Chapter 7: Wound

1735 Words
“BAKIT?” ANIYA SA masungit na himig nang makilala ang naghatid sa kan’ya kanina. “Naiwan niyo po, Ma’am,” anito sabay bigay ng panyo na may pangalan niya. Kan’ya nga iyon, baka naiwan niya tinulugan niya kanina. Kinuha niya iyon. “Ito lang po ang dinala niyo?” “Opo, Ma’am. Nakita ko lang po kanina sa sasakyan. Naisipan ko lang pong idaan.” Ah, sasakyan niya pala naiwan. “Bumalik na ba si Sebastian?” “Naku, Ma’am nasa Palawan po, e.” “Palawan? Anong ginagawa niya doon?” “Ipinasyal po yata ‘yong mag-iina niya.” Ouch! Hindi ka masarap ka-bonding, Kuya! “Okay. Wala na po ba akong naiwan?” aniya na lang. “Wala na po, Ma’am. Sige po, aalis na ako.” Tumango siya dito kaya tumalikod na ito. Naiiling na tumalikod siya. Tumingin siya sa panyo niya. Walang hiya panyo lang naman pala ang iniwan niya may pabalik pang nalalaman si Kuya. Mabilis na naglakad siya papasok ng loob at bumalik sa kusina. Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng libro para malibang. Bukas na siya papasok ng opisina. Kailangan niyang bumawi para sa nga susunod na araw. May tatlong pasyente siyang manganganak na kaya dapat hindi siya abala. Dapat nakapagpahinga na siya. At dapat, isang tawag lang, larga na kaagad. Mabilis na lumipas ang araw. Magkasunod nga na araw nanganak ang mga pasyente niya kaya para na naman siyang lantang gulay. Wala siyang pahinga sa loob ng apat na araw. Paano, ang tagal mag-labor. Kapag may pasyente talaga kasi siya, hindi na siya umaalis ng ospital. Ginagawa na niyang bahay ang silid na nasa loob ng opisina niya. Wala tuloy siyang panahon na puntahan si Sebastian para kausapin. “What’s that?” aniya sa pasyente nang makita ang kulay puti sa noo ng bata. “Papel po, Doc. Sinisinok po kasi,” nakangiting sabi nito sa kan’ya. Napa-tsk siya sa sinabi nito. “Misis, gatas ang kailangan ni baby, hindi ‘yang papel.” “Eh, kasi sabi po ng Nanay ko lagyan ko daw po, e. ‘Yon daw po ang makakatulong para mawala ang sinok niya.” Natawa siya ng bahgya. Sanay na siya makarinig ng ganiyang sagot. “O siya, hindi ko na papakialaman ‘yang kasabihan na ‘yan. Basta ho, padedehin niyo po. Iiyak na po ‘yan mamaya dahil sa gutom.” Hindi nga siya nagkamali. Umiyak ang sanggol mayamya. Mahigit tatlong oras na daw niya pala ito napadede. Gutom nga talaga ang bata. Sapo ang ulo na nagpaalam siya dito. Nadaanan niya si Juniper na kumakain kaya nakaramdam siya ng gutom. Fried noodles ang kinakain nito. Lagi niya iyong nakikita talaga kay Juni. At takam na takam din siya tikman iyon. Nahiya kasi siya mag-utos kay Juni, mamaya na lang siguro. Kakaupo lang niya sa couch niya nang makaramdam muli ng gutom. Hindi na siya nakatiis, kinuha niya ang wallet at telepono niya saka lumabas. “Labas lang ako, Juni,” paalam niya sa sekretarya. “Sige po, Ma’am!” Alas dose na noon. Nasa clinic siya ngayong araw dahil sa bagong panganak na pasyente. Saktong wala siyang duty sa ospital ngayon. Nasa labas na siya nang maalalang wala siyang dalang payong. Tatawid pa naman siya sa kabilang kalsada. May overpass naman pero walang bubong iyon kaya live sa init. Tinamad na siyang bumalik kaya nagpatuloy na siya. Hindi pa man siya nakakaakyat nang may nagsalita sa gilid niya. “‘Wag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan,” ani nang bumulong sa kan’ya. Alam niyang ang lalaki iyon. Wala namang ibang naroon. Bigla siyang napalunok. Dahan-dahan pa niyang nilingon ang nagsalita. Isang magandang lalaki ang nalingunan niya. Nakahoodie jacket ito. Napababa siya ng tingin nang maramdaman ang pagtusok sa tagiliran niya. “A-anong kailangan mo? Pera? O, sa ‘yo na ‘to.” Inangat niya ng bahagya ang kamay na bitbit na wallet at telpono. “Hindi ko kailangan ‘yan. Ikaw ang kailangan ko. Sumama ka kung gusto mo pang mabuhay. Kung gusto mo naman mamatay, sige sumigaw ka.” Nanginginig na tumango siya dito. Sayang ang lahi niya kung mamatay kaagad siya! May nginuso ito na sasakyan kaya doon siya bumaling bago sinimulang maglakad. Wala pa naman gaanong katao-tao ng mga sandaling ‘yon. “Sino ka ba, huh?” aniya sa mahinang himig. “Maglakad ka na lang, Miss. Baka bigla kong makalabit ang gatilyo.” Nasa loob ng bulsa nito siguro ang baril na tinutukoy nito. Nakapaloob kasi doon ang kamay nito doon kabilaan at mukhang malalim nga ang bulsa niyo. Walang imposible. Hindi na lang siya umimik, dumeretso na siya lakad sa itim na van. Biglang bumukas ito nang makalapit siya. “Pasok,” ani na naman ng lalaki nang lingunin niya. Hindi man lang talaga nag-abalang magtakip ng mukha. Sayang lang ang kaguwapuhan nito ung masamang tao naman pala. Inis na sumakay siya. May ilang kalalakihang kalmado lang. Bakit parang mga pinagpala naman yata ang mga ‘tong mga kidnapper na ‘to? Imbes na matakot siya, hindi na lang. May natutulog din. Tapos walang hawak na baril. Tanging yong lalaking nasa labas lang ang meron. Napatingin siya sa lalaking naka-hood na jacket. Napaawang siya ng labi nang makitang ilabas nito ang kamay sa bulsa. Walang hiya! Walang baril! “Ano bang kailangan niyo sa akin, huh?” Hindi niya maiwasang mapalakas ang boses. “Manahimik ka na lang, ganda para lahat tayo masaya. Sige ka, pag nagalit ‘yang katabi mo, ibabalibag ka niyan,” ani ng lalaki na bagong gising. “Sira ulo, tinakot mo pa.” Tinampal pa nito ang lalaking nagsalita kanina. “‘Wag kang maniwala diyan, Miss Ganda. Mabait naman ako.” May itinaas itong panyo kapagkuwan sabay lapit sa bibig niya. Nanlaki ang mata niya nang makalanghap ng kakaibang amoy mula sa panyong iyon. Biglang nanghina nag katawan niya. Gusto niyang sumigaw pero walang lakas ang boses niya. Sa susunod nga, hindi na niya pupurihin mga guwapong katulad nila! Mga walang puso naman! Pagsara ng pintuan ng sasakyan ang huling narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay. NAPAHAWAK siya ng sintido nang makaramdam ng pagsakit. Nakapikit pa siya ng mga sandaling iyon. Bakit ba ang sakit ng ulo niya? Natigilan siya bigla nang maalala ang nangyari. Napabangon siya bigla sabay mulat ng mata. Kunot noong napalinga siya. Kaygandang silid naman ang kinaroroonan niya. Pero hindi babae ang nagmamay-ari ng silid na ito. Napatingin siya sa pintuan ng banyo nang bumukas iyon. “Sebastian?!” aniyang hindi makapaniwala. Wala man lang reaksyon ang gago! “Ako nga. Bakit?” Inis na tinaggal niya ang kumot na nakabalot sa kan’ya at bumaba ng kama. Nakabuka ang dalawang braso nito para bang sinasabing, sige lumapit siya. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito na ikinatigil nito. “What the f*ck, Nikki?!” sigaw nito. Pakiramdam niya dumagundong ang buong silid sa boses nito. “Ouch!” Napadaing siya nang biglang hawakan nito ang braso niya. “Sino nagbigay sa ‘yo ng karapatan na sampalin, ako, huh? Bakit? Feeling mo ako ang nagpa-kidnapped sa ‘yo? In your dreams, Nikki! Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ka sa silid ko!” Binitawan siya nito ng malakas kaya muntik na siyang matumba. Butio nakapaa lang siya ng mga sandaling iyon. Tiningnan pa siya ng masama nito bago umalis sa harapan niya. Tanging tuwalya lang ang nakabalot dito dahil kakatapos lang nitong maligo. Nanuot din sa ilong aniya ang shower gel na gamit nito. Napatingin siya sa braso niyang may bakas ng kamay ni Sebastian. Kita rin ang marka ng kuko nito. Namumula na kaya napalabi siya. Hindi niya maiwasang mapasinghap nang bigla na lang naghubad si Sebastian sa salamin. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok dahil live na live lang naman ang ginagawang exhibition ng kaibigan nito! God! Help! Napahawak siya sa noo nang maramdaman ang pagkabasa ng pawis. Agad agad? Hoy, Sebastian! Parang gusto niyang sumigaw ng mga sandaling iyon. Mati kasi ang mga laman nito ay gumagalaw gaya na lamang ng braso at ang pandesal. Napako ang tingin niya sa sinisipat nito. May kinuha itong medicine kit sa gilid ng mesa. Nakaharap pa rin ito sa salamin. Dala ng kuryusidad, lumapit siya rito at wala sa sariling hinawakan niya ang nagdurugong sugat. Ang nasa ibabang bahagi ng V-line ng katawan nito ang sugat. Kaya pala tinanggal niya ang tuwalya kanina. “What?” anito sa naiinis na himig. Hindi niya ito sinagot. Kinuha niya ang medicine kit na nasa counter top at kumuha ng panlinis sa sugat nito. Fresh pa. “Maupo ka. Ako na maglinis pero bago ‘yon. Takpan mo muna ‘yang nakatayo. Mahirap na baka makatusok ‘yan.” Hinigit niya ang towel at ibinigay dito. Umangat lang ang kilay nito bago kinuha iyon. Pero hindi niya maiwasang mapamura sa isip. Bakit kasi tayong-tayo? Mukhang may laban yata. Naupo ito sa kama na nakalaylay ang paa sa sahig. Tinakpan nga nito ang kaibigan, gumagalaw naman na parang ahas. Lalo yata pinagpapawisan sa kakaisip dito kaya itinutok na lang niya ang sarili sa paggamot dito. Pagkatapos nila ay mabilis na nagbihis ito at lumabas ng silid. Hindi man lang siya nakatikim kahit kagat sa salitang pasasalamat. “Ang damot!” naisatinig niya nang makalabas ito. Pero napangiti siya bigla sa mga nakita. Ang laki at ang haba pala ng kan’ya, noh? Masakit kaya ‘yon? Napababa siya ng tingin sa baba niya sabay kapa. Shit! Mukhang hindi kakasya! Ilang beses na pinukpok niya ang sarili bago pumunta sa pintuan at binuksan iyon. Akmang lalakihan niya ang awang ng pintuan nang makarinig ng isang tinig na hindi kilala. “Nagustuhan mo ba ang regalo ko? Gusto ko lang sabihing, thank you for saving her,” ani ng lalaking kausap ni Sebastian. “F*ck! Sabi ko na nga bba, ikaw ang may kagagawan nito. Anything for you. Alam mo naman kung gaano rin siya kahalaga sa akin. I will do anything to save her. ” Nakaramdam siya ng lungkot nang marinig ang boses ni Sebastian. Hindi naman siya tanga para hindi maintindihan kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito. ‘Yong babaeng buntis. Malungkot na isinara niya ang pintuan at nanatili na lang muna sa loob. Mukhang hindi niya magugustuhan ang mga maririnig kaya pinigilan na lang niya ang sarili. Nahiga na lang siya sa kama at tumitig sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD