Dalawang linggo na ang lumipas simula ng maka-uwi kami, galing sa ibang bansa. Nakapag day-off ako ng dalawang araw upang makapag-bonding anak ko, matapos no'n ay bumalik din agad ako sa trabaho. Nang makapasok ako sa trabaho ay sineryoso nga ni Sir Casper ang sinabi nito, nililigawan ako nito ng palihim sa opisina at pag lumalabas kami para sa meeting. Lagi din ako nitong binibigyan ng bulaklak via delivery, alam kong siya iyon dahil na din sa card na nasa flowers. Hinahatid din niya ako at sinusundo tulad na lang ngayon, nag message siya na hintayin ko daw siya sa parking lot ngunit ng dumating ako ay andoon na siya. "Ang aga mo naman Sir akala ko hihintayin kita?" tanong ko dito. "Gusto lang kitang makita agad kaya nag-madali akong bumaba, para pag dating mo dito andito na ako at