Chapter One

1021 Words
Maaga akong nagising upang maghanda, halos hindi pa sumisilip ang liwanag ay gising na ako. Nagpunta ako ng kusina at nag luto ng agahan, simpleng hotdog, egg, at ham lang ang niluto ko, naglagay din ako ng tinapay sa lamesa. Matapos noon ay tinakpan ko lang ang mga pagkain, at pumasok sa kwarto ko upang maligo. Nag suot lamang ako ng simpleng damit, naglagay ng kunting make-up at nag sapatos. Pagkatapos ko ay pumasok ako sa tabi ng room ko, upang gisingin ang taong natutulog dito. "Hey baby wake up, you need to get up na para kumain ng breakfast, diba sabi mo gusto mong salubungin yung babysitter mo?" malambing kong panggigising sa anak ko. "Okay mommy. I'm awake na!" inaantok pa nitong sabi at bumangon ng dahan-dahan. Hinalikan ko ito sa pisnge at tumayo upang pumunta sa damitan niya, nag hanap lang ako ng damit na presko para sakanya. "Get-up na you need to take a shower before ako umalis." mahinhin kong sabi sa anak ko. Tumayo ito at lumapit sa akin, inalalayan ko naman ito upang pumunta sa banyo at pinaliguan. Matapos noon ay kumain na kami ng agahan, maya-maya lang ay dumating din ang magbabantay sa anak ko habang wala ako. "I need to go na darling, take care okay? I love you." sabi ko dito at hinalikan sa magkabilang pisnge. "Take care din mommy. I love you too." malambing na sabi nito at hinalikan din ako sa pisnge at niyakap, nagbilin lang ako ng kunti at umalis na. Interview ko ngayon sa isa sa mga malaking kompanya dito sa Pilipinas, nagbabakasakali akong matanggap. Simula kasi noong narape at nabuntis ako ay hindi na ako binibigyan ng pera ng parents ko, yung kuya ko lang ang nagbigay at nagpa-aral sa akin. Matapos noon ay naghanap din ako ng trabaho, upang mabuhay ko ang anak ko. Salamat naman at napalaki ko ng maayos ang anak ko, ng walang tulong ni mom at dad pati na si kuya. Mahaba ang pili ng makadating ako sa floor kung saan gaganapin ang interview, at taimtim na nagdadasal na sana ay makuha ko ang posisyon bilang sekretarya ng C.E.O dito. Halos dalawang oras ang lumipas bago natawag ang pangalan ko, madami ang tinanong pero sa awa naman ng maykapal nasagot ko lahat. Kokontakin nalang daw nila kami kung isa sa amin ang mapipili, ng sinabing pwede na kami umuwi ay nagmadali akong tumayo upang makauwi na agad. Sa bahay na ako kakain upang makasabay ko ang anak ko, hanggang maaari kasi ay gusto kong lagi kaming mag-sabay sa pagkain. Mabilis lumaki ang mga bata ngayon, gusto kong sulitin habang maliit pa siya at hindi pa niya kayang umalis sa puder ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang taong nasa harapan ko, huli na ang pag-iwas ko at nagkabanggaan na kami. "Ouch! Oh my gosh! I'm sorry nag mamadali kasi ako need kong maabutan yung anak ko!" nag mamadali kong paliwanag sa babaeng nakabunggoan ko. "Ahh! Okay lang sorry hindi din kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, kaya tayo nagkabanggaan." mahinhin ang boses nitong paliwanag. "I'm sorry again. Kailangan ko ng umalis sorry!" sabi ko dito yumuko ako ng isang beses bago nagmadaling umalis. Naghanap ako ng taxi at hindi naman ako nahirapan, naka-para naman agad ako at nagpahatid sa apartment na tinitirhan namin ng anak ko. Nang maka-dating sa harap ng bahay namin ay nagmadali akong pumasok sa loob, at naabutan kong nanunuod ng tv ang anak ko at busy naman sa pag luluto ang baby sitter, para at sa kakainin nilang dalawa. "Hi baby. I'm home!" bungad ko sa anak ko at agad naman itong tumingin sa akin pati na yung baby sitter. "Mommy!" malaki ang ngiti ng anak ko habang tumatakbo papalapit sa akin, at agad akong niyakap at hinalikan sa magkabilang pisnge. "I miss you mommy!" magiliw nitong sabi. "I miss you too baby." sagot ko dito. "Let go muna nuod na ka ulit doon, magshoshower lang si mommy then babalik ako sa para kumain na tayo okay?" sabi ko sa anak ko. "Okay mommy." sagot nito sabay takbo pabalik sa pwesto nito kanina. Naligo naman ako kaagad , matapos maligo ay lumabas na ako at tinulungan ang babysitter na mag set-up ng lamesa. Hindi din nag-tagal ay nag simula na din kaming kumain, pinasabay ko na sa akin yung babysitter para naman hindi gutom habang papauwi. Madilim na ng makauwi ang babysitter ng makauwi ay nag-linis muna ako ng mga kalat, matapos noon ay pinagpahinga ko muna ang anak ko at nilinisan upang makatulog na ito. Binasahan ko muna ng story ang anak ko, hindi kasi siya nakakatulog hanggat hindi ko binabasahan. Matapos kong basahin ang unang kwento ay nakita kong nakatulog na agad ang anak ko, mukhang napagod kakalaro nila ng babysitter niya. Magaling naman sa trabaho ang babae at mabait sa anak ko, wala kang masasabi kaya siya ang pinili ko. Kung pwede lang na stay-in nalang siya matutuwa ako at ang anak ko, pero kaya siya nag tatrabaho bilang babysitter ay dahil kailangan niya para sa pag-aaral niya. Maingat akong lumabas sa kwarto ng anak ko upang hindi ito magising, magwawala kasi ito pag hindi umabot sa tamang oras ang tulog nito at ayaw kong mangyare iyon. Medyo mahirap itong pakalmahin, hindi ko alam kong kanino nagmana ang batang ito. Tumingin muna ako sa kusina upang makita ang mga kailangan kong bilhin bukas, maggrogrocery kami ng anak ko bonding na din namin iyon. Matapos mailista lahat ng kailangang bilhin ay dinikit ko lang ito sa ref at pumasok na sa kwarto ko, nagdasal na sana ay makuha ako sa inapplayan kong trabaho upang may dagdag pera ako para sa mga pangangailangan ng anak ko. Hindi naman maluho ang anak ko, pero kailangan ko ding mag-ipon baka magkaroon ng emergency ayokong umasa sa magulang ko na tinakwil ako. Matapos mag-dasal ay nahiga na ako at pinatay ang mga ilaw, bukas ang ipapasyal ko din si Nate mag bobonding kaming mag-ina. Matapos kong gawin lahat ay pumikit na akong may ngiti sa labi, sa isiping maipapasyal ko ang anak ko at tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD