NAPATAGILID SI NIKKI nang marinig ang pagtunog ng doorknob. Papasok yata si Seb kaya kaya napatagilid siya at humarap sa kabilang gilid para hindi niya makita si Sebastian.
Nalulungkot siya sa narinig. Mahal siguro ni Sebastian ang babaeng iyon kaya ganoon na lang ito ka-concern. Kaya pala parang wala lang siya dito. Alam niyang galit pa rin ito sa kan’ya dahil ginawa niyang panloloko dito. Pero matagal na ‘yon, pinagsisisihan na niya.
“Ipapahatid kita kay Cedreic, ayusin mo na ang sarili mo.” Napapikit lang siya sa sinabi nito. Hindi siya sumagot.
“I know you’re awake. Pero kailangan namin ng kama.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Sebastian.
Bakit kailangan niya ng kama? Fow what?
Natigilan siya saglit nang maalala ang sinabi ng lalake sa kan’ya na tauhan ni Sebastian. ‘Wag nitong sabihing may schedule ito ngayon?
Ay, ang suwerte naman ng babae, kung ganoon. Bigla niyang naitampal ang sarili sa isiping ‘yon. Nasa gitna siya ng pagpanggap na tulog, tapos dadalawin siya ng ganitong kaisipan? Damn!
Pero teka, paano si Kendra? Dinig ko kay Blake, gusto siya ni Sebastian? Pero sino ang babeng buntis na ‘yon?
Lalong nagulo na naman ang utak niya. Mukhang kailangan na niyang umuwi. Kailangan niyang magpahinga. Isa pa, baka sabihin sa clinic niya, nawawala na naman siya!
Bumangon siya kapagkuwan. Saglit na sinulyapan niya ang ginagawa ni Sebastian. May pinupunasan itong baril kaya sunod-sunod ang paglunok niya.
Paano kung maghiganti sa kan’ya si Sebastian? Tapos babarilin siya nito? O ‘di kaya, itapon sa ilog? Bigla siyang kinilabutan siya sa naisip. Ano ba talaga ang trabaho nito? Bakit parang kakaiba ang negosyo niya maliban sa Spotlight?
“Wala ka naman sigurong sinasabi sa pinsan mo tungkol kay Kendra, right?” tanong ni Sebastian sa kan’ya. Sakto noon na ibinalik na nito ang gun magazine.
“W-wala pa naman,” aniyang hindi makatingin dito. Inaayos niya noon ang sarili.
“Pa? Ibig sabihin may plano ka?” Sabay kasa ng baril na ikinalunok niya.
“Sobrang busy ako, Sebastian, para i-Martites kay Blake na nakita ko si Kendra,” lakas loob niyang sabi.
“Wow. Paano kung hindi ka na busy? Sasabihin mo na?”
“D-depende. Depende kung kakausapin mo na ako gaya ng dati. Hindi ‘yong may pa-kidnapped ka pang nalalaman.”
Natawa ng pagak si Sebastian. “Do you think, ako ang nagpa-kidnapped talaga sa ‘yo?”
“Oo! Wala namang iba, kung hindi ikaw lang! Bakit ako narito sa silid mo ngayon, aber, huh? Anong tingin mo sa akin nag-teleport mula doon sa kumidnap sa akin? Ihehelera mo lang ako sa mga babae mo, e.” Tiningnan niya ang reaksyon. Wala siyang nakuha mula dito, abala na siya sa baril nito. “If I know, patay na patay ka pa rin sa akin, Sebastian. Ayaw mo lang aminin.” Doon na siya napaangat ng tingin.
“In your dreams, Nichole Chavez! Walang-wala ka sa mga naging babae ko, kung iisipin. They’re amazing pagdating sa kama, na hindi ko yata makukuha sa ‘yo.”
Napalunok siya sa sinabi nito. Totoo nga talagang madami siyang babae.
“Kung gusto nga kita, sana matagal na kitang binalikan, Nikki. Ni hindi ka nga nasagi sa isipan. I'd rather go with Kendra than you.” Nagpantig yata ang tainga niya sa sinabi nito. “Mas kamahal-mahal si Kendra kaysa sa ‘yo.”
Ouch!
Sinalubong niya ang tingin ni Sebastian nang maalalang buntis si Kendra nang umalis. Hindi kaya si Kendra at anak niya ang tinutukoy na ipinasyal nitong nakaraan? Ibig sabihin, si Sebastian ang tumatayong ama?
“Alam mo ba kung gaano kamahal ni Blake si Kendra? At magpahanggang ngayon hinahanap niya? Minsan ng naging sila, kaya hindi malabong iiyak ka din sa gilid.Why don't you pick me instead? Walang sabit.”
Parang gusto niyang pukpukin ang sarili sa mga sinabi. Bakit naman niya inoffer ang sarili dito?
“How much, Nikki?” Tumayo ito at lumapit sa kan’ya kapagkuwan.
“Anong how much?”
“Magkano na naman ang pustahan niyo? I’ll triple the money lubayan niyo lang ako.”
Natigilan siya saglit nang maalala ang nakaraan. Ba’t kasi nito pinaalala Hindi pa rin talaga nakakalimutan nito.
“I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya ‘yon. Hindi naman ikaw ang dapat sa pustahang iyon. Sila ang pumili, at wala akong kaalam-alam na ikaw ‘yon. Nalaman ko na lang noong maka-oo na ako. Dahil kung alam ko, hindi na sana ako pumayag.”
“Really? Alam kong alam mo na bata pa lang tayo, nagkakagusto na ako sa ‘yo. At para manalo sa pustahan, ako ang pinili mo dahil alam mong kahinaan ko na ‘yon. You used me para sa power na gusto mo. Hindi pa ba sapat sa ‘yo ang kasikatan? Gusto mo pa ‘yong higit pa doon?”
“s**t! Sabi na nga bang hindi mo ako maintindihan. Hindi ko nga alam—”
“That’s not true!” Bigla na lang nitong hinawakan ang braso niya. Napaangat din siya nang itaas nito ng bahagya ang braso niya. Ramdam niya ang galit dito base din sa reaksyon niya kahit ang mata nito ay nanlilisik din.
“N-nasasaktan ako, Sebastian,” aniyang nauutal pa.
“Bagay lang sa ‘yo, Nikks. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noon. Kung hindi mo nga gusto akong saktan, sana sinabi mo agad para hindi na ako nagmukhang tanga. At talagang pinaabot mo pa ng ilang buwan. Ang dami kong sinayang na panahon sa ‘yo, na dapat ay sa ina ko!”
“S-Sebastian,” aniya nang bigla na nitong inilipat ang kamay sa leeg niya. Gusto siyang sakalin nito.
“Tapos ang lakas ng loob mong magpakita pa sa akin ngayon? Bakit akala mo, mauuto mo ulit ako?”
“S-stop, p-please.” Hinawakan niya ang kamay nito dahil habol na niya ang hininga. Bumaon din ang kuko nito kaya napapikit siya.
Pabagsak na tinulak siya dahilan para bumagsak siya sa kama. Buti na lang kama ang nasa likod niya, dahil kung hindi baka, baka ospital ang abutin niya dito kay Seabastian. Hindi na nga siya ang dating Sebastian! Hindi na! Sa ipinakita nito, kaya siya nitong saktan hanggang sa mamatay!
“Hi, babe! I-m– oh my God! Threesome?” Sabay na napatingin sila ni Sebastian sa bagong pasok na halos wala ng suot.
Sinalubong ito ni Sebastian ng halik na kaagad namang tinugon ng babae. Dinig na dinig niya ang salpukang ng labi ng mga ito. Wagas kung maglaplapan. Wala ring pakialam kahit naroon siya.
Parang gusto niyang takpan ang tainga sa naririnig na mga ungol din ng mga ito nang paupuin ni Sebastian ang babae sa mesang naroon. Nakapaloob na si Sebastian sa mga hità nito. Kita niya ang bawat pisil ng dating nobyo sa mapuputing hita ng babae. Dinig din niya ang pagpunit ng kung anong bagay sa gawi ng mga ito.
‘Wag sabihin ni Sebastian na pinunit nito ang underwear ng babae?
Ilang sandali lang ay karga ni Sebastian ang babae papalapit sa kama.
“Will you excuse us? We’re done kaya makakaalis ka na.” Sabay hagis sa babaeng wala na ngang underwear. Bumukaka agad ang gaga. Nakalabas na rin ang malapipinong kahabaan ni Sebastian na ikinalunok niya! Hindi ‘yong normal na pipino, huh? ‘Yong malaki at mahaba!
“You’re so hot, Sebastian! Always! Kaya hindi kita makalimutan,” anang malanding babae sabay kapa sa baba nitong bilasa na.
Mas pinkish ang kan’ya! At fresh pa! Parang gusto niyang isigaw sa mga ito!
Hindi na siya nakatiis sa tagpong iyon, tumayo siya at hinanap ang suot na sandals. Mataas iyon kaya pinagbuhol na lang niya at binitbit iyo.
"Ohh, Sebastian. F*ck me, oh! Hader, please! Yes, yes!"
Ang ingay ng gaga! Mabilaukan sana ng laway!
Pabalyang isinara niya ang pintuan. Wala siyang pakialam kung masira niya.
Nagaglit siya dahil sa ginawa nitong pananakal sa kan’ya maging ang kabastusang ginawa nito. Alam naman nitong naroon pa siya!
“Uuwi na po kayo, Ma’am? Ako daw—”
“‘Wag mo akong kausapin kung ayaw mong sa ‘yo ko ibaling ang galit ko. Hindi ako magpapahatid sa ‘yo, o kahit sino man sainyong mga poncio pilato, kayo!” sigaw niyo sabay giya ng sarili palabas ng pintuan.
Bigla siyang napamura nang mapansing wala sila sa Spotlight! Ibang lugar naman ito. Nilingo niya ang malaking bahay. Magara. Sabagay, mukhang yumaman lalo sila Sebastian. Ang alam niya, nasa Italy ang ama nito.
“Ihahatid ko po kayo—”
“Gusto mo ‘to?” Sabay angat ng sandals na may mataas na takong. Kita niya ang paglunok nito ng sunod-sunod. “Tatamaan ka sa akin kapag sumunod ka! Sinasabi ko sa ‘yo!” galit na sabi niya rito.
Lakad-takbong naglakad siya hanggang sa gate. Parang gusto niyang magsisi na hindi nagpahatid. Ang haba ng nilakad niya marating lang ang mataas na gate. Nilingon pa niya ang malaking bahay na iyon bago tuluyang lumabas ng gate.
Kung sa paglabas ng gate, hingal na hingal na siya. Mas lalo siyang hiningal marating lang ang main road. Pinagtitinginan tuloy siya dahil nakapaa lang siya.
“s**t!” aniya nang makitang namumula na ang mga paa. Ngayon lang niya napagtantong nag-aagaw na ang dilim at ang liwanag.
Wala siyang kadala-dalang pera dahil naiwan niya sa bahay nila Sebastian. Pinaghintay na lang niya ang sinakyang taxi saka binayaran. Kahit ang telepono niya, naiwan niya pala! Mahalaga pa naman ang mga numero na naroon.
Wala siyang itinira ni isang saplot nang makapasok ng silid. Sinipat niya ang marka ng kamay ni Sebastian sa leeg niya. Kita rin ang kuko nito na talagang nagmarka. Kahit sa braso niya. Baka anong isipin ng mga makakakita sa kan’ya kaya inagapan niya iyong gamutin. Alam niyang may marka pa rin ‘yan pero at least mabawasan. Lalagyan na lang niya ng concealer para hindi mahalata.
Dumeretso siya sa bath tub niya at hinayaang ilubog ang sarili doon na ulo lang ang kita. Sumandal pa siya kapakuwan.
Napamura siya sa isip nang maalala ang tagpo sa pagitan ni Sebastian at ng babae. Para silang mga hayok. Ganoon na talaga si Sebastian? Bakit parang na-e-excite siyang matikman din ang bayo na sinasabi nila. Masarap nga kaya? Pero nalungkot na naman siya nang maalala ang kamay nitong malabakal.