Chapter 2: Visitor

2400 Words
"HELLO, FOLKS! MAGANDA pa ako sa umaga!" Lahat napatingin kay Nikki na nakangiti nang marinig ang boses niya. "Good morning, Doc Ganda!" halos sabay-sabay na bati ng mga staff niya sa clinic. Dito siya unang magdu-duty sa sarili niyang clinic bago sa ospital na pinagtatrabahuan talaga. Isa siyang OB-GYN sa isang sikat na ospital dito sa Pilipinas na pag-aari din ng pamilya niya. Majority ng shares sa ospital ay sa kanila, and the rest pinaghahati-hatian na ng mga investors at ng ibang doctors na nagtatrabaho din sa ospital. At ang clinic na ito? Itinayo niya para sa sarili. Hindi naman habang buhay, aasa siya sa ospital ng pamilya. Iniisip din niya ang future niya at ng magiging anak. At least, may maipagmamalaki siya sa mga magiging anak. Ang dami niyang pangarap sa buhay niya. Matamis na ngumiti siya sa mga ito bago tumuloy sa opisina niya. Sa mga ito naman galing na maganda siya, pinanindigan na lang niya. Pero hindi siya ganito sa ospital, dito lang sa clinic niya. Masyado kasing strict sa ospital nila. Kakaupo niya lang sa swivel chair niya nang pumasok si Juniper. "Ma'am, papasukin ko na po ba?" "Yes, please. Dapat tapos na ako dito ng 12pm. Napaaga ang appointment ko sa kabila. Gusto ni Ms. Paredes na mapaaga ang operasyon niya. Kaya kailangan ko pang suriin siya ng maigi kung ready na ba siya for caesarian," aniya nang mag-angat ng tingin kay Juniper, ang sekretarya niya. "Sige po, Ma'am. Oo nga po, tumawag na nga siya kani-kanina lang, ang sabi ko on the way na po kayo." Sa lahat yata ng pasyente niya, si Lyca Paredes lang ang atat na manganak. Paano, may trabaho daw naghihintay dito, 'yan ang sabi. Sa kamag-anak raw nito ihahabilin ang anak. At isa lang ang masasabi niya, magpapakasawa sa sarap tapos 'pag nabuntis, ipapaalaga sa iba. Mga takot sa responsibilidad. Sa totoo lang, hindi naman kailangang magtrabaho ni Lyca dahil mayaman naman sila. Alam niyang hindi totoo ang rason nito. Nabuntisan lang kasi ito kaya hindi nito gusto ang bata. Mga ganitong pasyente minsan inaayawan niya, e. Pinapasa niya sa ibang kasamahan. 'Di lang niya magawa dahil isa siya sa source niya pagdating kay Sebastian. Magpinsang buo kasi sila sa mother side kaya may balita ito sa kan’ya. Limang taon na mula ng umalis si Sebastian ng Pilipinas. At hanggang ngayon, hindi niya ito mahagilap, kahit sa social media, na kung tutuusing napaka-hightech na. Talagang iniiwasan siya nito, ayaw magpakita. Nagpunta na siya ng Italy pero wala rin ito doon sa lugar na itinuro ni Lyca sa kan'ya. Gusto lang naman niyang humingi ng kapatawaran dito. Hanggang ngayon, inuusig siya ng konsensya dahil sa nagawa dito. "Magandang umaga po, Doc Nikki." "Good morning din, Mrs. Del Gallego. Himala po, hindi niyo kasama si Mister?" nakangiting salubong niya dito. Inalalayan niya itong maupo sa upuang laan para sa mga pasyente niya. "Naku, abala na po sa trabaho, Doc. Kakapasok niya lang nitong nakaraang linggo." Napailing na naman siya sa sinabi nito. As in nakaraang linggo lang? Kung kailan due na ni Mrs Del Gallego sa susunod na buwan? "Buti ho nakapasok na si Mister." Kinuha ko ang stethoscope at nilapitan siya para i-tsek. Nag-angat ito ng tingin sa kan'ya. "Ay, inaway away ko, Doc. Sakto lang sa pangaganak ko ang pera ko dito. Ang iniisip ko po, 'yong mga susunod na buwan. Naku, ang hirap magkaroon ng asawang masipag!" papalatak nito na ikinatawa niya. Sa totoo lang ang mga kliyente niya rito ay mga Nanay at mga babaeng hirap sa buhay. Ilan sa mga naging kliyente niya sa malaking ospital ay dito niya dinadala kapag alam niyang hindi ganoon kaluwag sa buhay. Hindi ganoon kalaki ang singil niya dito, unlike sa Chavez Medical Center, na ginto ang serbisyo niya. "Kumusta naman ang pakiramdam? May kakaiba ba? Si Baby, kumusta siya sa loob mo? Malikot na ba masyado? Excited lang kasi sigurong lumabas. Basta sundin mo lang ang mga do’s and dont’s ko kapag sumasakit, ha?" aniyang nakangiti. "Okay naman po siya, Doc. Nagawa ko naman po ang mga bilin ko. Ayon behave siya ngayon at hindi na ganoong sumasakit. Nakikinig naman siya kapag kinakausap ko ng masuyo," "Good for you." Isa 'to sa gusto niya dito, masunurin. Unlike kay Lyca ngayon na napakatigas ng ulo. Ngumiti siya dito ng matamis mayamaya. "Higa po tayo, Misis," aniya kapagkuwan at tinuro ang higaan para sa ultrasound nito. Inalalayan niya ito mahiga dahil ang laki ng tiyan nito. Hirap na talaga kumilos dahil halos tatlumpu't limang linggo na ang tiyan nito. Akmang aabutin niya ang transducer probe nang kumatok si Juniper at sinabing nasa kabilang linya si Mace. Mabilis na nag-excuse siya sa ginang. Pinaiwan niya muna si Juniper sa loob. Ito na muna ang kukuha ng ultrasound. May monitor naman sa loob ng kwarto niya, titingnan na lang niya sa monitor habang may kausap sa phone. "Holy mother of God, Niks! Congratulations! I have good news for you! Makakabayad ka na sa mga sins mo!" bungad ni Maze na ikinalayo niya ng telepono sa tainga. Paano ang lakas masiyado ng boses, akala naman nito, bingi siya. "Wag ka ngang OA, Maze. Hindi ako makasalanang nilalang. Ano ba 'yon?" aniya sa kaibigan sabay tingin sa monitor. Makikipag-tsikahan na naman siguro ito sa kan'ya. Kung kailan nagsisimula na siya sa mga pasyente niya. "Baba mo nga, Juni. Right side. Yes, please. Good," aniya nang ilapit sa mikropono ang bibig para sabihan si Juniper sa labas. Pero nakatingin pa rin sa monitor. Nasa tainga din niya ang wireless phone nila. Saglit na inilayo niya ang telepono para pakinggang ang heartbeat ng bata. Dinig din kasi niya sa loob ng silid niya ang tunog ng heartbeat ng bata dahil konektado sa labas ang speaker niya sa loob. "Naka-duty ka na?" tanong ni Maze sa kan'ya "Hmmn. Kaya sabihin mo na ang dapat sabihin dahil ang dami kong appointment today," aniya sa kaibigan. "Sebastian Paul Madrid." Natigilan siya sa narinig nang marinig ang pangalang ng dating nobyo. "Stop, Juni. Kakausapin ko lang saglit si Maze," aniya sa sekretarya s***h assistant. "Damn, Niks! Basta si Sebastian, hinto agad. 'Yong totoo, miss mo na siya? Ayiiee, love mo na rin, no?" Napahalakhak pa si Maze sa kabilang linya. "Ang kulit mo, Maze. Alam mo naman ang rason. Wait lang." Inoff niya ang mikropono at hinarap muli ang hawak na telepono kung saan naroon pa rin si Maze. Naupo siya sa kama kapagkuwan. "What is it?" "He's back," Napaayos siya ng tayo sa narinig. Bumalik na si Sebastian? Makahingi na rin siya ng tawad dito! Maliligawan na rin niya 'yong crush niyang doktor. Si Sebastian lang talaga ang pumipigil sa kan'ya na magkaroon ulit ng nobyo. Konsensya ang pumipigil sa kan’ya. "Talaga?!" "Yes, dear. According sa source ko, siya ang may-aari ng Spotlight. ‘Yong ginanapan ng birthday ni Jake. Remember?" "Yeah, I remember. Pero sure ka dito?" "Yes, Niks. Legit. Pero hanggang dito lang ang alam ko," anito sa malungkot na tinig. "Ayos lang, Maze. Ako ng bahala. At least, alam ko kung saan siya pupuntahan. Thank you, Maze! Labyu!" Mabilis na pinatay niya ang linya. Napangiti siya habang nakatingin sa telepono. Kailangan niyang matapos agad ang appointment ngayong araw ng maaga para makapagpahinga siya bago pumunta sa Spotlight. Wala pang alas dose nang matapos siya clinic. Mabilis na iginiya niya ang sarili sa CMC. Doon na lang siya kakain ng lunch habang hinihintay si Lyca. Marami siyang itatanong dito. Siguradong may alam ito kung nasaan ngayon si Sebastian. "Papasukin kaagad si Ms. Paredes kapag dumating," bilin niya sa staff na nasa labas ng opisina niya sa CMC. SAMANTALA, MABILIS NA pinatalikod ni Sebastian ang babae at muling ibinaon ang nagagalit niyang kahabaan sa namamasa nitong kaselanan at binayo nang binayo. "Oh, yes! Sige pa, Baste! Isagad mo pa, ohhhh! Shiitt!" Inis na pinalo niya ang kaliwang umbok ng babae na ikinalingo nito sa kan’ya. Sobrang ingay kasi. Hindi na siya nakapagpigil tuloy. Tinakpan niya ang bibig ng babae para tumigil kaka-ungol gamit ang palad. Nawawala ang init at konsentrasyon niya kapag nakakarinig ng ungól ng mga ito. Ang nais lang niya, mailabas ang init ng katawan, ayon sa kagustuhan niya. Bayad sila, kaya siya ang dapat nasusunod. Nakailang sabi na siya na bawal umungol. Sadyang makulit, lalong nilakasan. Kapag ganito, hindi na ipinapadala sa kan'ya ang mga hindi sumusunod sa gusto niya. Napaangat siya ng tingin sa kisame nang maramdaman ang nagbabadyang pagsabog ng orgasmo. Sobrang sikip niya para kan’ya. Nakaapat pa siyang sagad sa kaselanán ng katalîk bago niya hinugot ang kahabaan saka pinakawalan ang katas niya sa magkabilaang umbok na pang-upo ng babae. "Ohhhh, f*ck!" ungol niya nang mailabas lahat. Pakiramdam niya naubusan siya ng lakas. Pero ang sarap sa pakiramdam. Sunod-sunod ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa hingal. Parang siyang hinahabol ng sampung kabayo. Tinulak niya ang babae kaya napadapa ito sa kama at tinalikuran niya ito para pumunta sa banyo. Hingal na hingal din ito sa ginawa nila. "Puwede bang pakipunasan ang katas mo sa likod ko?" Kunot ang noong nilingon niya ito. Ngayon lang may nag-utos sa kan'ya ng ganito, tapos sa kagaya pa niyang babae. "Clean yourself," aniya at naglakad na papasok ng banyo. Bago siya pumasok sa banyo ay dinig niya ang malulutong nitong mura. Well, sanay na siya na murahin pagkatapos niyang mailabas ang init. Wala na sa bokabularyo niya ang magpaka-gentleman sa mga babae lalo na sa mga nakakatalik. Pera lang naman ang habol nila, kaya ‘di na kailangang magpaka-gentleman. He pays, and he makes the rules. Ganoon lang ‘yon. Kung ayaw nila, ‘wag ng pumayag. Nagsimula ang pagkahilig niya sa sēx, three years ago. Naging stress reliever na niya. Hindi niya kasi makuha-kuha ang hustisyang para sa ina kaya nilibang niya ang sarili dito habang patuloy na naghahanap ng totoong salarin. Tatlong taon siyang nakikipaghamunan sa ama dahil ito lang naman ang pinaghihinalaan niyang pumatay sa ina niya. Pero bigo siyang mapatunayan. Yes, ama niya ang pinagbibintangan niya. Wala ng iba. At sa kasamaang palad, isang Mafia boss din pala ang ama niya. He was born with Mafia blood in his veins. Walang duda, dahil nakilala niya ang sarili niya nang nasa Italy siya, parehas lang sila magalit. Para nga raw itong nanalamin kapag nagkakasalubong ang landas nila. Kung gaano siya kalupit sa mga tauhan niya, mas higit pa ang ama niya. Kaya ang hirap din kalabanin. Ano lang ba posisyon niya? Underboss lang siya at hilaw pa siya sa larangan ng pakikipaglaban. Hindi rin sapat ang dalawang taong ensayo at paghahanap ng mga koneksyon sa loob ng organisasyon nila. Napatigil siya sa venetian mirror. Tumapat siya doon at pinakatitigan ang sarili habang nakapatong ang magkabilaang kamay sa counter top ng sink. Una niyang tiningnan ang mukha niya. Wala na ang dating nerd na Sebastian. Wala na ring bakas ng temple sa makabilaang gilid ng tainga niya. Limang taon na siyang hindi nagsasalamin. Kahit noong mag-aral siya sa sikat na unibersidad sa Italy, wala na ang salamin niya hanggang sa magtapos siya. Nag-iba na din ang feature ng mukha niya. Baka kaka-excercise niya o baka nag-matured na siya. Nagkaroon na rin ng laman ang muscles niya na maihahantulad sa mag modelong matipuno, na kinahuhumalingan ng mga babae. Kahit ang buhok niya na short hair noon, naging long hair na. Lagi nga lang nakapusod. At sabi ng mga kababaihan, nakakadagdag daw ng appeal. Ang dami na ngang nagbago sa kan’ya. Kaya pag may nakakakita sa kan’y na dating kakilala, nagugulat ang mga ito. Lalo na ang mga kaibigan niyang naiwan dito sa Pilipinas. Proud na iginiya niya ang sariling hubo papasok ng shower room para maglinis ng sarili. Paglabas niya ng banyo ay wala na ang babae. Wala na rin ang perang pambayad dito. Iginiya niya ang sarili papasok sa closet ng silid na iyon at nagbihis ng pambaba. Wala siyang suot na pang-itaas. Bigla siyang nagutom dahil sa session na iyon kaya naisipan niyang kumain. Kakalabas pa lang niya ng silid nang lapitan siya ni Cedric. “Boss, may babaeng makulit po sa labas at hinahanap kayo.” Napahilot siya sa sintido niya. Baka mga babaeng nakatalik niya ‘yon. Hindi kaya? “Me I see?” Hinigit niya ang hawak nitong tablet at zinoom ang video. Hindi niya maiwasang mapaawang ng labi nang mapagsino ang babaeng tinutukoy ni Cedric sa labas. Muli siyang nakaramdam ng galit sa babaeng nasa labas. Limang taon na ang nakalipas, pero masakit pa rin. Hindi kasi biro ang sugat na tinamo niya mula kay Nikki. Pero anong ginagawa niya ngayon dito? Para humingi ulit ng tawad? Natawa siya ng pagak sa naisip. Mga apat na beses na yata itong nag-attempt makipag-usap sa kan’ya noong nasa Italy pero never siyang humarap dito. Tanging tauhan niya lang. Tumingin siya sa screen ulit. Mukhang nakikipagdiskusyon sa guard na naka-duty sa labas ng Spotlight si Nikki, makausap lang siya. Paano nito kaya nalaman na bumalik na siya? Iilan lang ang nakakaalam na bumalik na siya ng bansa, dalawang buwan na ang nakakalipas. At sa Palawan siya naglalagi, sa main office ng Alleanza Oscura. Isa lamang ang Alleanza Oscura sa tinayo niyang business, three years ago. Na kasalukuyang pinamumunuan ng kaibigan niyang si Axel Kim na isang pulis. Isang non-government organization ang Alleanza Oscura na kinabibilangan ng mga professionals sa loob at labas ng Pilipinas. Gusto niya ng kapangyarihan kaya mas pinili niyang kunin ang mga professionals at ilang government officials para sa layuning sugpuin ang karahasan sa Pilipinas at sa ibang panig na gusto ang serbisyo nila. Maganda ang hangarin ng itinayo niya na business sa Pilipunas. Ang totoo niyan, kailangang niyang maghugas ng kamay dahil sa mga nagawa niya sa Italy sa loob ng ilang taon. “Can you order me some Leche flan? Please don't forget the black eye coffee,” aniya sa alalay na nakatingin sa screen pa rin ng tablet. “Yes, boss!” Tumalikod na siya at iginiya ang sarili pabalik ng silid. Naupo siya sa kama. Hindi niya maiwasang mapailing nang makitang nagpumilit si Nikki papasok ng Spotlight. Hindi pa naman talaga oras ng bukas kaya hindi pa ito puwedeng pumasok. Sa kainan puwede pa. At hanggang ngayon, wala siyang balak na makipag-usap dito. Kaya, manigas siya sa labas. Babalik na rin siya ng El Nido mamaya para doon ulit manatili. Kaya naman kasi ni Jano patakbuhin ang Spotlight kaya mas gusto niyang mag-stay sa Palawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD