PAGAL ANG KATAWAN na hinila ni Nikki ang high stool chair saka ipinatong dakawang kamay pagkuway ang ulo doon. Hindi na niya nakaya. Sumatotal, 22 hours siyang gising kasama ang naging trabaho niya kaninang umaga– este kahapon. Pasado alas singko na nga uamaga kaya.
Inabot lang naman ng 14 hours ang naging operasyon nila sa buntis na iyon dahil sa mga naging komplikasyon. 'Yon ang hindi napaghandaan nila dahil wala silang background ng babaeng iyon. Si Doctor Jones ang mas lalong nahirapan.
Nakapikit ang mga mata niya pero parang gising ang diwa niya. Paano, dinig na dinig niya ang mga pag-uusap ng dalawang lalaki. Gusto nila siyang gisingin pero hindi nila magawa. Nagtutulakan pa silang dalawa. Pero sa huli, hinayaan nila siyang matulog.
Nagising siya sa yugyog ng mga balikat niya.
“Ma’am, gising po. Ihahatid na po namin kayo pauwi.”
Papungas-pungas na tiningnan niya ito na isang mata lang ang nakamulat. Ito ang lalaking naghatid sa kan’ya dito mula sa rooftop ng Spotlight.
“Sandali, antok pa ako,” aniya at ibinagsak ulit ang ulo sa mga kamay niyang nakapatong sa stool.
“Pero Ma’am, kailangan niyo na pongh umalis, dahil uukopahin na po ang lugar na ito.” Inis na nag-angat siya ng tingin.
“Fine. Ihatid mo ako sa opisina ni Sebastian at doon ako matutulog.”
Kumamot sa ulo ang lalaki.
“Wala po si Boss, kagabi pa. Dinalaw po yata ang anak at ang girlfriend niya. Isa pa, bawal po kayo doon sabi niya.”
Parang tumigil ang mundo niya sa mga sinabi ng lalaki.
Si Sebastian, may anak at girlfriend? Ay, paano siya?
Lalo yata siyang napagod sa sinabi ng lalaki. Napatango na lang siya sa lalaki at inayos ang suot. Hinigit niya ang bag tissue na nasa tabi niya. Pinagpawisan na pala siya. Sinipat niya muna ang oras bago tumayo. Wala pa palang twenty minutes na nakapikit siya. Istorbo talaga, e.
Gusto niyang mkita ang daan papalabas ng building pero piniringan lang ng lalaki ang mata niay hanggang makarating ng sasakyan. Pinatanggal lang noong nasa sasakyan na sila. Hindi na siya nakatiis, umidlip ulit siya matapos ibigay ang address sa lalaki.
Hindi naman ganoon kalayo ang Spotlight sa bahay niya kaya mabilis lang din na nakarating siya.
Nag-aalalang mukha ni Yaya ang bumungad sa kan’ya.
“Ikaw na bata ka. Nag-aalala kami sa ‘yo. Saan ka ba galing at—” Sinipat niya muna ang mga marka ng surgical gown sa kan’ya maging sa mga kamay. “May operasyon kayo?”
“Yes po. I apologize for causing you so much concern pero antok na talaga po ako. I'll tell you everything as soon as I wake up. It looks like I'm going to die ‘pag ‘di pa ako pumikit,” malamyang sabi niya. Alam niyang nakasunod ito sa kan’ya.
“Ayusin mo nga ‘yang pananalita mo. Anong mamatay ka diyan! Antok at pagod lang ‘yan. O siya, tatawagan ko na lang ang Mommy mo na nakauwi ka na.”
Lagi siyang OA magsalita sa Yaya niya, kaya lagi itong nagagalit sa kan’ya. Sanay na ito sa kan’ya. Minsan nga, natatanong niya ito, paano kung bigla na lang siyang mamatay? Batok lang ang sagot nito sa kan’ya akahit alam niyang seryoso siya. Ganoon magpakita ng pagmamahal ang Yaya niya. Minsan Parang mas ina pa nga niya ito pagdating sa concern. Alam din nito ang mga ayaw at mga gusto niya, kompara sa ina. Busy person kasi magulang niya. Cannot be reach minsan, sabi ‘yan ng Yaya niya kapag nagpapatawa. Pero concern din naman ang magulang niya, sa salita lang, kulang sa gawa.
Mula pa pagkabata niya, ganiyan na si Yaya sa kan’ya at sanay na siya, maging ito rin sa kan’ya. Yeah, matanda na siya pero may Yaya pa rin siya, ipinagmamalaki niya ‘yon. Wala siyang pakiaalam kung sinasabihan siyang childish minsan. Sa totoo lang, ayaw niyang mawalay dito, kaya kasa-kasama niya ito saan man siya maglipat. Pero may condo siya, ‘pag gusto niya ng privacy. Nagpapaalam lang siya dito.
“Hintayin mo ang gatas at magtitimpla ako para maayos ang tulog mo. Okay?”
“Yes, please. Labyu.” Binuksan na niya ang pintuan niya at ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.
Ayan na naman siya,nakatitig sa kisame tapos mag-iisip ng kung anu-ano. Hindi kasi mawala sa isip niya ang sinabi ng lalaki.
May anak na si Sebastian? Eh, sino ang babaeng buntis na ‘yon? ‘Wag nitong sabihing anak din nito. s**t! Nasobrahan naman sa landi ang ex niyang nerd— este ang ex niyang ubod ng guwapo.
Ilang sandali lang ay bumalik si Yaya at ibinigay ang gatas sa kan’ya. Effective talaga sa kan’ya ang gatas na pampatulog. Hindi na siya pinipilit ni Yaya na kumain apag ganitong pagod siya dahil alam nitong wala siyang ganang kumain. Sapat na ang gatas sa kan’ya.
SAMANTALA…
“How is she?”
“Ligtas na po siya Boss. Nahatid ko na rin po si Doktora sa bahay niya.”
“Thank you,” ani ni Sebastian at pinatay ang telepono.
Wala rin siyang gaanong tulog kakabantay sa operasyon. Hindi kasi siya matahimik hangga’t hindi nasisigurong nasa mabuting kalagayan si Vida. Kargo niya si Vida bilang boss nito. Pero hindi lang yon, napakahalaga nito sa kan’ya. Kaso asyadong pasaway. Alam naman nitong buntis, sumunod pa sa operasyon. Nagsariling sikap. Pinagbawalan na niya ito pero hindi nagpapigil. Tawag ng tungkulin daw kasi. Napatay nag niya ang target, naisahan naman ito. dalawang bala lang naman ang nakuha sa katawan nito. At kahanga-hanga dahil nakayanan nito ang operasyon kahit an buntis. Kahit ang ipinagbubuntis ay lumaban din.
Hawak ni Vida ang kaso ni Mr. Hua Sūn na siyang tinututukan ng ahensya nila ngayon. Mainit ang pangalan nito sa black market. Isa siyang middle man lang kung tutuusin pero protektado ng ilang malalaking pangalan sa black market. Hindi ga kumagat sa alok nila. Kahit gaano kalaki ang offer nila kapalit ng bibig nito, hindi nadala. Hindi sinasadyang mapatay ni Vida si Sūn, prinotektahan lang niya ang sarili laban dito, at isa iyon sa kabilin-bilinan niya dito. Minsan talaga, binabali niya ang rules niya. Ganito siya karupok sa mga taong mahalaga sa kan’ya.
“Boss may email daw po si Viper.”
Tumango siya kay Cedric matapos marinig iyon. Hinigit niya ang laptop at binuksan ang email mula kay Viper.
Napakuyom siya ng kamao nang mabasa ang mensahe nito. Buhay pa ang totoong Hua Sūn, at kasalukuyan itong bumibiyahe lulan ng barko mula tsina. Hindi napatay ni Vida si Sūn! Paniguradong babalikan nito si Vida sa nangyari. Hawak na nila ang isang USB na naglalaman ng ilang pangalan na may illegal na gawain dito sa Pilipinas. Alam niyang ‘yon ang sadya ngayon ng totoong Hua Sūn. ‘Yon ay kung mahahanap nito ang pumatay sa pekeng Hua Sūn! Dadaan muna siya sa butas ng karayom bago mahanap sila!
BANDANG ALAS DOS ng hapon na nagising si Niki. Kaagad na tinawagan niya ang sekretarya niya para mangumusta. Nasabi na pala ng Mommy niya dito na may emergency siyang pinuntahan kahapon. Buti na lang, walang manganganak sa mga pasyente niya ngayon, kung hindi baka abutin ng 48 hours na gising siya.
Napatingin siya sa damit niya. Bagong palit yata siya. Walang ibang gumagawa nito kung hindi si Yaya. Lahat ng suot niya pinapalitan nito hanggang sa underwear. Sanay na ito sa kan’ya. Wala naman itong paki kung isang araw na walang palit-palit.
Napatingin siya sa note na nakadikit sa ref. Kumuha lang siya ng mineral na iinumin. Nag-grocery pala si Yaya. Late na daw kasi ito natapos sa paglalaba. Ito kasi ang personal na naglalaba ng mga damit niya noon pa man. Ayaw nitong magpa-laundry dahil baka mahawaan siya ng kung anu-ano. Ito lang ang maarte para sa kan’ya.
Lumapit siya sa espresso machine. Gusto niya ng affogato yata ngayon.
Napatingin siya sa sala nang marinig ang sunod-sunod na doorbell. Wala si Yaya, kaya siya na lang ang nagbukas. Napatingin siya bigla sa baba niya nang maalalang wala siyang shorts. Underwear na ang nasa ilalim ng oversized shirts niya.
‘Di bale, mahaba naman. Parang dress na nga sa kan’ya, e.
Lakad-takbo pa ang ginawa niya dahil umulit na naman ito ng doorbell, at sunod-sunod pa.
“Malapit na po!” aniya na siya lang ang nakakarinig.
Walang silip-silip sa butas na binuksan niya ang maliit na gate. Umawang ang labi niya nang mapagsino ang bisita niya.