Nagising ako na may humahaplos sa buhok ko ayaw ko pa sanang dumilat , ngunit naramdaman ko na lamang na may labing dumampi sa pisnge at labi ko. Pag-dilat ng mata ko ang itsura agad ni Sir Casper ang nabumungad sa akin, naka-ngiti ito at nakatitig ng taimtim sa akin. "Good morning sir. About last night.." naputol ang sasabihin ko ng hawakan nito ang mukha ko at halikan ako sa noo. "I'll take responsibility. Don't worry." sagot nito. "Pero sir hindi niyo naman po ako gusto o ano pa man, empleyado niyo lang po ako yung kagabi? Pwede niyo pong kalimutan at pangako po, hindi ko po ipag-sasabi sa iba!" sagot ko naman. "Elouise, I'm a little sober last night, alam ko kung ano yung ginagawa ko. Kung hindi kita gusto o yung ginagawa natin, iiwan kita sa kwartong ito." sabi nito na seryosong-