*Warning sensitive content* Halos walong buwan na din ang nakakalipas simula ng bumalik ang totoong CEO, at dahil guwapo ang boss namin ay ang daming marites ang nag-kukumpulan. Sumasagap ng balita o chismis kung may girlfriend na ba Sir Casper o wala, ang iba naman ay masyado ang pinapakalat ako daw ang girlfriend nito. Binabaliwala ko nalang ang lahat dahil hindi naman totoo, napapadalas na din ang pag punta namin sa ibang bansa ng boss ko. May gusto kasing i-close na deal si Sir Casper, gusto niya pang mag lumago ang business kaya halos overtime at puyat kaming lahat. Hindi ko lang alam kong saan ba nakukuha ng mga marites na ito ang lakas , para mag chismisan sa buhay ng iba. Kasalukuyan kaming nasa Europe ngayon, may malaking deal kasi na gustong makuha si Sir Casper. Ayaw ko m