Araw ng unang pasok ko sa trabaho, maaga akong nagising at naghanda ng makakain ng anak ko.
Hindi ko na ito ginising pa dahil napuyat at napagod ito sa pag lalaro sa yaya niya, pumayag na kasi itong maging yaya ng anak ko kapalit ng pag-taas ko sa sweldo nito at pagpapa-aral ko dito.
Matapos kong mag-handa ng lahat ay naligo na ako at pumasok sa kwarto ng anak ko, sa tabi kasi ng higaan ng anak ko ay ang higaan ng yaya niya okay na daw iyon para sa kanya.
Ginising ko ito upang sabihin na okay na lahat at kailangan ko ng umalis, bumalik na lamang siya sa pag tulog pag naidouble lock na niya ang pinto pag labas ko.
Halos pag-aalaga lang naman talaga ng anak ko ang trabaho niya, tumutulong lang daw siya sa pag lilinis at pag luluto dahil paraan niya daw iyon ng pasasalamat sa mga tulong ko.
Nang makalabas ay saktong may taxi sa labas, mukhang may kakauwi lang sa kabit-bahay namin.
Mabuti nalang at maaga akong nagising at natapos sa paghahanda sa bahay, kung hindi ay baka natraffic ako sa daan papasok unang araw ko pa naman sa trabaho.
Maya-maya lang ay binaba na din ako ng driver sa tapat ng office building namin, nag bayad naman agad ako at nagpasalamat dito.
Nag simula na akong mag-lakad papuntang entrance, bumati ako sa security guard na naka-assign dito at tuloy-tuloy na naglakad papasok.
Nang makapasok ay sumakay ako ng elevator at nagpahatid sa huling palapag ng building, ang floor kung nasaan ang office ng CEO namin.
Kahit na acting CEO lang yung boss ko ngayon ay kailangan padin daw nitong mag opisina sa office ng CEO.
Nag clock-in muna ako bago kumatok sa pinto ng office ni Sir at para ipaalam na nandito na ako, ilang minuto muna ang hinintay ko bago ko marinig ang boses nito.
"Come in." matipid na sagot nito gamit ang malumanay na boses.
Pumasok naman ako at binati ito.
"Good morning sir." magalang kong bati dito.
"Good morning too, Miss Alastair." nakangiti nitong pagbalik ng bati sakin.
"So! Ngayon ang unang araw mo, sinabi naman sayo ng secretary ng COO yung mga kailangan mong malaman tama ba?" tanong nito.
"Yes sir." sagot ko dito.
"Naka-pirma ka na din ng kontrata, ayos naman na lahat tama ba? Binigay ba sayo ng sekretarya ng COO ang schedule ko ngayon?" tanong nito ng may maliit na ngiti sa labi.
"Ah yes sir! Andito po sa akin." sagot ko sabay kuha ng maliit na notebook at sinabi dito ang schedule niya ngayong araw.
"That's all sir. Do you need something like coffee sir?" tanong ko matapos kong masabi ang schedule nito.
"Yeah give me a coffee. Alam mo naman yung coffee as a acting CEO and the real CEO right?" tanong nito habang nakatingin sa mga papers na nasa lamesa nito.
"Yes sir. Of course! Your coffee will be here in a minute or two." sagot ko dito nakita ko lang itong tumango kaya naman ay lumabas na ako sa office nito.
Nilapag ko muna yung bag ko bago pumunta sa kusina na meron dito sa CEO floor, at nag timpla ng kape na para sa acting CEO.
"Black coffee with one teaspoon of sugar." sabi ko habang nag titimpla ng kape.
Matapos mag-timpla ng kape ay dahan-dahan akong naglakad papuntang office ni sir, kumatok muna ako bago pumasok at nilapag ang kape nito sa ibabaw ng mesa nito.
Lumabas na ako ng wala na itong iniutos saakin, nang makalabas ay umupo ako sa table ko at ginawa na ang trabaho ko na tinuro ng secretary ng COO.
Sobrang daming mga papers sa ibabaw ng table ko, sobrang dami siguro ng ginagawa ng secretary ng COO kaya hindi na niya naaasikaso ito.
Halos lagpas tanghalian na at nakakalahati ko palang ang mga papeles na nasa table ko, hindi pa naman ako nagugutom kaya naman ay yung mga papeles na kailangan ng pirma ng CEO ay ibibigay ko sa acting CEO.
Saglit akong kumatok upang ipaalam ang presensya ko sa boss ko, ng marinig ko ang boses nito na pinapapasok ako ay doon lang ako pumasok.
"Sir, Ito po yung papeles na kailangan ng pirma ninyo, ito naman po ang mga papeles na naghihintay na aprobahan ninyo. Ito po yung natapos kong iarrange, baka po kasi matambak sa table niyo kaya ibibigay ko na ngayon ito bago yung iba." mahabang paliwanag ko dito.
Ngumiti muna ito at sabay sabing.
