenta. Parehas kami ng paninda kaya binababaan ko ng presyo para makabenta ako. Ayun bumenta naman ang strategy ko kahit maliit ang tubo, atleast maraming bumibili. Kaya lang ay ginaya naman ni aling Malou ang strategy ko. Pero ayus lang kasi marami pa naman ang bumibili sakin at marami na akong suki kaya hindi ako natatakot mawalan ng custumer. " Ayus lang ho 'yun, aling Malou." Saad ko saka nagpaalam dito para makapagbukas na ako ng tindahan. " Sige ho." Samantalang si Tekla naman ay tinulungan ako sa pagbubukas ng tindahan. Kapag kasi may kasalanan siya ay gumagawa siya ng paraan para mapatawad lang siya. Ayaw niya kasing tatanggalin siya sa barkada dahil kami na lang ang tumatanggap sa kanya. At sa amin apat ay si Tekla lang ang naligaw ng landas. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay at naghiwalay pa ang mga magulang niya. Bata palang ay marunong na siyang magnakaw. Kailangan niya gawin iyon para may mapakain siya sa mga kapatid niya. Alam namin mali ang ginagawa niya at hindi namin siya kinokunsente. Kaya lang wala naman kami magawa kasi mga bata pa kami noon. Binibigyan naman namin siya noon ngunit hindi sapat kaya napipilitan siyang magnakaw. Hindi rin siya makapag-aplay ng magandang trabaho dahil wala siyang natapos. Namasukan siya dati ng katulong ngunit muntik na siyang gahasain ng amo niya. Kaya simula noon ay hindi na siya namasukan ng katulong dahil sa takot na baka maulet ule. Maganda naman kasi si Tekla kahit may pagka-boyish kung kumilos. Pero pusong mamon 'din ang puso nito. Kagaya ko ay wala pang naging nobyo ang kaibigan ko. Samakatuwid ay parehas kaming virgin. Ewan ko lang sa dalawa ko pang kaibigan dahil may naging boyfriend na sila at may karanasan pagdating sa pakikipagseks. Baliw nga ang mga iyon dahil sinasabi pa nila samin kung ano ang mga pinaggagawa nila ng kanilang mga boyfriend. Kaya hindi niyo masasabi na totally inosente pa ako dahil sa mga kaibigan ko. But still virgin pa ako. Utak ko lang ang madumi hehe. " Bes, natapos kona 'tong ayusin. Ano pa ba?" Tanong sakin ni Tekla kaya bumaling ako sa kanya. " Okey na. Ako na bahala. Salamat." Sabi ko. Hindi na ako galit sa kanya dahil 'di ako pinagalitan ni Mama kanina. " Dito na lang muna ako." Wika nito saka naupo sa may monoblock chair namin. " Bakit wala kang raket ngayun?" Anang ko sa kanya. Para magka-pera si Tekla ay rumaraket ito ng kahit ano. Minsan labandera, minsan naman ay nagiging basurera sa lugar namin, minsan naman ay namumulot ng mga bote bote sa kalsada para maibenta at kung ano ano pa. Kasama sa raket niya ang pagnanakaw. Kapag umiral ang pagkamalikot ng kamay niya ay magugulat na lang kami nasa kulungan na siya. Mabuti nga ay hindi niya pinapasok ang pagbebenta ng droga. Talamak pa naman sa lugar namin ang bentahan ng droga. " Wala eh." Kibit balikat nito kasabay ng pagbuntong hininga. " Nakapaglaba na kasi ako no'ng isang araw kay madam. Tapos inunahan pa ako sa pagtatapon ng basura kaya wala akong raket ngayun. Tinatamad naman akong mamulot ng mga kalakal kaya dito muna ako tatambay. Tapos buraot pa ang nanay ko tsk." Naiiling na sabi nito. Problema ni Tekla ang nanay niya dahil bukod sa sugarol ay mahilig pang uminum ng alak kaya iniwan ng asawa. Ang magkakapatid tuloy ang kawawa dahil sa iresponsableng nilang ina. Nakakahingi naman siya sa tatay niya minsan. Ngunit palaging hinaharangan ng bagong asawa ng tatay niya kaya minsan ay walang nakukuha si Tekla. " Sige, pero wala akong ipapasahod sayo huh? Alam mo naman na matumal ngayun." Sabi ko sa kanya. Medyo matumal talaga ngayun kaya minsan ay binibigay ko ng mas mababa ang mga paninda ko para lang may benta. Ngumiti naman ito sakin. " Okey lang, bes. Pagkain na lang. Raraket na lang ako mamaya." Anito sakin. " Magnanakaw ka na naman?" Tanong ko sa mahinang boses habang naggagayat ng mga gulay. Pakbet at pang-chapsuey. Tumawa naman ito na parang may nakakatawa sa tanong ko. " Judgemental ka sis. Hindi ba pwedeng mamulot ng mga kalakal?" Umirap naman ako sa kanya. " Kilala kita. Kapag gipit ka, doon ka kumakapit. Magbago kana, mamaya magulat na lang kami nasa kulungan kana ulet." Pangangaral ko sa kanya. Para kona kasi siyang kapatid s***h kaibigan. Kaya palagi namin siya pinagsasabihan kasi ayaw namin siyang makulong ng tuluyan. Mabuti nga ay mababait ang mga ninanakawan niya kaya hindi siya sinasampahan ng kaso. Suking suki na siya sa kulungan. Naiintindihan naman namin ang sitwasyon niya ngayun. Pero hindi dahilan ang kahirapan para magnakaw siya. Dapat gumawa siya ng paraan na hindi nagnanakaw. Matigas 'din kasi ang ulo ni Tekla kaya naiinis na sakanya si Tutay. Akala namin ay nakikinig siya, pero hindi pala. Magugulat na lang kami ay nakikipaghabulan na naman siya sa mga pulis. " Hindi ah! Mngangalakal talaga ako mamaya, promise." Wika nito sa nangangakong boses. " Okey." Saad ko. Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya. Naggayat na lang ulet ako ng gulay para kapag may bumili ay may stock ako. " Bes, saan ka nga pala nagpunta kagabi? Bigla ka kasi nawala sa likod namin eh." Maya-maya'y tanong sakin ni Tekla habang tinutulungan ako. Natigilan naman ako sa tanong niya at naalala ko 'yung lalaking nakita ko sa malaking bahay. Nawala na siya sa isip ko dahil napakasungit niya. " Nagtago ako sa malaking bahay." Kapagkuwan sagot ko. Kahapon lang ako nakarating sa lugar na iyon at never pa kami nakarating do'n kahit gala kami dati. " Saan 'yun?" Kunot nuong tanong sakin ni Tekla. Sinabi ko naman ang address. Medyo malayo siya sa palengke at hindi siya dinadaanan ng mga sasakyan. Private property ata ang lugar na iyon. " Nakarating ka do'n? Kaloka. Sabi nila may nakatira daw na momo do'n." Saad pa nito. Oo momo, momo na tao. Sabi ko sa isip. " Paano iniwan niyo ko. Kakatakbo ko kagabi, doon ako nakarating kagabi at nakatulog." Paismid kung sabi at inasikaso ang bumibili." Ano po 'yun?" " Pang sinigang nga be." Sabi ni ate. Suki kona siya kaya tinawag niya akong be. Kumuha naman ako ng pang sigang at binigay sa kanya. Sinabi ko naman ang price at binigyan niya ako ng 500 pesos. Kaagad ko naman kinuha saka sinuklian si ate. " Thank you, be." " Salamat po." Sabi kona may ngiti sa labi hanggang sa dumami ang bumibili sa paninda ko. Agad naman akong tinulungan ni Tekla at binitawan ang ginagawa niya. Sa dami ng suki ko sa palengke. Minsan hindi ako magkandaugaga kapag ako lang ang mag-isa sa pwesto. Mabuti na lang ay sanay na ako kahit wala akong kasama. Pero noong mga nakaraan araw ay kasama ko si mama. Kaya lang palaging nirarayuma kaya pinatigil kona ang pagsama niya sakin at sa bahay na lang siya. Hindi ko naman maasahan ang dalawa ko pang kapatid kasi nag-aaral sila kaya ako na ang umako sa tindahan. " Hay grabe." Narinig kung sambit ni Tekla kaya napalingon ako sakanya. Nakaupo na ulet siya sa kinauupuan niya. " Pagod agad?" Tanong ko. Ngumisi lang si Tekla. Hanggang ngayun ay hindi pa siya sanay kapag maraming bumibili sa tindahan ko. Lalo na kapag dinudumog ito. Mas lalo na 'yung dalawa, panay ang reklamo. Palibahasa kasi maganda ang trabaho ni Tutay at may kaya naman sa buhay si Lalay. Kaya kapag nandito sila ay hindi masyado tumutulong kapag marami ng tao. Tanging si Tekla lang ang tumutulong sakin kapag marami ng custumer. " Nag-almusal kana ba?" Anang ko. " Hindi pa nga eh. Almusal ko bunganga ni nanay. Wala kasi akong naibigay na pera sa kanya kagabi kaya nagtatalak na naman kanina." Pagkukwento nito kaya napailing na lang ako at nakaramdam ng awa sa kaibigan ko. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit nagnanakaw si Tekla. Kapag wala kasi siyang maibigay na pera sa nanay niya ay palagi siyang binubungangaan tapos hindi pa sila makakain dahil palainum at nagsusugal pa ang nanay niya. " Sige, bumili kana muna ng pagkain mo." " Hindi ko tatanggihan 'yan. Kagabi pa ako hindi kumakain eh." Ani Tekla saka kinuha ang pera sa kamay ko sabay sibat. Napabuntong hininga na lang ako habang habol ng tingin ang kaibigan ko. Nakakaawa ang sitwasyon nila Tekla pero wala naman ako magawa para sa kanya dahil hirap 'din kami sa buhay. Kaya minsan kapag malakas ang benta ko sa palengke ay kinukuha ko siya para may pangkain sila ng mga kapatid niya. Limang magkakapatid sina Tekla at siya ang panganay kaya siya palagi ang inaasahan ng nanay niya dahil walang pakinabang ang nanay niya. Iniwan pa sila ng tatay nila dahil sa bungangera niyang nanay. Muli ay napabuntong hininga ako saka binalik ang atensyon sa pag-aayus ng gulay. At nang may napansin sa kabilang tindahan. " Diba siya 'yung lalake sa malaking bahay?" Bulong ko sa sarili ng mamataan ko si kuya'ng bulag. Nang makita kung papalapit siya sa tindahan ko ay mabilis kung tinawag si Kuya Blind at inalok ng paninda ko. " Kuya gusto niyo pong gulay?" Alok ko kay kuya Blind ngunit hindi niya ko pinansin at pumihit ito pabalik sa pinanggalingan niya dahilan para mapasimangot ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang reaction ko. Ang sungit naman. Paismid kung sambit. " Isnab beauty mo be?" Napalingon ako kay Lara. Ang tindera ni aling malou. Hindi ko siya kaibigan pero nakakausap ko naman siya kapag may time. Ngumiti naman ako sa kanya. " Ayaw ata ng paninda ko." Pagbibiro ko. Tumawa naman ito. Pero hindi naman ako nairita dahil ganito naman si Lara, mahilig tumawa. Inasikaso kona ulet ang ginagawa ko at iniisip ang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD