ILANG BESES NA pinaikot ni Nikki ang swivel chair niya sabay pukpok ng ulo niya gamit ang mga kamay. Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa public CR na iyon sa Naga City! Dalawang linggo na niyang iniimagine ang nangyaring kababalaghang iyon na sa CR. Dalawang linggo na rin siyang stress kakaisip kay Sebastian!
“Ma’am, si Doc Jake po, nasa labas hinhintay po kayo.” Tumango siya sa sekretarya niya tumayo na.
Hindi niya alam ang trip ngayon ni Jake, pero pumayag siyang sunduin nito sa clinic niya nang araw na ‘yon. Wala siya sa mood mag-ala detective ngayon. Ayaw niya muna alamin dahil ilang araw na siyang stress sa pag-iisip. Mukhang kailangan niya ng hustisya kung bakit siya ganito.
Kailangan na ba niyang kausapin ulit si Sebastian?
May kung pakiramdam na naman siyang naramdaman ng mga sandaling iyon.
“Thank you,” aniya sa binata nang pagbuksan siya ng sasakyan ni Jake.
“Welcome,” nakangiting tugon naman nito. Ngumiti pa ito sa kan’ya ng matamis kapagkuwan pero hindi siya gumanti.
Nagsusuot siya ng seatbealt nang magsalita ulit si Jake, “Busy ka ba mamaya? My dinner ang—”
“Sorry, Jake, pero may appointment ako mamayang gabi.” Wala naman sana, pero baka magkakaroon pa lang. Inadvance na niya ang isip niya.
Hindi niya maiwasang ikompara si Jake kay Sebastian nang mapatitig kay Jake habang nasa biyahe sila. Parang gusto niyang sabihin, Ah, siya na ‘yong gusto ko? Parang ‘di naman pala siya masyadong attracted kay Jake. Yeah, hunk kung hunk ang pag-uusapan. Pero ‘yong lalaking magpapa-vibrate at bumuhay laman niya? Parang ‘di niya ito naramdaman kay Jake. Hindi kaya dahil sa tatlong taon nilang pagsasama sa ospital? Kaya siguro parang hindi siya ganoon ka-excited na makita ito. Unlike kay Sebastian ngayon na pigil na pigil siya.
Wala naman na silang pinag-usapan ni Jake hanggang nakarating ng ospital. Ngumiti siya sa bawat madadaanan nilang staff at mga doctor. Napatinginsiya kay Jake nang huminto ito. Tiningnan niya ang gawi ng tinitingnan nito. Bahgyang kumunot ang noo niya nang makita sila Doc Montejo at mga kasamahang OB din. Hindi mapunit ang tingin ni Jake kaya siniko niya ito.
“Sino bang tinitingnan mo diyan?”
“W-wala. Let’s go,” yakag nito.
Napatingin sa kanila ang mga ito kaya nginitian niya. Si Jake ang layo na ng nilakad. Mukhang may kakaiba kay Jake at sa grupong iyon. Hindi kaya, naroon ang isa sa napupusan niya? Tapos kaya lang siya nito sinundo para pagselosin kung sino man ang babae na ‘yon? Tiningnan niya si Jake na paliko na.
Akala siguro ni Jake mapapaniwala siya nito sa mga actions nito. Ginamit pa siya kung ganoon!
INIS na naupo na lang si Nikki sa couch niya pagdating sa opisina. Mamaya pa naman ang board meeting nila. Isa pa, wala siyang pasyente ngayon. Bukas pa ang dagsa.
Ilang sandali pa siyang naupo bago iginiya ang sarili sa silid pahingahan niya. Parang gusto niyang matulog muna bago ang board meeting. Dapat Mommy niya ang aattend kaso hindi pa yata nakakarating from Baguio.
“Oh my God!” biglang naibulas niya nang mabungaran ang lalaking prenteng nakaupo sa kama niya. At halatang hinihintay nga siya. “P-paano ka nakapasok dito?”
“I have my ways, Nikks. Busy?” seryosong tanong ni Sebastian.
“Yeah. May meeting ako ng 3pm—”
“Cancel all of your meetings today; I need your helping hand.”
“Seriously? Wow. Papasok ka ng basta-basta sa room ko tapos sasabihin mo lang ‘yan. Ano ka, batas? Boss ko?”
“Yes, I am your boss. For now.”
Pinaningkitan niya ito ng mata. Ipilit ba? “Ayoko.”
Pumunta siya sa kabilang side ng kama at doon na naupo. Tinanggal niya ang coat niya mayamaya at isinabit iyon saka bumalik sa kama.
Akmang sasampa na siya ng kama nang marinig ang ungol. Pamilyar ang boses ng babae kaya binalingan niya ito. Nakataas ang telepono nito paharap sa kan’ya. Napaawang siya ng labi nang mapagtantong video iyon, akala niya audio lang iyon. At ang bida ay walang iba kung hindi siya, at si Sebastian! Nakakahiya dahil mukha niya ang kita! Isang kahihiyan ito kapag lumabas sa publiko.
Tiningnan niya ito ng masama. “B-bakit maeron ka niyan, ha?”
“Sasabihin ko sa ‘yo, in exchange, sasama ka sa akin ngayon din. Her life is at stake. Hindi na ako papayag na may mawala ulit sa akin. I will delete the video in exchange for your help.”
Napatitig siya sa seryosong mukha nito. “Ganoon siya kahalaga sa ‘yo para lang blackmailin ako?”
“Yes,” deretsahang sagot nito.
Bahagyang kumirot ang dibdib niya sa sinabi nito. Masakit pala ‘pag sinampal ka nga naman ng katotohanan masakit. Tumingin siya sa telepono nito.
“Paano ako makakasigurong buburahin mo ‘yan?” Kahihiyan at mukah naman niya ang nakasalalay dito.
“May isang salita ako, Nikki. Buhay ng taong mahalaga sa akin ang nakataya dito kaya bakit ako makikipagbiruan sa ‘yo?”
May punto naman, pero sa ginawa nito, tingin niya sobrang tuso ni Sebastian. Pero sige, magtitiwala siya.
“Okay. Basta sumunod ka sa usapan natin.”
“I am not like you, kaya makakaasa ka,” anito sabay punta sa balcony ng silid niya na iyon. “May naghihintay sa ‘yo sa rooftop,” sigaw nito sa kan’ya kapagkuwan
Alam na niya ang ibig nitong sabihin. May kinalaman na naman sa nakaraan nila.
Ilang sandali lang ay may narinig siyang helicopter na lumapit sa balcony niya. Napapikit siya nang bigla na lang tumalon si Sebastian pasakay doon. Buwis buhay lang? Pagmulat niya nakasakay na doon si Sebastian at paalis na ang kinalulunan nito.
At talagang iniwan siya? Sobrang gentleman naman niya kung ganoon.
Kung wala lang hawak si Sebastian na video nila, hindi siya susunod dito. Pero natigilan siya saglit. ‘Di ba, ito naman gusto niya? Ang kausapin siya ni Sebastian? Baka maging daan pa ito para mapatawad siya nito sa kasalanan niya. Chasing Sebastian no more! Napangiti siya sa isiping iyon.
NAPAAWANG ng labi si Nikki nang lumapag sila sa helipad ng Spotlight. Ngayon lang niya napagtantong napakalawak ng sakop ng lugar na ‘yon. Pero bakit, parang hindi ganoon kalaki ang Spotlight? Anong meron sa likod?
“Dito po tayo, Ma’am,” ani ng lalaking sumalubong sa kan’ya. Sumunod siya dito kapagkuwan.
Lalong umawang ang labi niya nang makapasok sa loob.
Who would have thought na may nakatagong isang magarang establishiyemento sa lugar na ito? ‘Yong totoo, ano si Sebastian dito? CEO?
Bigla siyang napakapit sa lalaking kasama nang may nakasalubong na mga taong may dalang baril.
“What kind of place is this?” aniya sa lalaki.
“Kung ako sa inyo Ma’am. Isipin niyo na lang po na wala kayong nakita dito.” Ngumiti ito sa kan’ya.
Napaangat siya ng kilay dito. “Nasaan si Sebastian?”
“Nasa opisina niya po.”
“Dalhin mo ako sa kan’ya,”
“Ang utos po sa akin, dalhin kayo sa oeprating room.”
“Eh ‘di pagkagaling ko kay Sebastian saka mo ako dalhin doon.”
“I’m sorry, Ma’am. Si Boss po ang nasusunod dito hindi ang kung sino.”
Napa-tsked siya sa sinabi nito. “Hindi lang ako kung sino, Kuya. For your information, mahalaga ako sa boss mo. Kaya dapat, ganoon din ang trato mo sa akin.”
“Ano ka po ba ni Boss?” seryosong tanong nito.
Napalunok siya bigla. “E-ex. Ex-girlfriend,” humina tuloy ang boses niya.
Dinig niya ang mahihinang tawa nito. “Ba’t ka natatawa?” aniya rito.
“Pasens’ya na, Ma’am. Narinig ko na kasi ng ilang beses ‘yan. Gasgas na po. Pero hindi po bagay sa inyo ang maging fling lang ni Boss. Ang ganda niyo po kasi.”
Kumunot ang noo niya. “K-kanino mo naman narinig?”
“Sa mga babaeng ka-fling at bayarang babae ni Boss.”
Napatanga siya sa sinabi nito. Si Sebastian maraming babae? Mga f*ck buddy, ganoon? Parang hindi naman kapani-paniwala. Hindi ‘yan ang Sebastian na kilala niya. Hindi magawa ni Sebastian ang magpalit-palit din ng babae.
Pero natigilan na naman siya nang maalala ang nangyari sa Naga. Possible? Ganoon na si Sebastian? Bakit?
Sinalubong sila ng isang doctor pagdating sa second floor ng building na iyon.
“Doctor Nikki Chavez?” Salubong ng isang lalaking naka-gown na pang doktor.
“Yes,” tipid niyang sagot. Halata namang inaasahan na siya dito.
“Doctor Hendrix Jones,” pakilala nito sa kan’ya.
Iginiya siya nito sa isang silid mayamaya. Isang walang malay na babaeng buntis ang bumungad sa kan’ya. Walang malay ito at may tubong nakakabit dito.
Napako ang mata niya sa magandang mukha nito. Kahit may tubong nakakonekta dito, masasabi niyang biniyayaan ng magandang mukha ang babae. So, ito ang sinasabi ni Sebastian na mahalaga sa kan’ya? Ano niya ito? Asawa o girlfriend? Paano na siya ‘pag nagkataon?
“What happened to her?” Nilingon niya ang doktor. Lumapit ito sa kan’ya at ipinaliwanag ang lahat.
May tama ng baril sa bandang tagiliran ng babae at kailangang iyong matanggal. Ang kaso hindi nila magalaw dahil ibang case ito. Kailangan nila ng isang doktor na gaya niya para umalalay sa mga ito dahil sa ipinagbubuntis nito.
Napatingin siya sa pintuan nang may pumasok pang apat na doktor. Siya lang pala talaga ang hinhintay. Gusto nilang ma-tsek ng maayos ang kalagayang ng bata sa loob bago simulan ang operasyon.
Inabot niya ang surgical gown na dispossable na inabot ni Doctor Jones at isinuot iyon. Masusi niya munang sinuri ang kalagayan ng bata sa loob ng babae bago nagbigay ng signal sa mga kasamahang nakahanda na rin. Pumasok rin ang dalawang nurse para umalalay sa kanila.