BIGLANG NAIBUGA NI Sebastian ang iniinom na kape nang pumasok ang isang pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki, pero ang mukha, parang sinuntok lang dahil sa namimulang blush on nito sa pisngi.
"F*ck! What the hell is happening to you, Kipper?" kunot noong tanong niya dito.
"I'm heading out on a mission, boss. Maganda ba? Bagay?" nakangiting tanong nito sa kan’ya habang rumarampa sa harapan niya.
Nasapo niya ang ulo niya. Oo nga pala. Si Kipper nga pala ang isa sa napiling magdi-disguise na babae para sa bagong mission nila. Kulang sila sa babae, so he had to pull out from those hunky men in the organization.
Muli niyang tiningnan ito.
God, nakadalawang balik pa talaga si Kipper sa harapan niya na ikinainis niya lalo. Ang sarap sipain. Talagang hinawakan pa nito ang dibdib gamit ang magkabilaang kamay nang lumapit sa kan’ya.
"Hell, yeah.” At akmang ilalapit pa nito ang sarili sa kan’ya nang kunin niya sa ilalim ng kinauupuan niya ang isang baril sabay kasa at tutok dito.
“You choose, going to hell or going on a mission?”
“Ito naman si boss, hindi na mabiro. Of course, I will choose the latter.” Sabay talikod sa kan’ya at nagmartsa na parang lalaki na.
Naiiling na ipinatong niya ang revolver na hawak sa mesa at sumandal sa upuan. Ngumiti pa si Kipper bago tuluyang isinara ang pintuan ng opisina niya.
Isa lamang si Kipper sa malalapit sa kan’ya na kaya siyang asarin ng ganoon. Pero napakapropesyonal naman kapag nasa labas kami.
Napatingin siya pintuan muli nang bumukas iyon.
At pumasok na nga ang isa rin sa mga malalapit sa kan’ya. Si Axel Kim.
“Ba’t di mo na lang kasi kausapin si Nikki. Malapit ko na siyang sagutin, panay ang akyat ng ligaw sa akin, e,” aniyang natatawa sabay hawak sa revolver niya.
“Gawin mo kung ano ang ikasisiya mo.” Kinuha niya ang hawak nito at ibinalik sa dating ayos. Binukasan kasi nito para tingnan siguro kung may bala.
“You sure?”
“Yes! At kung wala kang ibang magandang sasabihin, lumabas ka na dahil baka makalimutan kong kaibigan kita. Get out!” Sabay kasa ng baril at tutok dito.
“Sabi ko nga titigil na ako.” Natatawang itinaas nito ang kamay sabay peace sign.
PABAGSAK NA INIHIGA ni Nikki ang katawan sa kama niya. Ang bigat-bigat ng katawan niya, sa totoo lang. Paano, isinubsob niya ang sarili sa trabaho nitong mga nakaraan dahil sa stress niya kay Sebastian.
Yes, kay Sebastian pa rin. Wala ng iba! Ba’t kasi ang hirap kalimutan ng kasalanan niya dito? Kung ibang tao lang si Sebastian, nunca niyang hihintayin ang kapatawaran nito. Hindi niya kayang mag-move on hangga’t may sama pa rin ito ng loob sa kan’ya. Sana pala, hindi na siya nagbitiw ng salita sa puntod ng ina nito, na hindi siya magmo-move on hangga’t hindi sila nagkausap ni Sebastian. Limang taon na! Paano kung umabot na siya sa 40 at hindi pa rin siya kinakausap ni Sebastian? Ano? Magpapakatandang dalaga pa rin siya? No way! Kaya dapat niyang makausap si Sebastian! Pero sayang ang magandang lahi niya kung hindi siya mag-aasawa! Sana kausapin na siya nito. Kahit dalawang minuto lang sana! Pero kulang pala. Dapat mga sampung minuto ng oras niya. Ganoon ba kaginto ang oras nito? Pero kung ayaw niya talaga, e ‘di move on na lang. Nagpasama na siya sa kaibigang si Diane nitong huli pero wala rin silang naabutan sa Spotligh. Napakagaling talaga niya magtago.
Akmang pipikit niya ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng telepono niya. Si Maze ‘yon. Boses kasi ni Maze ang sinet niyang ringing tone para dito.
Nagpatuloy sa pagtunog ang telepono niya kaya kinuha niya iyon. Saktong pag-abot niya sa telepono ang pagtapos ng ring.
Tiningnan na lang niya ang mensahe nito.
Kaya pala kinukulit siya nito dahil nasa ZL Lounge siya at nakita nga raw nito si Doc Jake kasama ang mga kaibigan nito. Si Jake ang tintukoy niyang napupusuan niya sa opisina. Ang cold kasi nito sa kan’ya. Gandang-ganda ang mga kasamahan nila sa kan’ya, pero ito naman, pangit na pangit sa kan’ya. At doon iyon nagsimula. Doon nito nakuha ang atensyon niya. Malapit na nga niyang pasukin ito sa ipisina nito, e. Pero siyempre, dapat makausap niya muna si Sebastian bago manlandi ng iba!
Kahit gustong-gusto niyang pumunta ng ZL Lounge, hindi umayon ang puso niya at isip. Tanging katawang lupa lang niya ang may gusto.
