“HINDI KA NA bata, Nichole! Look at your cousins, may mga sarili ng pamilya. Ikaw? Kailan? ‘Wag mong sabihing dahil na naman ito kay Sebastian?”
“Mom, I’m always busy, and I have no time makipaglandian sa mga adonis. Darating din naman tayo diyan, please bear with me, Mom. At walang kinalaman dito si Sebastian. Yes, pinangako ko na hindi ako magkakaroon ng nobyo hangga’t nakakausap si Sebastian. Pero hindi ibig sabihin no’n na siya ang may hawak ng desisyon ko sa buhay. It’s conscience, Mom. And also guilt. Okay? Desisyon ko pa rin. Isa pa, mas gusto kong magpaanak nang magpaanak kaysa manganak. Kaya stay put ka lang. Sit back and relax. Anyway, nagkita na kami. Nasabi ko. So, I’m done with him. Still, ayoko pa rin ng lalaki talaga sa ngayon. The end.” Kakatapos niya lang sumubo no’n. Sunod niyang kinuha ang wine at ininom iyon.
“Isipin mo naman kami ng Daddy mo, hindi na kami bata.”
“How young are you ulit, Mo’m?”
“I’m 48. Why?”
“You agreed. I said, young. Anong matanda diyan?” aniyang naiiling.
“Hay, naku, Nichole! Aba’y kailan mo pala kami pakakargahin ng apo, kapag uugod-ugod na?”
“Grabe ka mag-isip, Mom. Advance.” Sumubo siya kapagkuwan ng kanin.
Speaking of rice, ngayon lang siya ulit nag-rice. Kaya naparami na naman ang kain niya. Basta pag dumalaw talaga siya sa bahay ng magulang, hindi puwedeng walang rice.
“I’m giving you three months, Nichole. Dapat may ipakilala ka na sa amin ng Daddy mo para mapanatag na kami. Kapag wala pa, mapipilitan akong ipakasal ka sa anak ng kumare ko. The end din,” panggagaya nito sa kan’ya.
Natigilan siya sa sinabi ng ina. “Seriously? Uso pa pala ang arranged marriage?”
Hay, mas mabuti pang maging busy-busyhan ang magulang niya., ‘yong walang pakialam sa kan’ya. Kesa ganitong nakialam nga, gusto naman siyang pangunahan sa buhay. Akala niya, nang magsarili siya ng bahay ay hindi na siya mapapansin siya ng mga ito at sasabihang, anak bumalik ka na sa bahay dahil miss ka na namin. Hindi pala. Nangarap lang pala siya. Pinakialaman nga mga ito siya para pagsabihan lang na mag-asawa na. Oh, yes, magulang niya pala ang mga ito. May K pa rin na magdikta sa buhay niya. Akala niya kasi si Yaya na ng Nanay niya.
“Of course. Kung ako sa ‘yo, maghanap ka na ng lalaking gusto mo. Dahil ‘pag ako ang pumili? Hindi mo puwedeng ayawan.”
“Wow. I’m shokot, Mom. Anyway, let’s see. Three months ba? I’m pretty sure, may mapapasagot na ako niyan.” Ngumiti pa siya sa ina.
“Nichole!”
“What?” aniyang nakangiti pa rin.
“Babae ka. Hindi ikaw ang manliligaw,”
“Eh, sa wala nga po, kaya ako na lang. Ano naman masama do’n, ‘di ba? New generation na ngayon, Mom.”
“Bahala ka nga, basta may iharap ka sa amin. Eh, si Jake ba? Sabi ng Ninang mo, ilang beses na kayong lumabas?”
“Yes, Mom, ilang beses na kaming lumabas, pero mas gusto niyang iba ang pasukan. In other words, ayaw niya ako.”
“Sayang, magandang lalaki pa naman, at mukhang mabait pa.”
Sa pagkakatanda niya, kakilala din ng Mom niya ang magulang ni Jake. Baka mamaya, si Jake ang tinutukoy ng Mommy niya? Puwede na rin. Kaso mukhang may ibang gusto.
Hindi na siya nagtagal sa bahay ng ina dahil baka siya na namanmakita nito. Hindi na niya hinintay ang pagdating ng ama. Bahala sila kung pag-uusapan pa nila ang bagay na iyon. Basta hindi siya papayag na mangyari ‘yon. Maghahanap siya ng nobyo at ihaharap sa mga ito, maghintay lang.
Napatingin siya sa relong pambisig. Alas diyes na pala ng gabi. Bukas na ang ZL Lounge ngayon. Mukhang kailangan na niyang simulan ang paghahanap.
Nagpadala siya ng mensahe sa kaibigang si Maze na pupunta siya ng ZL Lounge. Alam niyang lagi ito roon dahil may kinakatagpo. Lagi naman siya nitong niyayaya, siya lang tumatanggi.
“It’s good to see you again here,” nakangiting salubong sa kan’ya ni Maze. Magkasabay lang silang dumating.
“Nice outfit,” aniya rito imbes na tumugon sa sinabi ng kaibigan. Nakipagbeso na rin siya dito bago sumunod.
“So, what’s new here?” bulong niya sa kaibigan.
“Gano’n pa rin, pero dumami naman ang mga adonis na puwede mong pagtansyahan.” Ngumiti ito sa kan’ya at umindak. Hindi pa sila niyan nakakarating ng mismong loob.
Napangiti siya nang makita si Dave na naglalagay ng apron. At least may makakausap na siya kapag nakipagharutan na naman si Maze sa lalaki.
“Oh my! He’s here!” Lukot ang mukha na bumaling siya kay Maze. Paano pa-sigaw ‘yon!
“Sino?”
“My ex-boyfriend s***h suitor!” pasigaw na namang sabi nito. Hindi na kasi sila magkarinigan.
“Si Cemeron?” Tiningnan niya ang gawi ng tinitingnan ni Maze. Ang grupo nga nila Cameron. At ang katabi naman nila ay sila Jake. May kani-kaniya din silang date.
“Mismo!”
“May balak ka namang sagutin siya?”
“Nope! Maglaway muna siya ng bentemil bago ko siya balikan.”
“Taray! Bentemil. Kayang bilangin lang?”
“What I mean is that, paghirapan niya muna bago ko siya balikan. Para naman hindi mo alam ang dahilan.” Inirapan siya ng kaibigan at iniwan. Napakamot siya sa ulo ng wala sa oras.
Oo, na, naintindihan naman niya ang ibig sabihin. At hanggang ngayon alam niyang may inis pa rin sa kan’ya ang kaibigan sa nangyari.
Paanong hindi maiinis? Siya, si Cameron, si Thirdy at Chase at si Megan lang naman ang magkasabwat. Si Sebastian at Maze lang naman ang dalawa sa mga napili ng mga ito. Isang buwan niya ding itinago kay Maze iyon pero hindi rin siya nakatiis, sinabi na niya dito. Dalawang buwan niya ring sinuyo ito. Pero ‘yong kay Sebastian? Pinaabot niya ng apat na buwan. At sa kabutihang palad, walang may nagwagi sa kanila. Nabasag lang naman ang trip nila. Tama si Sebastian, popularity sa buong campus ang hangad nilang lima. Si Chase ang may pakana ng lahat. Ito lang naman ang makapangyarihan sa kanilang lima. Sa totoo lang, hindi siya makapaniwala ngayon naginawa nila iyon. Parang mga bata lang. At ngayon, lahat sila nagsa-suffer dahil sa kalokohang iyon. Kani-kaniyang habol. Pero siya, kaka-graduate lang. Nag-usap na sila ni Sebastian, though malabo pero at least nasabi na niya ang nais sabihin.
Inaamin niyang tumatak sa kan’ya ang relasyon nila ni Sebastian. Masaya siya kapag magkasama ito noon. Para nag siyang reyna kung ituring nito. Ang sweetness ni Sebastian ang isa sa nami-miss niya. Sumubok siyang makipagrelasyon noon, pero lagi lang niyang ikinokompara si Sebastian. Kaya hindi na siya sumubok. Iniisip niya ngang curse kaya nakabitiw siya ng pangako sa puntod ng ina nito. At ngayong pinutol na niya, siguro naman magiging okay na ulit kapag nakipagrelasyon siya sa iba.
Nagtungo siya sa bar counter kapagkuwan.
“One negroni, please.” Wala na pala si Dave. Sayang hindi siya makahingi ng discount. Ngumiti sa kan’ya ang isang barista bago tumalima.
Naupo siyang nakaharap sa dance floor. Hinanap ng mata niya ang kaibigan. Nakita niya itong may kasayaw na kaagad.
Naptingin siya sa gawi ni Cameron. Iba na ang circle of friends din nito. Ganoon talaga kapag nakalabas na ng unibersidad. Paano, kani-kaniya na sila ng buhay.
“Hi! Kumusta?” bati ni Cameron sabay tingin kay Maze na nasa gitna na.
“Okay lang. Ikaw?”
“Heto, ganoon pa rin, single.” Ngumisi pa ito. “Anyway, nakita ko si Sebastian kanina, umakyat. Ang laki ng pinagbago niya, a.” Saglit siyang natigilan.
Ano naman ang ginagawa niya rito? Kaya ba nawala din si Dave bigla.
“Yeah. He’s not the Sebastian I know anymore.” Ngumiti siya ng mapakla. Ang layo na
“Would you like to join us?” Tinuro pa nito ang mesang inuukopa nito.
“Yeah. Sure. Iniwan ako ni Maze, e. Hintayin ko lang ang inorder ko.” Tumango ang kaibigan at ngumiti bago iginya ang sarili palayo.
Ayaw niya rin naman kila Jake. Mas komportable siya kila Cameron dahil kaibigan niya ito, at ang ilang kaibigan nito ay nakilala na rin niya minsan dito.
Akmang baba siya sa kinauupuan nang makitang papalapit sa kan’ya ang pinsang si Blake. Nakakunot ang noo na tiningnan ang papalayong si Cameron.
“Sebastian is upstairs. Nagkita na ba kayo?”
“Yeah. Matagal na.” Tumingin siya saglit sa barista nang ilapag nito ang order niya.
“Good. Gusto mo bang umakyat?” tanong ng pinsan.
Umiling siya sa pinsan.
“Okay. I have to go.” Tinapik pa nito ang braso niya bago tumalikod.
Hindi niya maiwasang maawa sa pinsan. Gusto man niyang sabihin na nakita niya si Kendra pero hindi niya magawa. Ayaw niyang pangunahan si Sebastian dahil baka madagdagan ang kasalanan niya dito.
Baka mainis lang si Sebastian sa kan’ya at biglang umalis. Boys talk yata ‘yon. Hindi naman kailangan ng presensya niya.
Bitbit ang coctail na inorder nang lumapit siya kila Cameron. May nakalaan ng upuan para sa kan’ya. Isa-isa naman siyang binati ng mga ito na akala mo naman ka-close niya.
May mga katabi din itong mga babae maliban kay Cameron na kay Maze lang nakatuon ang pansin.
Paano pala siya makakahanap dito ng lalaki, e halos lahat may katabi. Napapaisip tuloy siya kung saan makahanap ng lalaki. Hindi naman puwede sa mga dating app, maraming scammer din.
Buti hindi siya na-bored dahil hinarap din siya ni Cameron. Sila na nga ang magkausap. Marami silang binalikan na mga alaala noong nag-aaral sila. At si Maze nga pala? Talagang iniwan siya. Hindi na niya ito matanaw. Ang galing din, e.
Napatingin siya sa hagdanan nang mahagip ng mata niya ang pamilyar na bulto ng lalaki na pababa. Saglit na nagtama ang mata nila. Ito ang unang bumawi. Kasunod nito ang ilang tauhan nito na pababa din.
May Spotlight naman ito, bakit hindi na lang doon ang mga ito nag-usap?
Nagpakawala siya ng buntonghininga bago sumimsim ng alak. Nawalan siya bigla ng gana nang maalala ang huling tagpo nila ni Sebastian sa bahay nito. Kaagad na nagpaalam siya kay Cameron. Nagpasalamat siya sa mga kaibigan nito na nanlibre sa kan'ya ng maiinom. Hinatid pa siya ng kaibigan sa labas. Hindi rin ito bumalik sa loob hangga't hindi siya nakakaalis ng lugar na iyon.
Mabilis lang ang naging biyahe niya pauwi dahil hindi na traffic. Wala ng gaanong sasakyan sa mga dinaanan niya.
Napakunot-noo ang noo niya habang pinapark ang sasakyan sa garage niya. May nakita siyang magarang sasakyan sa harap ng bahay niya. Pero baka sa kabilang bahay iyon, naki-park lang.
Wala siyang marinig na boses mula sa TV nang madaanan ang silid ng Yaya niya. Mukhang maagang natulog. Sabagay, galing itong probinsya. Limang araw niya itong pinagbakasyon kasi.
Kaagad na kinapa niya ang switch nang makapasok na sa loob ng silid niya.
"Oh my God!" gulat na naibulas niya nang makita ang lalaking nakaupo sa kama niya.
Walang iba kung hindi si Sebastian!
"P-paano ka nakapasok? Saan ka dumaan?" Tumingin siya sa binatanang nakasara, kahit ang sliding door niya, nakasara din.
"Sa pintuan. Saan pa ako papasok? Salamat sa Yaya mo, ang bilis maniwala." Ngumisi ito at lumapit sa kan'ya.
Napalunok siya nang magbago ang reaksyon ng mukha nito.
Nahigit niya ang paghinga nang hilahin siya nito papalapit sabay hapit ng beywang niya. Nag-iwas siya ng tingin nang ibaba nito ang mukha at sinilip siya. Napapikit siya nang haplusin nito ang mukha niya. Dahan-dahan iyon kaya nakaramdam siya ng kakaiba dito.
"Maging tapat ka nga sa akin." Diniin nito ang daliri sa labi niya. Para ring hinuhulma nito ang labi niya.
"Sinabi mo ba kay Blake na nakita mo si Kendra na kasama ako?" masuyo ang tanong pero nakakatakot ang pinapahiwtig ng mga mata nito.