Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, masaya ang iba dahil sa wakas ay makikita at makikilala na nila ang totoong C.E.O, ngunit ako?
Hindi ako masaya, kinakabahan ako dahil ako ang magiging sekretarya niya at hindi ko alam kong magugustohan ba niya ang trabaho ko o hindi.
Halos hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon, sabi kasi ni Sir Damien ay salubungin daw namin sa pagpasok ang C.E.O.
Kaya naman lahat ng mga nag tatrabaho ay nandito, ang iba ay nasa labas ng pinto ang iba naman ay nasa loob.
Nasa labas ako malapit sa pinto dahil ako daw ang sekretarya kaya kailangan daw ay makita agad niya ako, nangangatog ang tuhod ko at pinagpapawisan ang mga kamay ko ng may humintong itim na sasakyan.
"Oh! Andito na siya guys mag-handa na kayo!" sabi ni Sir Damien na nagpa-kaba ng husto sa akin.
Ilang sandali pa ay may lumabas sa sasakyan, isang matangkad na lalaki.
Maputi, matangos ang ilong, may pagka-singkit, at tila ipininta ng isang magaling na pintor ang mukha nito, at kulay ash grey ang buhok nito.
Lahat ay napatulala sa lalaking nakikita namin, marahil ay sa kagwapohan ng nilalang na nasa harapan naming lahat.
Ngunit ako ay iba ang dahilan kung bakit ako napatulala sa lalaking ito, dahil sa mga mata nitong kulay abo.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng sumagi sa isip ko ang kaganapan noon, nadistract lamang ako ng marinig ko ang boses ng mga katrabaho ko na binati ito kaya ayun na din ang ginawa ko.
Matapos noon ay tinawag ako ni Sir Damien, para ipakilala rito.
"Ah! Mr. CEO this is Elouise she's going to be your secretary, huwag kang mag-alala maayos siyang mag trabaho. Professional din siya sa trabaho, wala kang masasabi sakanya. Isa pa sumusunod siya sa lahat ng rules and regulations. Sa lahat ng naging sekretarya mo masasabi kong siya ang pinakamagaling, at pinaka-mahusay sakanilang lahat." mahabang paliwanag ni Sir Damien dito.
"At isa pa may anak siya, single mom kaya focus lang siya sa trabaho talaga. Ayaw niyang mawalan ng trabaho dahil kailangan niya itong trabahong to, pang tustos sa pangangailangan ng anak niya.
Maaasahan mo siya sa lahat ng bagay, ako na ang nag-sasabi sayo cous!" dagdag pa nito.
Tinignan naman ako mula ulo hanggang paa ni Sir Casper, yumuko naman ako tanda ng pag-galang dito.
Pero sa totoo lang ayaw kong makita yung mga mata niya.
"I can see that. Hindi katulad ng dati kong mga naging sekretarya na halos kita na ang kaluluwa sa suot nila, siya hindi sakto lang ang suot niyang skirt.
Hindi masiyadong maikli, at hindi ganoong kahaba saktong-sakto lang." sang-ayon naman ni sir Casper habang natango ang ulo.
"Magandang sa trabaho siya nakatutok at kung hindi kung saan, mabuti din na may anak siya para ayon lang yung nasa isip niya at hindi kung ano-ano." dagdag nito at nag simula ng mag-lakad papuntang elevator.
Medyo nahiya naman ako sa sinabi nito, hindi naman talaga ako nag-iisip ng kung ano-anong bagay.
Nakasunod lang ako sa bandang likod nila, nag-uusap sila tungkol sa negosyo.
Hanggang sa makarating sa CEO floor ay negosyo lang ang pinag-uusapan nila, nang papasok na sila sa office ni Sir Casper at matapos akong utusan na mag timpla ng kape, ay narinig kong nag-tanong si Sir Damien kung kamusta na si Sir Casper.
Medyo nag-taka ako dahil ang sabi ay busy lang ito sa trabaho, pero kung makapag-tanong si Sir Damien ay parang may malalang sakit o ano pa man na nangyare kay Sir Casper.
Ngunit ipinag-sawalang bahala ko na lamang at inisip na baka, dahil sa sobrang busy ito at ang kalusugan nito ang dahilan kong bakit ito nag-aalala.
Matapos magtimpla ng kape ay kumatok ako sa pinto at hinintay na papasukin nila ako bago ako pumasok, nilapag ko ang kape sa mesang nasa harapan nila ng mag tanong si Sir Damien kung ano ang schedule ni Sir Casper.
"Tulad po ng schedule niyo noon Sir Damien, may pagkakaiba nga lang po ng kaunti.
Sa tanghali may lunch meeting si Sir Casper sa GTP Company, at 3 pm you have a meeting with the F.S. Group regarding sa issue, about sa contract last month. And after that you have a dinner party with the employee of Truce Company." sabi ko ng may magandang ngiti sa labi.
"Okay. Thank you." medyo malamig na sabi ni Sir Casper at pinalabas na ako.
Pagkalabas ko ay ginawa ko nalang ang mga trabahong naiwan ko kahapon, at ilang saglit nga lang din ay nakita ko ng lumabas si Sir Damien.
Nag bilin lamang ito na ako na ang bahala sa pinsan niya, umoo lang ako at nag patuloy sa pag tatrabaho.
Nang sumapit ang alas onse ay nakita kong lumabas na si Sir Casper, at tumingin sa akin at medyo natulala nanaman ako dahil sa mga mata niya.
"Let's go! Baka malate tayo sa lunch meeting." sabi ni Sir Casper bago nag-lakad papuntang elevator.
Kinuha ko ang mga kailangan kong gamit at sumunod dito, tahimik lang kami sa loob ng elevator.
Halos marinig ko na ang sarili kong hininga sa sobrang tahimik, ng huminto sa parking lot ay nag-lakad kami papuntang sasakyan nito.
Akala ko ay ibibigay nito ang susi saakin ngunit nagkamali ako, ito na mismo ang nag drive.
Medyo nahiya pa nga ako dahil ako ang sekretarya pero siya ang nag dadrive, ang sagot lang nito ay.
"Babae ka, lalake ako. Hindi magandang tignan na ikaw ang mag-drive kahit boss mo pa ako." wala pa itong emosyon ng sabihin niya iyon.
Nang makadating sa lugar ay andoon na din ang ka-meeting namin, nag order at kumain lang muna saglit bago nag simula ang meeting.
Halos mag-dadalawang oras din ang inabot ng meeting, nag kamayan lang kaming lahat bago umalis para pumunta sa susunod na meeting.
Ganun din ang nangyare pag dating namin ay andoon na din ang ka-meeting namin, pinag-usapan agad ang problema nag pa-order na din ako ng kape para sakanila.
Dalawang oras ang itinagal ng meeting, hindi kasi masiyadong mag-kaintindihan ang dalawang kompanya.
Matapos noon ay nahalata kong ang pagod sa mukha ni Sir Casper, ayon lang ang unang beses na nabasa ko ang emosyon sa mukha ni Sir mag mula kanina.
"Sir, ako na po ang mag-dadrive? Halata ko na po kasing pagod na kayo, pahinga na lang po muna kayo may team dinner pa po tayong pupuntahan eh." magalang kong offer at paalala nadin dito.
Medyo nag alangan pa itong hayaan akong mag drive, pero ng makita niyang hindi ako nagpapatinag ay pumayag din ito.
"Fine. Just be careful." sabi nito bago bumuntong hininga at abot sakin ng susi.
Hindi ako masiyadong tumitingin sa mata nito dahil may naaalala ako, pero tumingin ako kanina dahil ayaw magpa-tinag sa pag-dadrive.
Tamang bilis lang ang pagpapatakbong ginagawa ko, upang hindi masiyadong maalog at hindi maistorbo si Sir.
Medyo naipit din kami sa traffic, kaya nag text ako kay Sir Damien na baka medyo malate kami ng dating dahil sa traffic, maging sa bahay ay nag text nadin ako na malalate ako ng uwi.
Akala ko ay matatagalan kaming makapunta sa lugar kung saan nagpa-reserve si Sir Damien, pero mali ako wala pang dalawang oras ay nakadating nadin kami may 30 minutes pa bago mag-simula.
Nakatulog si Sir Casper kaya naman ay kinailangan ko pa itong gisingin, ng hindi tumitingin sa mga mata nito.
Pag-pasok namin ay saktong nag dadatingan din ang mga empleyado na naisingit ang araw na ito sa schedule nila, ilang saglit lang din ay nakadating na ang lahat at nag simula ng mag-order ang lahat.
Matapos kumain ay nag-order na din ng alcoholic drinks sila Sir Damien , beer lang ang iniinom ko dahil ayaw kong masiyadong malasing.
Halos mag-aalas dose na ng hating-gabi ng mapagpasiyahan nilang magsi-uwian, lumipat din kami ng pwesto dahil hanggang 9 p.m. lang pala ang restaurant na kinainan namin.
Lasing na halos lahat, ang iba naman ay tipsy lang at ako? Hindi ako lasing dahil nakatatlong bote lang ako ng beer.
Hindi nila ata napansin dahil binibigay ko sa katabi ko yung bote na binibigay nila sa akin, ang iba naman ay hindi ko alam pero kinukuha ni Sir Casper.
Dahil hindi naman ako lasing ay sinabihan ako ni Sir Damien na ako na daw ang mag hatid kay Sir Casper, sabay bigay sa akin ng address kumain lang ako ng candy at siniguradong okay talaga ako bago pumayag.
Nang makadating ay ginising ko ito para maka-baba na at maka-uwi na din ako, medyo mahirap lang gisingin pero nagising din at sinabing gamitin ko na daw ang sasakyan para maka-uwi.
Hindi ako humindi dahil mahirap ng makahanap ng masasakyan, hating-gabi na din at gusto ko ng umuwi.
Hindi masiyadong traffic kaya isang oras lang mula sa bahay ni Sir Casper, ay naka-uwi na din agad ako.
Tulog na ng madatnan ko ang yaya at ang anak ko, humalik lang ako dito at pumasok sa kwarto ko.
Nag-linis lang ako ng katawan at uminom ng tubig bago humiga, sinigurado ko munang naka-set ang alarm ko bago ako nag-patangay sa antok.