Nagising ako sa ingay ng alarm ko, ng tignan ko ang oras ay dali-dali akong bumangon. Medyo late ako ng gising dumiretso ako sa banyo at naligo, matapos maligo ay nag suot lamang ako ng simpleng office attire. Matapos mag lagay ng kaunting make-up ay lumabas nadin ako ng kwarto ko, naabutan kong may nakahain na sa lamesa at naka-upo na din ang anak ko at ang yaya nito. Humalik lang ako dito at humingi ng tawad dahil hindi ako nito naabutang gising kagabi, kumain lang kami at matapos noon ay nag paalam na akong aalis na. Hindi naman traffic kaya naman ay nakadating ako ng hindi nalalate sa trabaho, hindi nga ako late pero maaga naman ang boss ko. Nag clock-in lang ako at pumunta sa mini kitchen at nag timpla ng kape para dito, ng makapasok sa loob ng opisina ni Sir Casper ay nilapag ko