Prologue

1394 Words
"I CAN'T BELIEVE this!" Napatigil sa paghakbang si Sebastian nang marinig ang boses ng isang babae. Kilala niya ang boses na iyon. Kung hindi siya nagkakamali, kay Maze iyon, ang matalik na kaibigan ng nobyang si Nikki. May kung sinong bumulong sa kan'ya na pakinggan ang usapan ng dalawa. "You're toying him, Nikki! My God! Akala ko pa naman totoo ang mga pinapakita mo sa kan'ya! Kawawa naman ‘yong tao. For how long, huh? Damn!" "Lower your voice, Maze! Hindi na ako puwedeng umatras. Nandito na 'to. Limang buwan lang naman ang pustahan. At naka-apat na buwan na rin. Isang buwan na lang matatapos din ang lahat. Araw-araw ko na lang ipanalangin na patawarin ako ni Seb kapag nalaman niyang pinagpustahan lang namin siya..." Napahawak siya sa pader nang marinig ang boses ng nobya. No- hindi nobya! Dahil pustahan lang pala ang lahat! Wala siyang naging nobya! Tanging imahinasyon lang pala niya ang lahat! Napasabunot siya sa buhok niya kapagkuwan. Kanina pa niya ito hinahanap dahil may usapan sila. Kakain sila sa mamahaling restaurant dahil ise-celebrate nila ang kan'yang birthday. Magkasunod lang ang kaarawan niya, kaya ang suhestiyon niya ay pagsabayin na lang. Napatingin siya sa pintuan ng banyo ng unibersidad nila. Malinaw na malinaw ang narinig niya. Pustahan lang kung bakit naging nobya niya ang isa sa pinaka-magandang babae sa unibersidad nila. Kaya pala. Hindi naman pala totoo ang lahat! Palabas lang ang lahat. Malamang sa malamang apat na buwan na siyang pinagtatawanan nito at ng mga kaibigan din ni Nikki. Naikuyom niya ang kamao kapagkuwan. Kita ang pamumuti ng palad sa sobrang galit niya. Gusto niyang suntukin ang pader pero baka matunugan ni Nikki na may nakikinig sa mga ito. Dali-daling iginiya niya ang sarili paalis ng hallway ng banyo. Dere-deretso din siyang pumunta sa parking lot ng unibersidad nila. "Hey! Nagmamadali?" dinig niyang tanong ni Blake Kent sa kaniya. Dinaanan lang niya ito kasama pa ang ibang kaibigan na kakababa lang ng sasakyan ng mga ito. "Saan ang punta mo? Hindi ka ba manunood ng practice?" Si Caleb na may hawak na bola. Wala siyang sinagot ni isa man sa mga ito. Okupado ang isip niya sa mga natuklasan. Mabilis na binuksan niya ang pintuan ng sasakyanat sumakay doon. Kita niya ang pagtalon ni Axel sa labas nang hampasin niya ng malakas ang steering wheel niya, dahilan para tumunog ang busina. Napatakip din ng mukha si Dave nang biglang umibis ang sasakyan niya palabas ng parking lot. Nagsiliparan ang mga buhangin. Paglabas niya ng unibersidad, kita niya ang pagsunod ng ilang sasakyan sa kan'ya. That's normal. Gulat na gulat ang Mama niya pagkakakita sa kaniya. Napaaga ang uwi niya. Kaagad na humalik siya sa pisngi nito at dere-deretsong pumasok ng silid, at nag-lock ng pintuan. Hinubad niya ang lahat ng suot niya at pumasok ng banyo. Natigilan siya nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. Humarap siya doon at pinakatitigan ang itsura. Typical nerdy college student. Hindi, bata pa lang siya nagsasalamin na talaga. Hindi dahil nagpapaka-nerdy siya o nagpapamukhang matalino, nakasanayan na talaga niya. Maitim at malaki pa ang lens. Nakailang palit na rin siya pero sadyang black na kulay lang ang gusto niya. Sa tingin niya, dahil sa itsura niya, kaya siya ang napiling paglaruan nila Nikki. Takang-taka nga siya nang lapitan siya nito noon at nakipagmabutihan. Pero nabaliwala ang pagtatakang iyon, kasi matagal na siyang kilala nito dahil matalik na kaibigan niya ang pinsan nitong si Blake Kent. Inisip niya na baka nga totoo ang sinabi nitong matagal na rin itong may gusto sa kan'ya. Ang galing ni Nikki doon. Napaniwala siya nito ng husto. Siya naman si tangang nerd nahulog sa kasinungalingan! Hindi siya mahal ni Nikki kagaya ng sinabi nito sa kan'ya. Hindi! Hinablot niya ang salamin sa mata at dinurog iyon sa kamay sa sobrang galit. Tinapon niya iyon kapagkuwan sa basurahan at tumingin ulit sa salamin. Hindi na siya makakapayag na isahan siya nito, o ng kahit na sinuman! Wala siyang pakialam kung pinsan pa ito ng matalik na kaibigan. Kailangan maging vigilant siya. Hindi puwedeng ginaganito na lang siya! Pagkatapos maligo ay nagbihis siya. Napatingin siya sa telepono. Nakailang missed calls na si Nikki. Nauna na raw ito sa tagpuan. The nerve! Ngayon, siya naman ang tatawa. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito kapag hindi siya sumipot. "Is there anything wrong, honey?" ani ng ina nang makita siyang pababa. Bakas ang pag-aalala nito. Lumukot din ang magandang mukha nito nang mapansing wala siyang salamin. "Nothing, Ma," aniyang nilagpasan ito. Nang maalala ang mga bumubuntot sa kan'ya lagi ay nilingon niya ito. "Puwede bang iwan ko muna mga asungot dito? May pupuntahan-" "No, Sebastian! Susunod sila sa ayaw at sa gusto mo. Para sa kaligtasan mo 'yan, anak. Please? Magagalit din ang Papa mo sa akin kapag nalamang hindi ka nagsama ng bodyguards," "Bodyguards, huh? Why? Bakit ang iba kong kaibigan wala? Bakit ako lang?!" hindi niya mapigilang tanungin ulit ang Ina. Napapikit ito. "Because you're different, honey. You are..." "I am what? Allien? How does that happen, Ma? You're just a singer of that f*cking night bar! I still can't get it! Damn it! Ni hindi ko nga kilala ang totoong ama ko!" bulyaw niya sa ina. "Sebastian..." "Tell them not to follow me, Ma. Kahit ngayon lang, please! Pakiusap!" Nagmamadaling hinigit niya ang susi ng kotse sa lagayan saka lumabas na. Nakita niyang sumakay ang isang lalaki sa sasakyan din nito nang makitang palabas ang sasakyan niya. Inis na bumaba siya at hinarang ang mga ito. "Back off!" sigaw niya sa mga ito sabay paharurot ng sasakyan paalis ng subdivision. Papunta siya ngayon sa restaurant na pinag-uusapan nila ni Nikki. Papanorin niya ito kung paano ito magmumukhang tanga kakahintay sa kan'ya. Hindi naman nito malalaman dahil ibang sasakyan ang gamit niya. Napaayos siya ng upo nang makita si Nikki na pababa ng sasakyan nito. Hindi niya mapigilang mapangiti ng mapakla. Para talagang diyosa sa paningin niya ang dalaga. Ever since. Mga bata pa lang sila, he found her beautiful. Para itong diyosa na bumababa sa kalupaan. Mula sa itsura hanggang sa pananamit. Gustong-gusto niya. Hindi rin ito papatalo pagdating sa academic. Isa sa dean's listers sa department nito. Na kay Nikki na ang lahat. Pero sa lahat ng Goddess ito yata ang makasalanan. Pinaikot siya nito ng apat na buwan! Sinakyang nito ang maraming tao niyang pagkagusto dito. Siya naman si tanga naniwalang magugustuhan siya nito sa kabila ng ayos niya! Bakit Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa sasakyan. He looked familiar. Sa tingin niya isa ito sa mga bodyguard niya. "Giovanotto! Giovanotto!" anito sa kan'ya mula sa labas, na ang ibig sabihin ay young man. Alam niyang 'yon ang sinasabi nito base sa buka ng bibig nito. 'Yon kasi ang tawag ng mga ito sa kan'ya simula't sapul. "What?!" irritable niyang sabi dito nang pagbuksan. "S-si S-Signora..." anitong hindi alam ang sasabihin. Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sinabi nito. Tawag iyon ng mga ito sa ina niya. "W-what happened?" kabadong tanong niya ditono "T-Tumawag si Tommaso. M-may nangyari po kay Signora. Kailangan niyo na po'ng bumalik-" Hindi na niya pinatapos ang sinabi nito at mabilis na nag-maniobra pabalik ng bahay nila. Ngayon lang siya kinabahan ng sobra sa tanang buhay niya. Halu-halong emosyon ang kan'yang naramdaman nang makita ang maraming pulis sa bahay. May mga nakiki-usyuso din. Nanginginig na pinatay niya ang engine pagdating. Sarado ang isip niya ngayon. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano. Basta, hindi maaari! Okay lang ang Mama niya. Basta, nasa loob lang ito at naghihintay sa kan'ya. ‘Yon lang ang itinatak niya sa isipan bago lumapit ng tuluyan. "Sebastian..." Napatingin siya sa ina ni Axel na papalapit. Umiling-iling ito. Panay ang usal nito ng salitang sorry. Pakiramdam niya hinahabol siya ng mababangis na leon ng mga sandaling iyon dahil sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Nanginginig rin ang buong katawan niya. Sana hindi! Ikinuyom niya ang kamao para pigilan ang panginginig kasabay ng pagpatigas ng mga kalamnan. Pero wala din, bumigay siya nang makita ang dalawang medic na may dalang stretcher, nakalaylay ang pamilyar na dress ng taong nakahiga doon. Nakumpirma niya iyon nang biglang natanggal ang puting tabing sa kamay nito na maraming pasa. Bumulaga din doon ang pamilyar na daliri at ang singsing nito. "N-No… No!" malakas na sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD