ILANG BESES NA pinukpok ni Sebastian ng baril na hawak nito kanina ang ulo ng lalaki, sa sobrang gigil niya nang mapatumba ito. Muntik na siyang maunahan nito sa dalang pistol na may surpressor. Pero dahil mas mapagmatiyag siya, nalaman niya kaagad na kalaban ang kasunuran na pumasok sa banyo ng mall na iyon. Wala siyang kasama ngayon dahil mas pinaigting niya ang pagbabantay kay Vida, na nasa department store pa rin. Nakaramdam lang siya ng tawag ng kalikasan kaya iniwan niya saglit. Kung hindi siya nagkakamali, nakita nila si Vida. Hindi pa malinaw sa kan’ya kung ano ang motibo nito. Kung si Vida ba o siya.
Walang habas na pinagsusuntok niya ito sa mukha gamit ang kamay na kanina pa gustong manakit. Ibinuhos niya dito ang galit sa ama, na kakausap niya lang din. Tumigil lang siya nang makitang halos wala na itong buhay. Hindi pa sapat iyon sa kan’ya. Kinuha niya ang baril nito at itinutok iyon sa ulo niya at ipinutok. Buti na lang may nakakabit na surpressor. Hindi dinig sa labas.
Tumayo siya at naghugas ng kamay bago naghilamos. Pinunasan niya ang mukha ng tissue na naroon saka deretsong lumabas. Buti na lang wala ng kasunod sa kan’ya. Pinagpalit niya ng out of order na signage ang labas no’n.
Malapit lang ang department store kaya nasabihan niya agad dalawang tauhan na nasa labas ng tindahang iyon. Sila na ang bahalang maglinis sa kalat niya.
Napangiti sa kan’ya si Vida nang makita siya.
“Grabe. Ang gaganda ng napili ko, Sebastian. Salamat talaga.” Sinalubong siya nito ng yakap. Masuyo niyang hinaplos ang likod nito kapagkuwan.
“Like what I've said, anything for you.” Nag-angat ito ng tingin.
Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Vida. Hinalikan siya nito sa labi ng mabilis at bumalik sa cart nitong puno na ng gamit pangbata. Nilingon pa siya nitong nakangiti.
MABILIS NA HINILA ni Nikki ang maleta niya papasok ng resort na iyon sa Quezon Province. Dahil summer, sa isang pribadong resort gaganapin.
Ilang araw ding gaganapin ‘yon, at nahati sila sa ilang grupo na magkakaiba ang schedule. Hindi kasi puwedeng sabay-sabay silang wala sa ospital. Ang kagandahan kasi, hindi naman nila makakasama ang mga taga departamento nila,. Tama lang, dahil nakakaumay. Isa siya napiling supervisor at mahigit na trenta katao ang hawak niya, na iba-ibang departamento rin ang pinaggalingan.
“Good evening, Doc!” bati sa kan’ya ng ilang staff ng ospital nauna.
Meron ng nauna kanina. Pagkatapos ng shift ng mga ito ay bumiyahe na papunta dito. Nagpahatid agad siya rito nang matapos din siya sa kan’yang shift.
“Maganda pa ako sa gabi,” tugon niya sa mga ito na ikinangiti ng mga ito. Natampal niya ang ulo nang mapagtantong wala siya sa clinic.
“Nice. Magaling ka pala magbuhat ng upuan,” nakangiting sabi ni Jake na nandoon pala.
“Sorry for that. Disappointed?”
“Nope. Totoo naman. Mas maganda ka sa gabi. Lagi ka ngang pulutan ng mga kasamahan kong doctor and nurse.”
“Oh, talaga? Hmmm.” Sinuyod niya ang kabuohan nito. “Pero alam mo, mas lalong gaganda ang gabi kung magkasama tayo. How about a bonfire with beer tonight?” Bukas pa ang simula nila. Ilang beses na niyang nabasa sa itenerary nila ang lahat ng activities na gagawin nila bukas. One night and two days lang sila dito. Pagkatapos no’n balik Maynila na sila.
“I’m in.” Ngumiti ito sa kan’ya. “Paano? Kukunin ko lang din ang ibang gamit ko sa labas.” Ngumiti siya rito at tumango.
Hinatid niya ito ng tanaw. Hindi kasama ni Jake ang magandang doktor na kasamahan niya. Ibang team kasi ito. Kaya, no choice ito. Siya na lang ang papansinin nito talaga.
Mabilis na inayos niya ang mga gamit nang makarating sa silid na inuukopa. Sobrang laki naman yata ng silid na nakalaan sa kan’ya. Saglit na tumambay siya sa terrace at pinanood ang paglubog ng araw. Natanaw niya ang ilang kasamahan na naliligo na sa beach. Kani-kaniyang grupo ang mga iyon. At sa tingin niya, nagkakakilanlan pa lang ang mga ito. Porque iisang ospital lang sila ay magkakakilala na sila, hindi. Napakalaking ospital ang CMC at halos wala ng oras na makipagdaldalan ang mga staff nila sa higpit ng patakaran nila.
Nag-iwan siya ng ngiti sa terrace bago pumasok sa loob ng silid niya at nagpahinga. Kailangan niya ng lakas para mamayang gabi. Alas otso naman ang usapan nila ni Jake nang i-text ito. Nakalimutan niyang sabihin pala kanina. May dalawang oras pa siya para magpahinga.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang naka-idlip. Basta nagising na lang siya sa sunod-sunod na katok. Mukha ng staff nila ang nabungaran niya. Kakamot-kamot ito ng ulo.
“Yes?” aniya rito.
“Ahm, Doc. Dumating po kasi ang isa sa shareholder ng hospital. At nasa baba po siya. Kakatawag lang ni director na kasama na daw siya sa teambuilding.”
“Oh, talaga? First time, huh? Share holder? Wow!” aniyang hindi makapaniwala.
“Oo nga po, e. Ang problema po kasi…” Kinagat pa ng staff nila ang daliri nito, at mukhang hindi alam ang sasabihin. Tumingin din ito sa loob ng silid niya. “Dito daw po dapat ang silid niya.”
“Oh,” aniya. Kung kailan nakaayos na siya ng gamit sa kabinet na naroon. “Nasaan ba siya?”
“Nasa baba po. Naghihintay.”
“Sige, baba muna ako saglit. Nandiyan din ba ang may-ari ng resort?”
“Opo, Doc.”
“Okay. Thank you. Pakisabi, baba ako.”
Pagkaalis ng staff nila ay isinara niya ang pintuan.
“Pambihira,” naiiling na sambit niya.
Nagsuot siya ng cover up dahil mainipis na tela ang damit niya pang-itaas. Okay naman ang pang-ibaba niya.
Pagkatapos sipatin ang sarili sa salamin ay lumabas na siya.
Napatingin siya sa sofa. Mayroong dalawang lalaking nag-uusap doon na parehas na nakaharap sa labas. Isa sa mga ito marahil ang sinasabi ng staff nila na shareholder. Mukhang bata pa. Mayamaya lang ay may itinuro ang isang lalaki sa labas. Kita na kasi ang dagat mula doon.
Binilisan niya ang mga hakbang pababa. Walang ibang taon doon, sila lang na tatlo.
“Good evening—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang lumingon sabay sa kan’ya ang dalawang lalaking naghihintay sa kan’ya.
Gayon na lang ang pagkaawang ng labi niya nang mapagsino ang dalawa. Si Sebastian at Cedric!
“What the f*ck are you two doing here?” aniya nang mahimasmasan.
“Ganiyan ba ang tamang pagsalubong sa amin?”
“Sinusundan niyo ba ako dito?”
Natawa ng malakas si Sebastian.
“Ahm, Ma’am. Inimbitahan po kasi ni Director si Boss na dumalo. Hindi kasi matanggihan ni Boss kaya pumayag siya.”
Napaangat siya ng kilay. “Sino sainyo ang may share? Ikaw o ang boss mo?” tanong niya kay Cedric.
“Si Boss po. Pero sa akin nakapangalan.”
“Okay. So, kayo pala ang gagamit ng silid ko. Just give me 10 minutes para ilipat lang ang gamit ko.” ‘Yon lang at tinalikuran na ang mga ito.
Walanghiya! Sila lang naman pala! Nagpagod pa siyang bumaba para kilalanin sana sila.
Padaskol ang mga hakbang niya paakyat. Nainis siya bigla. Lakas makabasag ng trip ng mga ito, lalo na si Sebastian.
Akmang hahawakan niya ang doorknob nang may makipag-unahan doon. Walang pakialam na sinagi siya nito makapasok lang.
“Nice room. Malaki naman pala. And the bed…” Bumaling ito sa kan’ya. “Mukhang kasya naman ang dalawang tao.”
Nag-angat siya ng kilay. “Yeah. Kasya kayo ni Cedric,” walang gana niyang sabi at lumapit sa kabinet. Hinigit niya rin ang maleta na nasa ilalim ng kama.
“Anong gagawin mo?” Kasalukuyan siyang nagbubukas ng maleta noon. Ililipat lang niya ang mga damit niya para makalabas na siya.
“Ano ba sa tingin mo? ‘Di ba, silid mo ‘to? Eh ‘di, iyo na.” Inis na kinuha ang mga nakatuping mga damit at isinilid iyon sa maleta. Medyo nagulo na nga, e.
Nahiga na si Sebastian. Nakapikit din ito ng mata.
Hindi niya maiwasang hagurin ito ng tingin. Nakalaylay ang mga paa nito habang nakahiga. Sunod-sunod ang paglunok niya nang makita ang umbok sa pagitan ng mga hita nito. Ngayon lang niya napagtantong nakapang beach shorts na ito white linen na polo. Naka-unbutton na rin ang polo nito kaya kita ang matipuno nitong dibdib.
“Puwede naman tayong mag-share ng room, Nikki,” anito nang biglang nagmulat. Hinaplos pa nito ang malawak na kama habang nakatingin sa kan’ya. “What do you think?”
“Salamat, pero hindi ako sanay na may katabing lalaki.” Gigil na isinara niya ang maleta.
“Minsan lang ako mag-offer, Nikks. Kung ibang babae lang ang sinabihan ko nito, baka hindi mag-aalinlangan ang mga ‘yon.” Ngumisi pa ito bago pumikit ulit.
“Ang kaso, ako si Nichole. Hindi ang ibang babaeng kakilala mo. Salamat na lang sa offer mo.” Pabagsak na inilapag niya ang maleta saka hinila iyon.
“Okay,” anitong nakapikit lang.
Pabagsak na isinara niya rin ang pintuan. Napaka-gentleman kasi. Alam naman nitong nauna na siya, nakisingit pa. Ba’t ‘di na lang kasi ito naghanap ng ibang silid?
Mabilis na nilapitan niya ang staff nila nang makita ito. Ito rin kasi ang kumatok kanina. “May extra room pa ba tayo dito?”
“Naku, Doc, pasensya na po. Occupied na po lahat, e.”
“Kay Grea kaya? May kasama ba siya sa room niya?”
“Meron na po, Doc. Sabi kasi ni Sir Cedric sa akin, share na lang po kayo sa room ni Sir Sebastian.”
“Ano? Sinabi niya ‘yon?”
“Opo. Pasensya na po talaga. Tinanong ko na po ang may-ari, wala na po talagang extra.”
Sunod-sunod na napabuga siya ng hininga sa inis at nilingon ang silid na pinanggalinga. No choice!
Inis na tinalikuran niya ang staff nila at bumalik. Lumunok muna siya ng ilang beses bago kumatok. Walang nagbukas kaya, kaya inulit niya ang pagkatok. Nakalimang katok pa siya bago iyon tuluyang bumukas. Nakapameywang na Sebastian ang bumungad sa kan’ya at halata ang inis sa mukha nito.
Ang kapal, kung naiinis ito! Siya ang nauna sa silid na ito, tapos siya pa ngayon ang mawawalan?