Kahit pagod siya sa trabaho, nagagawa niya pa ring puntahan ang Spotlight makausap lang si Sebastian. Naging routine na nga niya ito pag-out ng trabaho or free time niya, and now she’s been chasing Sebastian for three years. Yes, tatlong taon muli ang nakalipas, at hanggang ngayon walang Sebastian siyang nakikita. Ni hindi na nga niya alam kung ano na ang itsura nito. Wala man lang may nagsabi sa kan’ya kahit ang dalawang pinsan niya, na nakakasama nito minsan. Talagang ayaw nitong magpakita sa kan’ya.
Enough na para sa kan’ya ang kahihintay sa presensya ni Sebastian. Oras na siguro para i-let go siya. Ilang beses na niyang naiusal ito sa puntod ng ina nito na kung ayaw pa rin ng anak nitong makipagkita sa kan’ya, then goodbye na. Pagod na siya kakahintay sa taong ayaw naman magpakita. Mabuti pa nga yata ang multo, nagpaparamdam.
“Ingat po kayo, Ma’am.” Napatingin siya kay Juniper nang marinig ang boses nito.
Inilinga niya ang paningin. Nagsitayuan na ang mga nakaupo sa bench ng departure area. Isa lang ang ibig sabihin, kailangan na nilang sumakay ng eroplano. Papuntang Naga City ang sasakyan niyang eroplano. Parte iyon ng Bicol region. Naimbitahan siya ni Jake na sumama sa medical mission. Yes, si Doctor Jake De Dios, ang handsome hunk at cold doctor ng Chavez Medical Center. Ang pinagnanasaan niya hanggang ngayon. At sa wakas, napansin na siya nito, at ito ang unang mission niya kasama ito.
“Ikaw na ang bahala sa opisina, Juni. Call me if kapag may problem, maliit man o malaki, knowing all my clients.”
“Yes, Doc!”
Ngumiti siya dito at hinila na ang maleta. Sumunod siya sa mga taong sasakay din ng mga sandaling iyon.
Mahigit isang oras ang itinagal nila sa ere. Pagdating sa airport ng Naga ay sinundo siya ng van papunta sa hotel na inuukopa ng kanilang team. Tatlumpong minuto naman ang ibiniyahe nila mula airport hanggang Ocampo, kung saan isasagawa ang misyon nila. Saktong alas onse ng umaga siya nakarating sa hotel. Ang aga niya— no nila. Bukas pa naman talaga ang simula. Dalawang araw sila dito ayon kay Jake.
“Anong room si Doc Jake?” aniya sa nakasalubong na kasamahan.
“Room 202. But he’s out with someone. Sa Naga yata ang punta may bibilhin.”
“Oh,” aniyang parang nadismaya.
Sino kaya ang kasama ni Jake? Yayayain niya sanang mag-lunch sa labas. Gutom na gutom na siya. Nakita na niya ang pagkaing ipinadala sa kan’ya. Hindi siya maarte, sadyang hindi lang siya sanay kumain ng heavy lunch. Pancake is enough. Pizza puwede rin. Nabubusog na siya doon.
Malungkot na iginiya niya ang sarili pabalik ng silid.
Hindi pa man umiinit ang likod niya sa kama nang may naisip. Mabilis na bumangon siya at naghanap ng maisusuot. Pupunta rin rin siya ng Naga. Alam niyang sa mall lang naman ang punta nila Jake kung sakali. Well, hahanapin niya ito at aalamin kung sino ang kasama.
“Hi, Ninang Jane!”
“Oh, hi, pretty! How was the flight?" ani ni Doc Jane na kaibigan ng ina niya at godmother niya. Isa itong attending physician ng kanilang ospital at ang may hawak ng misyon ngayon dito sa Ocampo.
“I’m good. ‘Nang. Hindi naman ganoon kalayo kasi.”
“Sabagay.” Sinipat nito ang kabuuhan niya. “Are you going on a date in that outfit? So gorgeous!” Ito ang pangawala ang mahilig sa pumurisa kan’ya. Kahit ano yata ang suot niya, pinapansin nito.
“Thank you, Ninang. The best ka talaga. Anyway, punta lang po ako ng Naga. May nakalimutan lang kasi akong bilhin.”
“Okay. Take care! Lagot ako sa Mommy nito!” Ngumiti siya dito at nag-goodbye kiss dito.
“I will, ‘Nang! Bye!”
Mabilis na iginiya ang sarili palabas ng hotel. Naghihintay na roon ang sasakyang maghahatid sa kan’ya, na dala rin ng team nila.
Inabot sila ng traffic kaya mahigit isang oras ang naging biyahe nila. Sa tapat ng malaking mall siya mismo nagpahatid. Nakaramdam siya muli ng gutom nang makita ang logo ng pancake house.
“s**t!” mura niya. Tumunog na kasi ang tiyan niya.
Lakad takbo na ang ginawa niya makapasok lang ng entrance. Kaagad na hinanap niya sa malaking screen sa bungad ang mapang kinaroroonan ng pancake house na nakita. Kagaad na sumakay siya sa escalator nang malaman ang floor na kinaroonan nito.
Napatigil siya paghakbang nang makarating sa tapat ng isang kainan. Sa unahan noon, may hallway na papunta sa banyo. Pero ang ikinatigil niya talaga ay ang pamilyar na babaeng may kasamang lalaki, na hindi niya mahinuha kung saan niya ito nakita…