“KENDRA!” TAWAG NIYA nang akmang tatalikuran nito ang kasamang lalaki. May tinuturo si Kendra na stall kanina mula doon. At ‘yon yata ang pupuntahan niya.
Kita niya rin ang pag-awang ng labi ni Kendra sabay linga sa paligid.
Sino bang hinahanap nito? Ang pinsan niya? Si Blake?
Napatingin na naman siya sa pamilyar na lalaking iyon na nakatingin na din sa kan’ya. Ang tagal niyang mahanap ito sa isip. Hindi niya talaga maalala kung saan ito nakita. Pero pamilyar siya! Pero sa mukha nitong parang gulat, parang magkakilala sila.
Inihakbang niya ng mabilis ang mga paa papalapit pa sa mga ito. Hindi na makatingin sa kan’ya ang lalaki.
“D-Doc N-Nikki,” anas ni Kendra ng makalapit siya. “Kumusta? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito sabay sulyap kay Sebastian
“W-we're on a medical mission here. I mean in Ocampo,” aniya at pinakatitigan na ang lalaki. Ayaw talagang tumingin nito sa kan’ya.
“Kuya Sebastian, gusto daw po ni Aste ng french fries, ibibili ko lang po.” Napatingin siya sa lalaking papalapit sa kanila. Gusto lang niyang siguraduhin ang pangalang narinig mula dito. Nang makitang papalapit nga ang mga ito sa gawi nila ay binalikan niya ang lalaking nakahawak na sa noo.
Ilang sandali lang ay tumango si Sebastian sa lalaki, na kaagad namang tumalima para bumili.
Legit? Si Sebastian ang kaharap niya? Holy moly! Kaya naman pala hindi niya makita-kita si Sebastian dahil ibang Sebastian ang nasa isip niya. Si Sebastian na laging nakasalamin. Si Sebastian na mahinhin kung kumilos minsan. At si Sebastian na madalas naka butones hanggang leeg ang polo? Pero ang Sebastian na kaharap niya ngayon? Hinagod niya ang kabuohan nito—Hoy! Pang-ulam! Puwede ring pang-kape!
Lalo yata siyang nagutom sa nakikitang tanawin. Ang balikat nito na lumapad na. Ang dibdib nito na parang pandesal sa paningin niya. Kahit pa na may suot ito Parang gusto niya tuloy sumigaw ng kape ng mga sandaling iyon.
Akmang magbababa siya ng tingin sa baba nito nang tumikhim na ito ng malakas dahilan para bumalik siya sa kamalayan.
Hindi niya maiwasang mapalunok nang makita ang kakaibang titig nito sa kan’ya. Bahagya ding kumibot ang labi niya. Iba rin ang nababanaag niya sa mga mata nito. Galit?
“Sebastian Paul Madrid?” tanong niya sa lalaking kaharap.
Akmang magsasalita ito nang mapansin ang isa pang babaeng papalapit sa kanila. Galing ito ng banyo ng mga sandaling iyon.
“Oh my G!”
Si Diane! What a coincidence!
Bumaling siya kay Kendra na ngayo’y nakangiti na.
“Pinsan ko, si Diane.” Si Kendra
“We’re friends,” masayang sabi niya at humarap kay Diane na malapit na.
“I see,” dinig niyang sambit ni Kendra.
Hindi niya alam na magpinsan ang dalawa. Sa ZL Lounge niya nakilala si Diane nang magtrabaho ito doon. Hindi rin kasi nila napag-usapan ang ibang bagay noon.
Niyakap niya ang kaibigan nang makalapit ito sa kanila. Masaya rin itong nakita siya at nagulat din siya nang sabihin niyang magkakilala rin sila ni Kendra at Sebastian. Natigilan pa ito nang tumingin siya kay Sebastian ng mukha. Napatakip din siya ng mukha dahil doon. Mukhang naalala na nitong si Sebastian ang gusto niyang makausap noon sa Spotlight nang minsang magpasama siya rito. Humingi pa ito ng pasensya sa kan’ya. Pero hindi mawala sa isip niya si Sebastian at Kendra.
Sila? At anong ginagawa ng mga ito dito? Family date? Hindi niya tuloy maiwasang tanungin ang mga ito na mabilis namang itinanggi ni Kendra. Hindi niya maiwasang magbunyi ng mga sandaling iyon. May narinig siyang chismis noon kay Kednra, hindi lang niya malaman kung totoo. Hindi rin niya alam na si Sebastian yata ang tinutukoy nila Blake. Akala niya ibang tao.
So, may chance pa kami ni Sebastian kung sakali? Hoy! Kinikilig ako! —- Hindi niya maiwasang magwala sa isip. Hindi niya namalayang nakangiti siya ng mga sandaling iyon.
Nang maalala si Blake, binanggit niya iyon kay Kendra na ikinatigil nito. Lumiit din ang mata ni Sebastian na parang inaabangan pa ang susunod niyang sasabihin matapos banggitin niyang hinahanap ito ng pinsan niya.
“Ouch! Sebastian, ano ba!” aniya nang higitin nito siya bigla at inilayo sa dalawa.
Hindi siya nito narinig. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad papuntang comfort room. Sunuod-sunuran lang siya ng mga sandaling iyon. Huminto sila sa panglalaking comfort room kapagkuwan. Hindi niya maiwasang mapalingon.
Napalingon din siya nang lumingon si Sebastian at may sinenyesan. Saka lang niya napagtantong may mga kasama ito. Dalawang lalaking matipuno rin. Pero siyempre, mas lamang si Sebastian.
“A-anong ginawa nila?” aniya kay Sebastian nang makitang lumabas ang ilang kalalakihang takot na takot. ‘Ang iba doon na sa pintuan nagsara ng mga zipper. Meron ding nanginginig.
“Gan’yan mangyayari sa ‘yo kapag binanggit mo pa si Blake kay Kendra,” bulong ni Sebastian.
Nakaramdam siya ng takot sa boses nito pero alam niyang hindi kayang gawin iyon ni Sebastian sa ka’ya. Hello, dati siyang mahal nito!
Mayamaya lang ay lumabas na ang dalawang lalaki sabay yuko kay Sebastian.
Napapitlag siya nang muli siyang hilahin ni Sebastian papasok. Binitawan siya na pabalya na muntikan na niyang ikatumba.
“Aray ko, ha! Grabe ka!” aniya nang harapin ito. Tiningnan niya ito ng masama pero hindi man lang natinag sa tingin niya. Bagkos sinagit siya ng tingin nitong nakakatakot.
“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako dito?” anito nang hawakan nito nang mahigpit nitong hawakan ang braso niya.
“Kanina ka pa, Sebastian! Nakakasakit ka na!” inis na sabi niya nang diinan nito lalo ang kamay nito sa braso niya.
Kung gaano ka-gentleman noon si Sebastian, ganito naman siya kabastos. Puwes mas bastos din ang bunganga niya!
“Isa pang diin ng kamay mo Sebastian. Pagsisisihan mo,” banta niya rito at sinalubong ang mga tingin nito.
“Sagutin mo kasi ako kung anong ginagawa mo dito.” hindi nga nito diniinan ang kamay, salita naman nito ang diniinan sabay lapit ng mukha nito sa kan’ya. At talagang gigil sa tanong nitong hindi masagot dahil misyon naman ang pakay niya rito.
“Narinig mo naman ang sinabi ko kanina kay Kendra. Narito ako para sa medical mission namin. Okay na ba? Nasagot ko na ba, honey?” nang-aasar niyang sabi.
“I don’t believe you! Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagawa mo? ‘Wag mo ak—”
“So, matagal mo ng alam na hinahanap kita? And yet, nagbulag-bulagan ka at nagbingi-bingihan ka? How sad. Ouch,” kunawa’y nalungkot siya. Pero ngumiti rin siya dito kapagkuwan nang maalala ang sianbi nito.
“Ano nga ulit ang sinabi mo? Alam mo ang mga pinaggagawa ko? How sweet, honey. Hindi ko akalaing concerned ka pa rin sa akin. Matagal na pala akong may angel sa tabi. Akala ko iniiwasan mo talaga ako. ‘Yon pala, nasa paligid lang pala kita, binabakuran ako. Kaya wala bang nanliligaw sa akin kasi gusto mo pa ako?” tanong niya dito sabay kiliti. “Oh my God! Kinikilig tuloy ako, Sebastian!”
“Your hand!” anito nang magbaba ng tingin sa kamay niyang nakadiin sa gilid ng tiyan nito.
