Tulad ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong nagising at naghanda, wala pa ang resulta sa interview na pinuntahan ko kaya naman ay ilalaan ko muna ang oras ko sa anak ko.
Nag luto ako ng pagkain na paborito ng anak ko nilagyan ko na din ng design upang matuwa siya, matapos noon ay naligo lang ako at gigisingin ko na din ang anak ko.
Matapos magising ay pinag toothbrush ko muna siya, at pumunta na din kami sa dinning area upang kumain na.
Panaka-naka din ang pagkwekwento niya about sa babysitter niya, gustong-gusto niya daw ito at kung maaari ay ayun ulit ang kunin ko na mag-aalaga sakanya.
Hindi naman ako tumanggi dahil totoo naman ang sinabi ng anak ko.
Ganoon lang halos ang routine namin ng anak ko sa nakalipas na isang linggo, isang tawag ang nagpagising sa akin sa pagkakaiglip katabi ang anak ko.
"Hello?" bungad ko sa tumawag.
"Hello. Ito po ba si Miss Elouise Alastair?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Opo ako nga po yun. Sino po sila?" pabalik na tanong ko dito.
"Hello Miss Alastair. I'm Mirna from Truce Company. I'm calling to inform you that you got the position as a secretary of our President. You'll start working next week , please come here the day after tomorrow so that we can tour you around the company thank you." mahabang paliwanag nito at hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko.
"Yes! Of course I'll be there the day after tomorrow. Thank you!" masaya kong sagot dito.
Matapos mamatay ng tawag ay hinalikan ko ang anak ko at niyakap ito, tumayo naman ako upang mag handa ng snacks para sa amin ng anak ko.
Matapos kong maghanda ay ginising ko na ang anak ko, para naman ay makatulog ito ng maaga mamayang gabi.
Kumain kami ng snacks at tinuruan ko siya paano mag bilang, mag-basa at sumulat ng pangalan niya.
Nang sumapit ang dinner ay nag-luto ako at kumain na kami, at nagpahinga ng kaunti bago mag half bath at matulog.
Sumapit ang araw na kailangan kong pumunta sa kompanya upang itour at ituro sa akin ang mga kailangan kong malaman.
Nagpaalam ako sa anak ko at maagang umalis upang hindi ako malate, pagka-dating ko ay sinalubong agad ako ng secretary ng COO at pinaliwanag na sa akin lahat.
"Tatandaan mo ang boss mo ngayon ay acting C.E.O lamang, nasa ibang bansa kasi ang totoong C.E.O busy masyadong busy at hindi nakakapunta dito sa main company building. Hindi pa alam kung kelan babalik pero kung bumalik man si sir, ikaw padin ang sekretarya niya. Huwag kang mag-alala nag sabi si Mr. COO na siya na ang kukuha ng secretary niya, at pumayag naman siya." mahabang explanation sa akin ng secretary bago ako dalhin sa COO office.
"Let's go sa office ng COO para pumirma ng kontrata." dagdag nito at sumunod lang ako.
Nang makadating sa office ay pinaupo ako nito at kinuha galing sa lamesa ang kontrata, at sabay sabing.
"Pirmahan mo ito, pero bago mo pirmahan basahin mo muna. Kung may hindi ka naman nagustohan pwede mong sabihin sa akin, at ipapaalam ko sa CEO at COO natin." sabi nito.
Binasa ko naman ng maayos ang kontrata, upang walang maging problema pag nag simula na akong mag trabaho dito.
Matapos kong basahin ay pinirmahan ko na agad ito at binigay sa sekretarya ng COO, nakipag kamay lang ito sa akin at nagpasalamat naman ako.
"You can start next week. Congratulations and welcome." sabi nito at hinatid ako sa labas ng kompanya at nagpaalam.
Pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin, siguradong lagpas lunch na pag nakauwi ako kaya naman ay sa dinner nalang kami mag sasabay ng anak ko.
Alam ko kasing sobrang traffic pag ganitong oras, habang nasa byahe ay napapaisip ako.
"Need bang humanap ng acting CEO pag sobrang busy ang original CEO? Hindi ba dapat pag may sakit lang at hindi niya kayang umattend sa mga meeting o ano pa man?" mga tanong na tumatakbo sa utak ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ang baby sitter ng anak ko, upang sabihin na sumabay na siya sa amin pag dinner at hindi ako makakauwi ng lunch dahil traffic.
Halos mag aala-sais na ng hapon ng makita kong malapit na kami sa subdivision na tinitirhan namin, may accident kasing nangyare kaya na-stock ako sa traffic.
Nag pababa lang ako malapit sa maliit na grocery store upang mamili ng ibang ingredients, sa lulutuin ko mamaya matapos mamili ay naglakad na din ako ng mabilis upang makauwi na.
Sinalubong agad ako ng halik ng anak ko ng makauwi ako, matapos noon ay nag palit lang ako ng pambahay at nagsimula ng magluto.
Hindi naman ako nahirapan at natagalan dahil tinutulungan din ako ng babysitter ng anak ko, matapos mag-luto ay kumain na kaming lahat.
Nagliligpit ako ng pinagkainan at siya naman
ay nilinisan ang anak ko, matapos gawin lahat ay nagpaalam na itong uuwi na ng tawagin at tanungin ko.
"Ah yung sinabi ko sayo noong nakaraan sana pag isipan mo, gusto ka talaga ng anak ko hayaan mo dadagdagan ko ang sahod mo. Pag-aaralin pa kita okay ba iyon? May kontrata din kung hindi ka sigurado?" sunod-sunod kong sabi at tanong dito.
"Sige po ma'am pag iisipan ko po" magalang nitong sagot sa akin.
"Sana masabi mo sa akin ang sagot next week bago ako mag simula sa trabaho ko. Hindi kita binibigyan ng pressure huh? Think about it carefully, ihahanda ko yung contract." nakangiti kong sabi dito.
"Opo ma'am salamat po." sagot nito at nagpaalam na ulit bago tuluyang umalis.
Matapos umalis at ng masiguradong lock na lahat ay chineck ko muna ang anak ko, at pumasok na ako sa kwarto ko.
Naligo muna ako dahil hindi ako nakaligo kanina nag-bihis lang ako, matapos kong patuyuin ang buhok ko ay chineck ko na din muna ang monitor sa kwarto ng anak ko.
Upang masigurado na okay ito sa pag-tulog o komportable ito, bago ako humiga at natulog ng payapa.