"Thank you. Natambakan na nga talaga dahil hindi na kaya ng secretary ng COO na pag sabayin ito, tama lang talaga na nag hire pa ako ng secretary para sa CEO, kahit acting CEO lang ako." nakangiti nitong sabi.
"Maganda ang pagkaka-ayos mo, inihiwalay mo na ang kailangan kong pirmahan at aprobahan. Hindi tulad ng unang sekretarya na nagtrabaho dito, five years ago ang gulo ng pagkaka-ayos ng mga papeles!" medyo natatawang kwento nito.
"Oh! Sorry! Ganito talaga ako minsan huwag kang mag-alala, hindi naman ako tulad ng ibang boss na masungit." dagdag pa nito.
"Kumain kana ba? Mukhang hindi ka nakakain dahil sa pag-aayos ng mga papers na ito, sige pumunta kana sa cafeteria at kumain ka muna kahit saglit lang ng late lunch mo." may malumanay na ngiti ito sa mga labi ng sabihin niya iyon.
"Okay sir. Thank you!" sabi ko at nagpaalam ng lalabas na sa office.
Matapos kong ligpitin ang ibang gamit sa lamesa ko ay bumaba na ako papuntang cafeteria, nang makadating ay umorder lang ako ng light meal at kumain na.
Matapos kong kumain ay naglalakad ako papuntang elevator ng may bumangga sa akin.
"Ouch! Sorry! I'm sorry! Oh my gosh! Ang bobo ko!" rinig kong boses ng babae na nakabangga sa akin.
"It's okay! Don't call your self stupid." sabi ko dito at tinulungan ko itong kunin ang mga gamit na nalaglag nito.
"Sorry talaga!" paulit-ulit na sinabi nito, at nang mag angat ang tingin nito sa akin ay medyo nabigla ito na ipinagtaka ko.
"Oh! It's you! Yung babaeng nakabanggaan ko din noon sa interview!" sabi nito na medyo nanlalaki ang mata.
"Oh? Ikaw pala iyon. Sorry! Nag mamadali talaga ako noong araw na iyon." sabi ko na may ngiting nahihiya.
"It's fine! Ngayong araw namang ito ako ang may kasalanan." may nakakasilaw na ngiti nitong sabi.
"Oh! By the way I'm Skhye Fenia Fabian. I'm 24 years old and assistant team leader sa sales team." medyo maligalig na pagpapakilala nito.
"I'm Elouise Alastair. I'm 26 years old and secretary of the CEO." may maliit na ngiting pakilala ko dito.
"Oh my gosh! Malalate na ako nakalimutan koo!! Let's talk next time. Byee!!" paalam nito at nagmamadaling pumunta sa elevator.
Ako naman ay medyo nagulat sa lakas ng boses nito, nang matauhan ay naglakad nadin ako papuntang elevator.
Kumatok ako sa office ng CEO at pinaalam na nakabalik na ako, baka kasi may ipag-uutos at isiping nasa baba padin ako kumakain.
Matapos ipaalam na nakadating na ako ay sinimulan ko na ulit ang trabaho ko.
Mabilis na lumipas ang oras at mag seseven pm na ng matapos ko ang mga papeles sa lamesa, ipinasok ko ito sa office ng boss ko upang ipaalam sakanya na may mga papel padin na kailangan ng pirma niya, at mga aaprobahan na mga papeles.
"You finish everything in just a day huh? Your good at your work. I like you!" may ngiting sabi nito, at nagpasalamat lang ako at ngumiti ng sabihin nito na.
"You can go home now. I know how tired you are! You can go now. See you tomorrow and thank you!" sabi nito na makikita sa mata ang saya at pag-aalala.
"Okay sir. Thank you too! Have a good night tonight!" nakangiti kong sabi at umalis na ng opisina ng boss ko.
Nag-linis lang ako ng lamesa dahil may mga kalat ito mula sa pag-aayos ko ng mga papeles, matapos noon ay kinuha ko ang bag ko at nagpaalam ulit na uuwi na ako.
Pumara lang ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin, nang makarating sa bahay ay handa na ang lahat nakapag-luto na din ang yaya ng anak ko.
"I'm home!" bungad ko at tulad ng dati lumapit ang anak ko sa akin at humalik sa pisnge ko.
Nag-linis lang ako ng katawan saglit at pumunta na din sa dining upang kumain na, matapos noon ay tinulungan ko lang ng kaunti ang yaya ng anak ko at ng matapos lahat iyon ay nagpaalam na akong papasok na sa kwarto ko.
"You need to sleep na anak okay?" sabi ko sa anak ko.
"Okay mommy! Goodnight! I love you!" sabi nito at humalik sa pisngi ko.
"Goodnight baby! I love you too!" balik ko dito at pumasok na siya sa kwarto niya kasama ang yaya niya, maging ako ay pumasok na din sa kwarto ko.
Maikling dasal at matapos kong magdasal ay pinatay ko muna ang mga ilaw, at umayos ng higa.
Mabilis lang akong nakatulog, marahil ay sa sobrang pagod paniguradong bukas ay pagod nanaman ulit ako nito.