Chapter 12: Roommate

1234 Words
“EXCUSE ME.” TINULAK niya si Sebastian sabay hila ng maleta. Hindi na niya ito hinayaang sumagot. Dere-deretso lang siya. Originally, siya ang nauna. At para sa kaalaman ni Sebastian, kadugo niya ang may pinakamalaking shares sa CMC, kaya ‘wag siyang epal. So, bakit siya matatakot sa sasabihin nito? “Nagbago na ang isip ko. I will stay here. Ako naman talaga ang nauna. At kung gusto mo nga dito, sa sofa ka matyulog, o ‘di kaya sa manghingi ka ng extra banig at sa sahig ka.” “As far as I remember, hindi ganiyan ang pagkakasabi ni Director,” sumilay ang ngisi sa labi ni Sebastina nang sabihin iyon. “Eh ‘di, tawagan mo siya at tanungin. Basta dito ako.” Tinuro niya ang kama. “Sa sahig ka. Tapos.” Kinuha niya ang maleta at ipinatong sa kama saka binuksan niya iyon. Hanggang sa matapos siya ay nakapameywang si Sebastian. Nakatingin lang sa kan’ya. “Bakit? Wala kang closet? Kung gusto mo ng sariling closet, maghanap ka ng ibang silid.” Nakaingos ang labi nang isara niya ang maleta. Ibinalik din niya iyon sa dating pinagtaguan kanina. Sumampa siya sa kama at nahiga sa pinakagitna. Lahat ng unan ay ginamit niya. Para siya ngayong baby dahil nakapalibit sa kan’ya ang unan. Meron sa magkabilaang gild at meron din sa paahan niya. Nakakumot din siya. Ayaw niyang ipahiram kay Sebastian. Umiling-iling ito. “Wrong move, Nikks. Binibigyan mo lang ako ng idea na mas gusto mong matulog akong nakapatong sayo. F*ck! You like? Which do you prefer? Naked or half-naked? If naked, make sure na nakabukaka ka para may mabaunan ako. Nagagalit pa naman ‘to ‘pag may ibang balat na nararamdaman.” Sunod-sunod ang paglunok niya sa tanong nito. Grabe siya makapag-isip. Ang kan’ya kasi, ayaw niya itong mahiga sa kama at ayaw niya ring pahiramin ng unan. “Basttos!” “I am? Parang hindi naman. You started it, pangatawana mo.” Sumilay na naman ang ngisi sa labi nito, pero kakaiba na kaya nagtalukbong na lang siya. Hindi na niya narinig ang boses ni Sebastian kaya nakahinga siya ng maluwag. Baka napagtanto na nitong may mali naman ito, at sobrang bastos. Nakaka-miss tuloy ang dating Sebastian. Kailan kaya ibabalik ni Seb ‘yon? ‘Yong dating sila. ‘Yong dating lagi itong nakasunod lang sa kan’ya. Napaka-submissive nito sa kan’ya noon. Nakatulog siya kakaisip kay Sebastian. Pero bago siya lamunin ng antok ay narinig niyang may kinausap ito sa selpon. Samantala… “WHERE is he?” “Nasa silid po niya, Boss.” “Good. Let the hunt begin,” ani ni Sebastian sabay patay ng linya. Nilingon niya si Nikki. Hindi na ito kumikilos. Nakatulog na yata sa sobrang pagkainis sa kan’ya. Hindi naman kasi si Nikki ang sadya niya rito, nagkataon lang na nariito ito. Marami pa namang extra room, kinausap na niya ang may-ari na ‘wag sabihin kay Nikki na meron pa, sinadya niya lang inisin ang dalaga. Pagkasuksok ng selpon sa may bulsa ay lumabas na siya. Nagkita sil ni Cedric sa mismong room na kinaroroonan ni Sky. Mga dalawang na siya nitong iniiwasan. Alam niyang may kakaiba ng nangyari dito. Inilinga muna ni Cedric ang ting sa magkabilaang side bago kumatok. Mga tatlong beses pa. Nang hindi ito nagbukas ay sinipa iyon ni Cedric, buti na lang walang katao-tao sa hallway. Naka-freeze na ring CCTV camera kaya wala silang problema ngayon, ang mga nasa paligid lang. Nagkatinginan sila ni Cedric nang marinig ang sunod-sunod na ungol ng silid na pinasukan. Wala pa ring pinagbago si Sky, tira lang ng tira. Kakamot-kamot na tumingin sa kan’ya si Cedric. Mukhang ayaw yata nitong istorbohin ang dalawang nag-uungulan sa ilalim ng kumot. Hindi naman mahirap hulaan ang position nila. Nakasakay ang babae kay Sky na may kumot pa. Pero kailangan niya na ng sagot mula dito, pasensya na sa istorbo. Naiinip na siya. Isang malakas na tikhim ni Cedric ang nagpatigil sa dalawa. Biglang tinanggal ng babae ang kumot at nilingon sila. “S-sino kayo?” Mabilis na umalis ang babae sa ibabaw ni Sky. “Boss?!” “Bitin ba?” Hinilot pa niya ang sintido kapagkuwan. Siyempre, alam niya ang pakiramdam ng bitin. “Damn!” Bumaling si Sky sa babae na may takip ng kumot ang katawan. “Where is she?” deretsahan niyang tanong kay Sky. Imbes na sagutin siya ni Sky. Binalingan nito ang babae at mabilis na pinalabas ng silid na kumot lang ang nakabalot. Tanging unan na lang ang itinabing nito sa baba nito. Hinila niya ang upuan at naupo doon. Nakaharap na siya kay Sky ng mga sandalinhg iyon. “Ilang beses ko ng sinabi sainyo, Boss na hindi ko alam kung nasaan siya. I swear!” “You swear, huh?” Tumingin siya kay Cedric. Lumapit naman ito at ibingay ang tablet. Hinanap niya ang footage na magsasabing siya ang huling kasama ng babaeng hinahanap nila. Alam niyang ayaw aminin ni Sky na nagkakagusto na ito sa anak ng kalaban nila. Kailangan pa naman nila ang babae, para ipain sa ama nito. Tumayo siya at itinapon dito ang tablet. Sunod-sunod ang paglunok nito nang makita ang footage. “Alam mo ang parusa sa ginawa mong pagtago sa kan’ya. Naka-ilang warning na nga ako, Cedric?” “Pito, Boss.” “Good. Hanggang ilang warning nga lang dapat?” “Tatlo po,” sagot na na naman ni Cedric. “Ang bait ko pa pala sa ‘yo, Sky.” Napahilamos sa mukha si Sky sabay tango sa kan’ya. “Nasa pangangalag ko siya. Sana, ‘wag niyo siyang idamay, boss dahil hindi naman niya kasalanan ang mga kahayupan ng ama niya. Kahit siya, nakaranas ng kalupitan kaya nakikiusap akong ‘wag sana siyang saktan.” “Makakaasa ka. May kasalanan ka pa rin, at kailangan mo iyong harapin pagbalik ng Maynila.” Tumayo siya at sinenyasan si Cedric. Ito na ang bahala sa impormasyon kung nasaan ang anak ni Governor Perez. Pinakaayaw niya talaga sa lahat ang pagiging marupok ng mga tauhan niya pagdating sa babae. Kaya nga may parusa iyon. Lalo na kung ang babaeng napupusuan o lalaki ang misyon ng mga ito. NAPAMULAT BIGLA SI Nikki nag marinig ang pagbukas ng pinto. Oo ng pala, may iba pa siyang kasama. At si Sebastian ‘yon. Naglalakad na ito papalapit sa kama. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama. Nakaupo kaya ito o nakahiga? Akmang tatanggalin niya ang talukbong nang maramdaman ang pagtayo ni Sebastian sa higaan. Ilang beses pa siyang nagbilang bago tinanggal ang kumot na nakatalukbong. “Sebastian!” sigaw niya nang mapansing wala na itong saplot ni isa. At nakaharap ito mismo sa kan’ya. Sumaludo naman bigla ang nakatayo doon. “Would you like to join me?” “Mag-isa ka!” Ngumiti ito sa kan’ya at walang pakialam na nagmartsa papasok ng banyo kahit hubo’t hubad. Sabagay, kahit sinong lalaki, magiging proud sa sarili kung gan'yan kakisig at kagandang lalaki. Napatingin siya sa pintuan ng banyo nang biglang bumukas iyon. “I'll leave the door open, Nikks Baka kasi magbago ang isip mo.” Tiningnan niya ito ng masama. "Puwede ba, pumasok ka na! Putulin ko 'yang pipino mo 'pag nainis ako!" sigaw niya dito at nagtalukbong na ng kumot. Ilang beses pa niyang minura si Sebastian sa isip sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD