Apat na buwan na simula ng mag trabaho ako dito sa Truce Company, bali-balitang babalik na daw ang totoong CEO.
Walang sinasabi yung boss ko ngayon, at ayaw kong mag tanong tungkol dito.
Nakilala niya akong seryoso lagi sa trabaho at walang panahon para sa ganyang bagay, kahit curious ako ay hahayaan ko nalang ang boss ko mismo ang mag-sabi na totoo ang balitang iyon.
Pabalik na ako sa office kung nasaan ang acting CEO, inabot ko kasi sa ibang department yung papeles na natapos ng pirmahan at aprobahan ng acting CEO.
Nang makadating sa floor ay may kabagalan ang lakad kong pumunta sa office nito, dumaan muna ako sa kitchen na meron sa floor na ito at nag timpla ng kape.
Nag-kakape kasi ito kahit tanghalian, iba sa totoong CEO.
Nang nasa labas na ako ng office nito ay kumatok muna ako bago pumasok.
"Sir here's your coffee, naibigay ko na yung mga papeles na tapos niyo ng pirmahan at aprobahan. May kailangan pa po ba kayong ipagawa sakin?" magalang kong tanong dito.
"Thank you. Wala naman na akong ipapagawa, so tapusin mo na yung mga kailangan mong gawin." sabi nito at ngumiti.
Ako naman ay naglakad na palapit sa pintuan, ng marinig kong tinawag ulit ako nito.
"Ah! Wait a minute! I forgot to tell you. Hay naku! Sa sobrang busy makakalimutan ko pa, baka magulat ka pa!" sabi nito at tumikhim muna bago ulit mag salita matapos kong humarap sa kanya.
"The real CEO, babalik na siya. Next week to be exact! Ayokong magulat ka kapag pumasok ka dito at makitang hindi ako nakaupo sa pwestong ito, okay na daw siya at pwede na siyang bumalik kaya naman ay ininform niya ako sa pag-babalik niya." sabi nito.
"Ayaw niya ng mga party so hindi na kailangan ng welcome back party, baka company dinner pa. Pag bumalik siya next week siya na yung magiging boss mo, siya naman yung tunay na CEO." dagdag pa nito na may ngiti sa labi, at pangungulila sa mga mata.
"Okay sir! Understood!" sagot ko dito.
"Labas na po ako, if may kailangan kayo tawagin niyo lang po ako." sabi ko ng nakangiti at lumabas na.
Nang makalabas ay nag simula na akong mag trabaho, medyo tulala ako dahil iniisip ko kung ano ba ang ugali ng magiging boss ko.
Hindi ko alam kong paano ko natapos yung araw na iyon, walang laman ang utak ko kung hindi mga katanungan.
Paano kung hindi ako magustohan ng boss ko?
Paano kung may magawa akong mali agad-agad sa pag-babalik niya sa kompanya?
Paano kung napaka-sungit pala ng magiging boss ko?
Paano kung hindi siya katulad ni Sir Damien, na sobrang bait at maaalalahanin?
Tulala din ako hanggang sa maka-uwi ako ng bahay, nawala lang ng marinig ko ang boses ng anak ko na binati ako.
"Welcome home mommy!" masigla nitong bati.
"I'm home anak! Kumain kana ba? Medyo nalate ng uwi si mommy. Sorry!" sabi ko naipit kasi ako sa traffic, at nawala sa utak ko na sabihin sa yaya ng anak ko dahil nga sobrang lutang ako.
"Kumain kami mommy. Ikaw po alam ko hindi pa , kaya po sabi ko kay yaya lutuan ka ng food!" malawak ang ngiting sabi nito sa akin.
"Wow! Really? Thank you baby!" sabi ko at hinalikan ito sa magkabilang pisnge.
"Mag wash ka na para makatulog ka ng maaga baby okay" sabi ko dito at sumunod naman ito.
Sinabi naman ng yaya niya na nasa lamesa ang pagkain , medyo mainit pa daw iyon dahil nireheat niya ulit ng makitang late na ako at wala akong text na hindi ako kakain dito.
Kumain naman agad ako at hinugasan ko na din ang pinagkainan ko, para naman makapag-pahinga nadin siya.
Ipina-alam ko din ito sakanya , upang hindi na siya lumabas pa ng kwarto ng anak ko.
Nag-linis lang ako ng katawan , at lumabas ng kwarto para icheck kung naka-lock na ba lahat ng dapat ilock.
Nang masiguradong naka-lock na ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko, para mag-handa sa pag-tulog ko.
Humiga ako ng maayos, hindi agad ako nakatulog kaya naman ay tumayo ulit ako at kinuha ang bag ko.
Nilabas ko ang laptop ko at chineck kung may trabaho akong pwedeng tapusin ngayong oras na ito, nang makitang meron ay nilibang ko ang sarili ko sa pag-tatrabaho.
Pampatulog na din dahil kahit anong pikit ko ay naaalala ko padin na next week, ang CEO na ng kompanya ang magiging boss ko.
Wala namang binilin na kakaiba sa akin si Sir Damien, kaya kahit papaano ay panatag ako na hindi choosy o pala-utos ang taong ito.
Halos mag-hahating gabi na ng dalawin ako ng antok, kaya naman ay tinigil ko na ang pagtatrabaho.
Sinigurado kong nai-save ko ang files na natapos ko, bago humiga at ipinikit ang mga mata ko.
Nang gabing iyon hindi ko alam kung bakit ko napanaginipan, ang araw na gusto ko ng kalimutan.