Napababa siya ng tingin sa kamay niya. “Anong gagawin ko sa kamay ko? Mali ba ang hinahawak ko? Saan ba dapat?” Akmang ibaba niya ang kaliwang kamay nang pigilan nito. Nabitawan nito ang kanang braso niya kaya ‘yong parteng iyon ang ginamit niya para hawakan ang nasa pagitan ng hita nito.
“Damn!” anito sabay tingin sa kamay niyang hawak na ang bumubukol na parteng iyon.
“Galit?” aniyang natatawa. Umaalog pa ang balikat niya ng mga sandaling iyon. Paano, gumalaw pa. Parang gustong kumawala na.
Hindi siya nito sinagot, bagkos, marahas na isinandal siya nito sa tiled wall ng banyong iyon. Napasinghap siya bigla nang dakmain nito ang nasa pagitan din ng hita niya.
“Ito ba ang gusto mo? Huh?” Sabay lipat ng kamay sa ilalim ng dress niya. Napapikit pa siya ng maramdaman ang mainit nito kamay. Medyo magaspang ang pero walang kaso sa kan’ya dahil mas lamang ang init na hatid nito.
Napahawak siya sa braso nito nang ikiskis niya ang daliri sa labas ng underwear.
“S-stop it, Sebastian,” aniya rito. Nakaawang na ang labi niya. Parang gusto niyang umungol ng mga sandaling iyon pero dinaan na lang niya sa lunok. Public place ‘tong kinaroroonan nila. Baka ma-eskkandalo pa siya sa ginagawa ni Sebastian sa kan’ya ngayon.
“What? Ang lakas na ng loob mong hawakan ang bestfriend ko, tapos sasabihin mong tumigil ako? That’s bullshit, Nikki. I’m not your honey anymore!” matigas na bulong nito sa kan’ya sabay dila earlobe. Kasabay din niyon ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng underwear niya.
“Ohhh, good God!” wala sa sariling ungol niya.
“I hate moaning, Nikks. Pero kung gusto mo pagpiyestahan sa labas. Sige. Moan, as loud as you can. Hindi kita pipigilan,” bulong ulit niya sabay laro sa sensitibong parte niya. Napahigpit ang hawak niya sa braso nito para kumuha ng suporta. Napaliyad pa siya ng mga sandaling iyon na ikinatitig nito. Umawang din ang labi nito habang nakatitig sa kan’ya.
Napatakip siya ng bibig para pigilan ang ungol nang bilisan nito ang paglaro sa kuntil niya. Tinudyo pa ng gitnang daliri nito ang bukana niya. Hindi niya maiwasang mapayuko sabay subsob ng noo sa matigas na dibdib ni Sebastian.
Kasabay ng pagpasok ng daliri ni Sebastian sa bukana niya ang pagtaas-baba ng matigas na dibdib nito. Sumasabay doon ang ulo niyang nakasubsob.
“Ohhh, s-stop. Sebastian— Ohhh!” ungol niya sa mahinang lang nang pigilan sana ito dahil ramdam na niya ang sobrang pagkabasa ng panty niya dahil sa ginawa nito. Wala siyang pamalit ng panty, uy!
Muli niyang tinakpan ang bibig para hindi kumawala ang ungol. Pero gusto ng isigaw ng bibig niya ang salitang, faster na laging nababasa niya sa mga libro at napapanood.
Sa totoo lang, wala siyang karanasan pero dinaig pa niya ang may jowa sa mga nalalaman pagdating sa s*x. Kahit ang mga positions. OB-Gyne siya, kaya hindi siya inosente. Para alam niya rin kung paano makipag-usap sa mga pasyente. Ang kulang lang sa kan’ya, applicatiion!
Hindi niya maiwasang mapaungol sa isip ng malakas ng sunod-sunod ang apgbayo ng daliri ni Sebastian sa loob niya. Parang tantiyado nito kung kailan siya maaring labasan.
Lalo siyang napasubosob kay Sebastian nang maramdaman ang pagsabog ng orgasmo niya. Alam niyang naramdaman nito dahil para siyang nanghina. Bahagya siyang nakiliti nang hugutin nito ang daliri, nasagi din ng isang daliri nito ang pinakasensitibong parte niya.
“Sa susunod, ‘wag mo akong hinahamon. Nikki,” seryosong sabi nito.
Napasandal siya sa pader na hingal na hingal habang nakasunod ng tingin dito.
Naghugas si Sebastian ng kamay kapagkuwan at nagpunas ng tissue saka walang sabi-sabing iniwan siya sa banyong iyon.