3

2219 Words
Magkatapat na nakaupo sa isang pandalawahang mesa na nasa bandang dulo sa loob ng isang restaurant sila Angelo at Danica. Parehong nakatingin sa isa’t-isa. Walang alam ang kuya niyang si Edward na kakausapin niya ang dati nitong kasintahan. “Marahil, kilala mo na ako, Ate Danica,” aniya ni Angelo. Siya ang unang nagsalita at bumasag sa katahimikan. Ngumiti si Danica. “Yah, I know you. Ikaw ang kapatid ni Edward na magpapari. Lagi ka niyang ikinekwento sa akin at pinapakita pa ang mga pictures mo. At masasabi kong masyado kang gwapo para maging pari. Sayang.” “At ano namang sayang doon?” nagtatakang tanong ni Angelo. Hindi kasi niya makuha ang sinabi nitong sayang. “Sayang ang lahi. Ano ba?” maarteng wika ni Danica. Hindi niya akalain na parang baligtad yata ang mga inilarawan ng kuya niya sa kanya tungkol kay Danica. Masama mang manghusga pero sa tingin niya, hindi naman ito mabait, maarte pa nga. Mukha ring hindi ito maalaga. ‘Inalagaan ba talaga niya ang Kuya ko?’ sa isip-isip ni Angelo. ‘Bakit parang kabaligtaran siya ngayon sa mga paglalarawan ni Kuya tungkol sa kanya?’ Ngumiti na lamang ng maliit si Angelo na nakuha na ang ibig sabihin ng dating kasintahan ng kapatid. “Anyway, ano bang kailangan mo at gusto mong makipagkita sa akin ngayon, Father Angelo?” tanong ni Danica. Nagtataka din siya sa biglaang pakikipagkita ni Angelo sa kanya. Magsasalita pa lang sana muli si Angelo nang biglang nagsalita muli si Danica. “Don’t tell me… pati ikaw ay ipipilit mo pa rin sa akin na makipagbalikan sa kapatid mo? Alam mo, ilang beses ko nang sinabi sa kuya mo na ayoko na. Huwag na niya akong ipilit na ipasok sa relasyong naming wala ng pagmamahal. Siguro naman alam mo na siya na lang ang nagmamahal sa aming dalawa.” “Hindi ‘yan ang sasabihin ko sayo,” aniya ni Angelo na ikinatigil sa pagsasalita ni Danica. “Hindi ko ipipilit sayo na makipagbalikan ka sa kuya ko kasi kahit naman gawin ko iyon, walang mangyayari. Tama ba ako?” sabi pa nito. Nag-smirk si Danica. “Oo. Wala ng mangyayari.” Bumaba ang tingin niya at napabuntong-hininga si Angelo. Muling tiningnan ni Angelo si Danica. “Gusto ko lang malaman mula sayo, bakit ganun-ganun na lang na itapon mo ang kuya ko? Parang wala kayong pinagsamahang dalawa. Ganun na lang ba kadali sayo na isawalang-bahala ang mga alaalang pinagsamahan ninyo? Mga pagmamahal na inialay ninyo sa bawat isa?” Ngumiti nang nakakaloko si Danica. “Gusto mo bang malaman ang totoo Father Angelo?” tanong niya. “Sige, simple lang naman ang sagot diyan sa tanong mo. Dahil nakakita ako ng mas higit sa kanya. Higit na mas gwapo, mas matipuno at higit sa lahat, mayaman. Mayamang-mayaman na kahit kailan ay hindi magiging ganun ang kapatid mo,” sabi ni Danica. “Kahit na ilang taon pa siyang magbungkal ng semento at magpatong-patong ng hollow blocks, hinding-hindi niya maaabot ang bago kong minamahal ngayon.” Masama mang magalit pero hindi napigilan ni Angelo. Pinipigilan niyang magalit. Kumukuyom pabilog ang mga kamay niya na nakatago sa suot niyang damit. “Sa totoo lang, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lamang siya at kaya kami tumagal ng maraming taon kasi, hindi ko pa nakikita ang lalaking mas hihigit sa kanya pero ngayong nakita ko na, syempre hindi ko na iyon pakakawalan pa,” nagmamalaking sambit pa nito na lalong ikinagalit ni Angelo. “Pero mahal na mahal ka ng Kuya ko,” madiin na wika ni Angelo. “Alam ko, kaya ko nga siya nagamit at nagpagamit naman siya-” Napatigil sa pagsasalita si Danica nang biglang tumayo si Angelo at malakas na hinampas sa mesa ang mga nakakuyom na kamao. Nagulat ang mga taong naroon rin sa loob ng restaurant sa ginawa niya at lalo na si Danica na nanlalaki ang mga mata pero walang pakielam si Angelo. Galit na galit siya ngayong nakatingin nang matalim kay Danica kahit na hindi niya pwede iyong maramdaman at gawin. “Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ng kuya ko,” madiin na sambit ni Angelo. Nagulat man si Danica pero hindi siya nagpasindak sa ginawa ni Angelo. Napangiti lang ito ng nakakaloko. “At bakit ko naman kailangan na isipin iyon? Di ba dapat sarili ko ang iniisip ko at hindi ang ibang tao?” Napatayo nang tuwid si Angelo. Nakakuyom pa rin ang mga kamao para mapigilan niya ang sarili na sumabog sa galit. Hindi niya inaasahan na ganito ang babaeng minahal ng lubos ng kuya niya. Ngayon pa lang, sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa nito. Tiningnan ni Angelo si Danica. Tinandaan niya ang itsura at hulma ng mukha nito para hindi niya makalimutan. “Sa lahat ng sinabi mo sa akin ngayon, ipinagdarasal na kita na sana… na sana kapag namatay ka, hindi mabigat na parusa ang ipataw sayo ng Diyos,” mariing sambit nito “Siya na ang bahala sayo,” dagdag pa niya saka naglakad na paalis, palabas ng restaurant. Naiwan si Danica na pangiti-ngiti lang at parang wala lang ang mga sinabi. --- Tulala si Angelo habang naglalakad. Hindi niya namalayan na nasa tapat na siya ngayon ng gate ng seminaryo. “Angelo.” Bumalik sa reyalidad si Angelo nang marinig niya ang tawag na iyon. Nakita niya si Father Ryan na walang ekspresyong makikita sa mukha. Oo nga pala, tumakas siya kagabi at ngayon lang siya nakauwi ulit. “Father Ryan,” pabulong na sambit ni Angelo. Dahan-dahang naglakad palapit si Father Ryan kay Angelo. “Sumuway ka na naman.” Kaagad na napayuko si Angelo. Pinagpatong pa nito ang magkabilang palad. “Paumanhin ho Father Ryan sa ginawa ko,” sincere na paghingi nito ng paumanhin. Nanatili pa rin itong nakayuko. Narinig ni Angelo na napabuntong-hininga si Father Ryan. Tinapik siya nito sa balikat dahilan para umayos muli sa pagkakatayo si Angelo. “Sige. Sana lang ay huwag na muli itong maulit kasi kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin sayo,” sabi ni Father Ryan. Ngumiti nang maliit si Angelo. “Salamat ho,” sabi nito. Napayuko ulit sandali ng ulo bilang paggalang. “Oo nga pala Iho, napansin ko kanina na tulala ka habang naglalakad. May problema ba? Kumusta ang kuya mo? May nangyari ba sa kanyang hindi maganda?” sunod-sunod na tanong ni Father Ryan. Sinuklian lamang ni Angelo nang tipid na ngiti si Father Ryan. Ayaw niya munang magsalita rito. Tumango na lamang si Father Ryan. Naiintindihan niya na ayaw munang pag-usapan ni Angelo ang kung anuman ang bumabagabag rito. Pero ang sigurado ni Father- tungkol ito sa kuya nito at may problema. “Sige at pumasok ka na sa loob at maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Mamaya ay may misa tayo,” aniya ni Father Ryan. Tumango si Angelo saka naglakad na papasok at iniwan si Father Ryan na napabuntong-hininga na lamang. --- Kasalukuyang nasa loob ng banyo si Angelo. Hinahayaan ang sarili na mabasa ng tubig mula sa shower ang hubad na magandang katawan. Kitang-kita ang maganda nitong pangangatawan. Ang maumbok nitong mga dibdib na may mga brownish na u***g sa magkabilang tuktok. Ang nagtitigasan nitong mga abs. Ang magandang hulma ng mga braso, hita at binti nito, at ang huli, ang nakalawit nitong dalawang bola at ari na hindi pa man matigas ay may ipagmamalaki na. Hindi iyon maugat, katulad ng kulay ng kanyang makinis na balat ang kulay ng katawan ng kanyang ari, moreno. Maganda ang hugis ng ulo na parang mushroom. Napapikit ng mga mata si Angelo. Hanggang ngayon ay dumadaloy na parang tubig sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Danica. Hindi niya maiwasang hindi na naman makaramdam ng galit. Mali man na sabihin niya ito pero sa tingin niya, parang ginago lamang nito ang kapatid niya na nagmahal ng wagas at totoo. Hindi niya tuloy maiwasang hindi kaawaan lalo ang kapatid niya. Napabuntong-hininga si Angelo. Naalala na naman niya ang kanyang Kuya. ‘Bakit ho ba ganun? Kung sino pa ‘yung totoong nagmamahal ay siya pa ‘yung parang pinaparusahan at labis na nasasaktan?’ Malalim na napabuntong-hininga si Angelo. “Sana lang ay maging maayos na ang lahat sa buhay ni Kuya. Sana makayanan niyang lagpasan ang pagsubok na ito sa pag-ibig. Sana gabayan niyo siya, Panginoon. Ikaw ng bahala sa kanya habang wala ako sa tabi niya,” bulong na panalangin ni Angelo. --- Kasalukuyang may misa. As usual, si Angelo muli ang gumagabay sa mga bata, binata at dalaga na kumakanta. Kahit papaano’y gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing naririnig ang pag-awit ng mga ito. Hanggang sa matapos na muli ang misa. Nilapitan niya isa-isa ang mga bata, dalaga at binata na kumanta at nagpasalamat siya sa mga ito kasi hindi siya binibigo ng mga ito na bigyan ang mga taong dumadalo sa misa ng isang magandang performance sa pag-awit ng mga kantang pang-simbahan. Hanggang sa mapalingon na lamang si Angelo ng may bigla siyang maramdaman na kumakalabit sa kanya. Bahagya siyang nagulat nang makita si Dennise na nakangiti sa kanya. “Dennise?” ang nasabi ni Angelo. Mas lalong napangiti si Dennise. “Akala ko nakalimutan niyo na ho ako, Father.” Ngumiti si Angelo. “Hindi kita nakalimutan.” “Mabuti naman ho kung ganun. Anyway, mukhang magaling ho kayo pagdating sa musika. Ang galing niyong gumabay sa mga kumakanta,” aniya ni Dennise. Napakamot naman ng ulo si Angelo. “Hindi naman. Dati rin kasi akong kasali sa kanila pero ngayon, ako na ang guro nila pagdating sa pagkanta,” saad ni Angelo. Masaya siya na nakita si Dennise ngayon. “Ibig sabihin po pala, magaling rin ho kayong kumanta?” tanong ni Dennise. “Um… hindi naman,” nangingiting sabi ni Angelo. “Oo nga pala, mabuti at nakadalo ka sa misa.” Tumango-tango si Dennise at ngumiti. “Sa totoo lang kasi Father, ngayon na lang ulit ako nakapagsimba kasi walang time. Sinulit ko na ang oras ko ngayon para makapagsimba at makita na rin kayo. Gusto ko ho kasi ulit kayo pasalamatan dahil sa pagtulong niyo sa akin.” Napangiti si Angelo. “Wala iyon. Hangad ko ang makatulong sa kahit sino at sa kahit anong paraan na kaya ko. Oo nga pala, napuntahan mo na ba iyong sinasabi mong pupuntahan mo sa lugar na ito?” tanong pa nito. Tumango si Dennise. “Oho Father. Kaya pagkatapos nito ay babalik na muli ako ng Maynila para harapin na naman ang mga naiwan kong trabaho roon.” “Ganun ba?” tanong ni Angelo. Narinig na lamang ni Dennise na tumutunog ang kanyang phone na nasa shoulder bag niya. Kaagad niya iyong kinuha at napangiti nang makita ang pangalan ng taong tumatawag. Napatingin muli ito kay Angelo. “Um… Excuse lang Father at sasagutin ko lamang itong tawag,” pagpapaalam ni Dennise. Tumango naman si Angelo. Bahagyang lumayo si Dennise kay Angelo at sinagot na ang tawag. “Kuya Rex, bakit napatawag ka?” nagtatakang tanong ni Dennise. “Anong oras ka babalik dito sa Manila?” tanong ng gwapo niyang kuya. “Ahhhh…” napatingin si Dennise sa suot niyang wrist watch. “Baka mamaya Kuya. Nagsimba pa kasi ako bago ako bumalik diyan sa Manila.” “Ganun ba? Basta siguraduhin mo na before dinner, makauwi ka na sa bahay, okay?” paalala ng Kuya Rex niya. Biglang naalala ni Dennise, may dinner nga pala silang buong pamilya mamaya dahil ipapakilala ng Kuya Rex niya sa kanilang lahat ang girlfriend nito at future wife. Sa pagkakaalam niya, Danica ang pangalan nito dahil iyon ang sabi ng Mama niya sa kanya kasi ito, nakita at kilala na niya iyon. Siya kasi, hindi pa niya ito nakikilala o nakikita man lang dahil sa lagi rin siyang busy. “Opo Kuya. Basta before dinner, nandyan na ako.” “Good. Sige at mag-ingat ka sa pag-uwi,” sabi ng Kuya Rex niya. Close sila Danica at ng Kuya Rex niya na nag-iisa at one and only kuya niya. Two in one nga ito para sa kanya kasi, kuya na niya ito, dakilang tatay pa dahil ulila na rin sila sa ama. Ten years old siya ng mamatay ang kanyang ama dahil sa cardiac arrest kaya siya, ang kuya niya at ang mama nila ang siyang namamahala ng mga kumpanyang naiwan ng papa nila. “Opo,” sagot ni Dennise saka napangiti. Kapwa ibinaba na ng dalawa ang tawag. Muling tinago ni Dennise ang phone niya sa bag. Muling napatingin si Dennise kay Angelo. “Kuya mo?” tanong ni Angelo. Tumango-tango si Dennise. Napangiti si Angelo. “Pareho pala tayong may kuya.” “Talaga?” nakangiting tanong ni Dennise. Tumango si Angelo. “Oo nga ho pala Father, kailangan ko ng bumalik sa Maynila para makaabot sa dinner,” aniya ni Dennise. “Ganun ba? Sige mag-ingat ka. Gabayan ka ng Diyos sa buo mong biyahe,” sabi ni Angelo. “Salamat ho. Sige ho Father at mauna na ho ako,” wika ni Dennise. Napatango si Angelo. “Hanggang sa muling pagkikita,” nakangiting sabi nito bago tumalikod mula kay Angelo at naglakad na palabas ng simbahan. “Hanggang sa muling pagkikita, Dennise,” nakangiti ring sabi ni Angelo habang nakasunod ang tingin niya sa papalayong si Dennise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD