“ANO BANG SIINASABI mo? Ni hindi nga bumubuka ang labi ko kapag tinatanong niya ako tungkol sa ‘yo, tapos pagbibintangan mo ako? May pera ‘yan si Blake, nagpapa-imbistiga ‘yan. Kaya kung pinaghihinalaan ka, nasa ‘yo na ‘yan. Galingan mo na lang magtago.”
“Imposible! Ikaw lang ang nakausap niya bago siya umakyat!” Akmang hahawaka nito ang leeg niya nang tabigin niya iyon at umatras dito.
“Nagpapatawa ka ba? Kung gusto kong sasabihin ko sa kan’ya, dapat right after ko umuwi, tinawagan ko na. Pero ano? Hindi. Dahil sa isip ko, hindi ko na kayan pang dadagdagan ang kasalanan ko sa ‘yo. Yes, pinsan ko si Blake, pero kabaro ko pa rin si Kendra. Babae ako. Sinaktan niya si Kendra, at saksi ako doon. Kaya deserve niya rin ‘yon. Alam kong si Kendra ang may kahilingan niyan, kaya nirerespeto ko, Sebastian. Nag-iisip pa rin naman ako.Hindi na ‘to tungkol sa atin dahil nasabi ko na ang nasabi ko sa ‘yo. For me, I’m done with you. Now, kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na, bago pa ako tumawag ng pulis.” ‘Yon lang at nagmartsa na siya paalis sa harapan nito.
Hindi na nakaimik si Sebastian. Sinamantala niya iyon para sumampa sa kamaat nagtalukbong.
Dinig niya ang marahas nitong buntonghininga. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagsara ng pintuan ng malakas. Nakatanggal tuloy siya ng kumot. Akala siguro nito, silid nito ang nilabasan!
Mabilis lang siyang nakatulog nang ipikit niya ang mga mata niya. Dahil siguro sa nainom na alak at maghapong trabaho. Pero hindi naman siya nagrereklamo pagdating sa tyrabaho.
Kung sa iba, nagsasawa na sila sa pagtatrabaho, siya hindi. Lagi siyang excited na pumasok. Excited siyang makipagtsika sa mga pasyente niya. Ang dami niyang natutunan, lalo na sa clinic niya. Halos simpleng pamilya ang mga pasyente niya. Hindi ganoon kalaki ang kita, pero sa pat na sa kan’ya. Ang gusto niya lang makatulong sa mga babaeng hindi afford sa mamahaling facility pero parehas lang ng serbisyo.
Inabala ni Nikki ang sarili sa trabaho ng mga sumunod na araw. Mas gusto niya ang abala siya para hindi na maalala si Sebastian. Ang lakas kasi maka-istorbo nito sa isipan niya nitong mga nakaraan. Buti na lang masipag siya pumasok, nada-divert ang isip niya. Dahil kung hindi, baka nasa bahay lang talaga siya nagmumukmok kakaisip kay Sebastian.
“Ma’am, anibersaryo na po ng CMC sa susunod na linggo. Balita ko po may team building. Sasama po ba kayo?”
“Oo, at sasama ka rin. Last year, hindi ka sumama.”
“‘Yon nga po sana ulit ang sasabihin ko,” nahihiyang sabi nito.
Wala na naman sigurong bantay sa ina nitong maysakit. Mas pinipili ni Juniper ang mag-stay sa bahay kesa sumama sa mga ganitong event.
Napabuga siya ng hangin. Sanay na siya dito.
“Fine. Sabihan mo na lang si Greta.”
“Salamat po,” tuwang-tuwa na sabi nito.
Iba naman ang natapos ni Juiper, pero ito pa rin ang pinili niya. Siguro, dahil sa background nito. Tsaka hindi siya nagkamali ng pili, masipag at masigasig. Sobrang maasahan pa. Madali rin namang natuto.
NAMIMILI SI NIKKI ng mga bibilhing damit para sa anibersaryo nang mahagip ng mata niya si Sebastian na papasok ng department store. As usal, may mga nakasunod na asungot animo’y presidente or VIP. Pero teka, ano ba talaga kasi ang business nito?
Hindi niya maiwasang mapakunot-noo nang makita ang pamliyar na mukha. ‘Yon ang babaeng inoperahan sa loob mismo ng building na iyon, na sa tingin niya ang pag-aari ni Sebastian.
Nakaalalay si Sebastian sa beywang ng babaeng buntis habang iginigiya ito sa gawi malapit sa kan’ya. Katabi kasi ng mga naroon ay children’s wear na. Malamang naroon na rin siguro ang pang-infant. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.
Dapat hindi na niya ito iniisip dahil tapos na sila mag-usap. Tinatapos na nga niya ‘di ba?
Natigilan siya nang makita itong ngumiti ng matamis sa babae habang tinuturo ang mga damit na pang-baby. Ganoon din ang babae, nakangiti rin habang nakikipagusap kay Sebastian. Never pa niyang naranasan ang ngitian nito ng gano’n mula nang magkita silang muli. Noon, oo. Lagi itong nakangiti sa kan’ya. Napakapa tuloy siya sa dibdib.
Bakit parang nasasaktan siya sa nakikita?
Napababa siya ng tingin sa malaking tiyan ng babae. Anumang oras, manganganak na ito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa babae. Buti pa ito, todo alalay ni Sebastian. Lahat na lang yata ng galaw nito nakasunod si Sebastian, animo’y takot na takot masaktan. Sana siya rin.
Sana all!
Napatalikod siya bigla nang lumapit ang mga ito sa gawi niya. Mabilis na naglakad siya at naghanap ng exit ng department store na iyon.
SA KABILANG BANDA…
“Boss, tumatawag po si Bigboss,” bulong ni Cedric nang lapitan siya.
“Hayaan mo siya. Kita mo naman na may ginagawa pa ako.”
Napakamot ng ulo si Cedric. “Pang sampu na missed call na po ito. Alam niyo naman po ang ibig sabihin kapag umabot ng trese.”
Of course, alam niya. War na naman sa pagitan nila ng ama. Madadagdagan na naman ang galit nila sa isa’t isa. Magpahanggang ngayon, ayaw nitong aminin na may kinalaman ito sa pagkamatay ng ina niya. Alam niyang ganid ito pagdating sa position. Alam niya ring kaya nitong ipapatay ang ina niya makuha lang position na laan para sa kan’ya.
Nagpakawala muna siya ng marahas na buntong hininga bago kinuha kay Cedric ang telepono. Lumayo siya at inihabilin si Vida kay Cedric.
Sinagot niya iyon ng makalayo siya. Hindi pa man siya nakapagsalita nang marinig na ang mura ng ama sa kabilang linya.
“Cazzo!” mga tatlong beses pa nitong inulit ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay f*ck! “Stronzo!” dugtong pa nito. Asshole na naman daw siya.
Kanino ba siya magmamana? Malamang dito din. Minsan nawawalan siya gana kausapin ang ama sa telepono kapag ganito ang bungad.
“Are you done, Boss? I’m busy—”
“One year is all you have to produce an heir. I’m warning you, Sebastian. If you fail to show me, I will remove you from your position. Don't provoke me. And please, stop taking care of those pregnant women! Stronzo!” ‘Yon lang at pinatay na nito ang linya.
Napahilamos siya ng mukha. Mag-iisang taon na mula nang hilingin nitong magkaroon siya ng anak. Kahit wala daw siyang asawa, ayos lang basta anak meron. Wala itong iniisip kung hindi ang dalawang magkasunod na position. Wala naman itong ibang tagapagmana, kung hindi siya daw. Kahit na lagi silang nag-aaway, hindi pa rin siya nito kayang itakwil. Alam nitong sukdulan ang galit niya dito nang mamatay ang ina, tapos itatanggi lang nito ang lahat ebidensya na nakaturo dito, though doubtful ang ibang nakalatag na ebidensya. Kaya nagdesisiyon siyang bumalik ng Pilipinas para paimbestigahan ang nangyari. Pero hindi pa rin maalis sa isipan niyang kaya rin siya nitong ipapatay. Walang imposible sa ganid niyang ama!
Napatingin siya kay Vida na himas himas ang tiyan. Malapit na itong manganak, at excited na siyang makita ito.
Akmang babalik na siya nang matanaw ang pamilyar na babae na papalabas ng department store.
Ilang araw na mula ng mag-usap sila nito, at hanggang ngayon, hindi mawala sa isip niya ang tanong ni Blake ng mga sandaling iyon, kung kumusta na si Kendra at ang anak nito. Hindi niya alam kung tanong ba 'yon para sa kan'ya, o tanong nito sa sarili. Pero malakas ang pakiramdam niyang may sinabi si Nikki sa pinsan. Kaya nga pinapamanmanan niya rin ang dalaga. Ayaw niyang makikipag-usap ito kay Blake.
Bakit kasi tinapat ni Blake na naroon siya?
Ilang taon niyang itinago sa kaibigan na alam niya ang kinaroroonan ni Kendra. Hindi pa kasi kayang harapin ang lahat ni Kendra. Though pabor sa kan'ya na hindi muna dahil hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa sistema niya si Kendra. Umaasa pa rin siyang mapansin nito.
Alam niyang mali na magkagusto kay Kendra, pero hindi niya kayang pigilan ang sarili niya. Lahat gusto niya sa isang babae, na kay Kendra na. Pero napahawak siya sa dibdib nang maalala si Nikki.
Marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya bago bumalik sa tabi ni Vida.