Chapter 1: Mourn

1698 Words
"HON." NAPAKUYOM SI Sebastian ng kamao nang marinig ang pamilyar na boses. Parang ayaw niya itong lingunin. Pero dahil naroon ang kaibigan at ilang kamag-anak nito, na nakiramay, lumingon siya dito. Tumayo siya kapagkuwan at nilapitan ang dalaga. Yayakapin sana siya nito nang pigilan niya. Inilapit niya ang mukha sa tainga nito at may ibinulong. “Can we talk somewhere private?” May pagtatakang tumango ito sa kan’ya. Hinigit niya ang kamay nito at iginiya ito palabas. Marahil ramdam na ito ang kakaibang mode niya kaya hindi na ito umimik. Nagpatianod lang ito sa kan’ya. Wala siyang ibang makitang tahimik na lugar kaya sa huli, sa sasakyan niya na lang ito niyaya. For the last time, ipinagbukas niya ito ng pintuan ng sasakyan. May pagtataka pa rin itong tumingin sa kan’ya nang makapasok siya sa driver seat. Hindi siya tumitingin dito. Tanging sa harapan lamang siya nakatingin. Naaalala lang niya ang panloloko nito kapag nakikita ang mukha nitong maamo. Puro kasinungalingan lang ang ipinakita nito sa kan’ya. Hindi rin totoo ang lahat ng sinabi nito sa kan’ya, kaya sobrang sakit niyon. Naniwala siya. Mali, pinaniwala siya nitong mahal din siya nito sa kabila ng porma niya. Napapikit siyta kapagkuwan. Kung alam lang nitong pinababa nito ang kan’yang self-esteem. Pero dahil sa ina, kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang lagapasan ang mga nangyayaring ito sa kan’ya. “Tita's demise saddens me. I’m so sorry-” Natawa siya sa loob-loob niya. Ang lakas ng loob din nitong pumunta sa lamay gayong alam nitong niloloko lang siya nito. “Let’s cut the nonsense, Nichole Chavez. I know you’re not in love with me. So, please stop playing games with me. I-I k-know e-everything. E-everything, Nikki." hirap niyang sambit pero may kasamang gigil. "So, I’m giving you 15 minutes to mourn, since my mother cherishes you a lot. I hope, ito na ang huling pagkikita natin. I want you to get out of my life.” Pagkasabi niyon, tinulak niya ang pintuan sa gilid nito. Gusto na niyang lumabas ito ng sasakyan, tutal nasabi naman na niya. "S-Sebastian," naguguluhang sambit ni Nikki. "Get out." Mahina pa ang tinig niya rito. “I don’t get it. Ano bang sinasabi mo? ‘Wag ka namang ganito, o. Hindi porket wala na ang Mama mo, itutulak mo ako palayo. Kailangan mo ako ngayon, Sebastian. Paano ka kapag wala ako? Sino mag-aalo sa ‘yo? Sino ang magpapangiti sa ‘yo?” Hindi niya alam kung sadyang inaral na ni Nikki ang lahat ng klase ng acting, ang galing kasi. Nagkukunwari pa’ng wala itong alam sa ginagawa nito. Napakagaling din talaga. Kunwa’y iniisip pa nito ang kalagayan niya. Eh ‘di, sana naisip na nito ito noon pa! Napakuyom siya ng kamao kapagkuwan. “For God sake! It’s not about my mother, it’s about us! You know what I mean pero pinipilit mo pa rin ang sarili mong magmaang-maangan. Bravo, Nikki! Ang galing!” Ngumiti pa siya ng mapakla dito. “Seb-” "I said get out! I hate you! Ayaw na kitang makita, Nichole Chavez!" malakas na sigaw niya dito sabay hampas ng steering wheel ng sasakyan niya. Nanginginig na siya sa galit ng mga sandaling ‘yon. Tumunog pa ang busina ng sasakyan niya dahil natamaan niya. Kita niya ang panginginig ng katawan nito sa narinig bago lumabas ng sasakyan. Nilingon pa siya nito. Pero siya, mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis ng lugar niyon. Dapat pagbalik niya, wala na ito roon dahil baka ano pa ang magawa niya. Napatingin siya sa side mirror ng sasakyan niya nang makitang nagsunuran ang mga asungot niya. Napabuga siya ng marahas na buntonghininga. Patay na ang ina niya pero hindi pa rin umaalis ang mga ito. Iniisip tuloy niya kung sino ang magpasahod sa mga ito. Ni hindi niya alam kung may pera ba talaga ang ina o umaasa lang sa lalaki nito, o ‘di kaya sa ama niya. Pero hindi niya maiwasang mag-isip kung ano na ang mangyayari sa kan’ya. Paano na ang pag-aaral niya? Paano na ang kinabukasan niya? KAHIT NA MAY nakaharang pa sa bahay nila ng mga dilaw na ribbon na may nakasulat na police line do not cross, nagpumilit pa rin siyang pumasok. Mabigat sa dibdib, pero namimiss na niya ang ina niya. Agad. Hindi pa rin nagse-sync-in sa isipan niya na wala na nga ito. Sino na ang laging manenermon sa kan’ya? Napapikit siya nang makita ang ilang dugo sa may sahig. Halu-halo na ang naroon dahil ayon sa imbestigasyon, may nakitang dugo ng ina. So ibig sabihin, sa sala pa lang pinahirapan na ito bago dinala sa silid. Naninikip ang dibdib niya kapag nakikita ang sala– kung saan paboritong tambayan ng ina. Mami-miss niya ng sobra ang ina. Dumeretso siya sa taas kapagkuwan. Madilim na silid ang bumungad sa kan'ya. Hindi mapigilang kumirot ang dibdib niya nang malanghap ang feminine scent ng buong kuwarto. Amoy iyon ng ina, kaya lalo siyang nakaramdam ng lungkot. Kasabay din iyon ang panginginig ng mga kalamnan niya sa galit para sa taong gumawa niyon. Pinindot niya ang switch sa gilid para magkaroon ng ilaw sa paligid. Magulong silid pa rin ang bumungad sa kaniya. Hindi pa tapos ang mga pulis sa pag-imbestiga kaya hindi pa iyon nagagalaw, o nalilinis. Malungkot na inihakbang niya ang mga paa palapit sa kama. Naupo siya doon at dinama ang kama na may bahid pang dugo. Doon sigurado siyang purong dugo iyon ng ina. Tatlong araw na mula ng mangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa ina niya. Awang-awa siya rito nang makita ang kabuuhan nito sa stretcher nang gabing iyon. Hindi na nga niya napigilan ang sariling hindi magwala sa galit. Kung hindi lang dahil sa ina ng kaibigan, hindi siya kakalma. Hindi niya nakayang tingnan ang ina sa ganoong kalagayan. Ang ikinagagalit niya ay ang autopsy report. Dumanas ina niya ng matinding sakal, kita naman dahil ang daming bruises nito. Ang hindi rin niya masikmura ay ang katotohanang ginahasa ang kan'yang ina sa loob mismo ng kuwarto nito, sa mismong pamamahay nila! "Damn it!" hindi niya mapigilang sambitin. Nahila niya ang kumot at dahil sa pagkuyom ng kamao niya. "Kailan ko maririnig ang sagot mula sa 'yo, Sebastian?" Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig. Si Jeronimo Villegaz. Nang araw na mamatay ang ina niya, lumapit ito sa kaniya. Dati na niyang kilala ito. Hindi lang niya pinapansin dahil hindi naman niya ito ama, at bihira lang ding dumalaw sa bahay nila. Ito ang abogado at kasalukuyang ka-relasyon ng ina. Ama-amahan niya ito kung tutuusin. Mabait naman, pero totoong ama pa rin niya ang hinahanap niya. "Hindi pa po ako handa. Hindi ko nga po alam kung kaya ko bang pangatawanan ang lahat. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Tingnan niyo naman po ako kung gaano kahina. Kaya ko kaya? Kaunting bagay lang, nasasaktan na ako. Hindi ako kasing tigas ng ina ko, kagaya ng sinasabi niyo. Ang katotohanang miyembro siya ng organisasyong pumatay rin sa kan'ya, parang hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko rin po kayang harapin sila. Hindi ko ho isusugal ang sarili ko dahil alam kong wala akong laban. Sana nga nananaginip lang ako. Hindi ko kaya, e," nanghihinang saad niya. "Pero ito ang katotohanan, Sebastian. Ito ang iyong tadhana. Hindi maipapasa 'yon sa iba dahil nasa batas na ng organisasyon iyon. Walang ibang magmamana, kung hindi ikaw. Hindi naman kita iiwan, e. Naipangako ko sa ina mo na tutulungan kita sa lahat ng bagay. Kasama mo ako sa magiging laban mo. Nawalan din ako ng babaeng mahal. At gusto kong managot ang may gawa nito sa ina mo. Lintik lang na walang ganti, Sebastian!" Napabuntong-hininga siya nang marinig ang tungkol sa organisasyon. Paano naging underboss ang ina niya sa Italya? Ang daming katanungan sa isipan niya. Ang tanging alam niya sa bansang iyon ay doon siya ipinanganak. "Hindi mo ba bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina mo? Hahayaan mo na lang na ganoon ang sinapit niya? My God! Kung kaya ko lang, e 'di sana naiganti ko na siya. Ikaw lang ang may kapangyarihan, Sebastian sa ating dalawa. Isa ka sa makapangyarihang lalaki ngayon, kung alam mo lang. Walang makakatalo sa 'yo. Kaya, tanggapin mo na ang posisyon para makuha na natin ang hustisya at para matahimik na ang ina mo, nasaan man siya ngayon." Napatingin siya rito. Tama naman. Pero natatakot siya. Ano ba talaga kasi ang kapangyarihan na sinasabi ng ama-amahan niya? Kung nasa mataas na posisyon ang ina niya, bakit ito pinapatay? Gaano rin ba kalaki ang kasalanan ng ina niya para parusahan ng ganoon? Isa lang ang hindi niya makalimutan sa sinabi ni Jeronimo, na baka sangkot ang totoong ama niya sa nangyaring karumaldumal na sinapit ng ina. Talaga bang may kinalaman ang ama niya rito? Damn! Wala na ngang naitulong na maganda sa kan’ya, ganito pa ang gagawin nito? Walang kapatawaran ang ginawa nito kung ganoon! Ang daming gumugulo tuloy sa isipan niya ng mga sandaling 'yon. Wala na ang ama-amahan pero nasa loob pa rin siya ng silid ng ina. Nakatingin lang sa kawalan. Paano niya ba mabibigyan ng katarungan ang nangyari sa ina kung hindi niya tatanggapin ang posisyon na sinasabi ni Jeronimo? May punto naman ito. Kung makapangyarihan nga ang posisyong iyon, magagamit niya ito sa paghahanap ng hustisya. Siya lang din ang makakalutas sa misteryo na ito. Siya lang ang makakahanap ng totoong salarin. At kung nasa loob nga ng organisasyong iyon ang totoong pumatay sa ina niya, madali niyang mahanap. Kailangan lang niyang tanggapin ang posisyon ng buong-buo, ng walang pag-aalinlangan. At simula ngayon, dapat na niyang yakapin ang pagiging mafia underboss, ang pangalawa sa pinakamaatas na posisyon. Hindi natapos ang gabing iyon, na hindi kinausap si Jeronimo. Ang dami na pala nitong planong nailatag. Talagang sagot na lang talaga niya ang hinihintay nito. Pinakita din nito sa kan'ya ang last will of testament ng kaniyang ina. At, itinakda na rin nito ang pag-alis nila ng bansa papuntang Italy. Hindi raw puwedeng mabakante ang posisyon ng matagal, dahil kung hindi, mapipilitan ang ibang kasapi na maghalal ng papalit sa posisyong nabakante. Ipapakilala na siya nito sa ibang kasapi bilang tagapagmana ng posisyon na iniwang ng ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD