Chapter 13: Dinner

1834 Words
“BOSS, BABALIK NA ba tayo? Nakuha ko naman na lahat ng impormasyon tungkol sa anak ni Gov. Nasa akin na rin ang susi ng tinutuluyan niya sa Makati.” “How about Sky? Kailan niya isu-surrender ang sarili niya?” “Pagbalik na pagbalik daw po ng Maynila. Talagang gusto niya raw pong tapusin ang team building nila ngayon dito.” “Okay.” Nagsalin siya ng alak sa kopitang hawak kapagkuwan. Pumikit din siya para damhin ang kapaligiran. Preskong hangin kasi ang tumama sa kan’ya. Ngayon lang ulit siya naligaw sa tahimik na lugar kagaya nito. Kung tutuusin, mas maganda ang isla niya sa El Nido, ang kaso hindi naman tahimik dahil naroon ang main office ng AO. Maingay ang mga tauhan niya. Napamulat siya nang maramdaman ang pag-ihip ng hangin ng malakas. Napako ang tingin niya sa labas ng pintuan nang may nakitang babaeng nakadipa doon, nakapikit pa. Mukhang dinadama niya rin ang masarap na simoy ng hangin. Napasunod ang tingin ni Sebastian sa dalaga nang maglakad itong papalabas ng resort. Mukhang sa dalampasigan ang tungo nito. Isinasayaw ng hangin ang summer dress ng dalaga kaya kita ang mahabang slit niyon sa unahan. Hindi niya maiwasang mapalunok nang makita ang makikinis nitong balat. Bikini na ang kasunod ng suot niyang dress. Saktong umihip kasi ang malakas na hangin. Hindi kasi malaman ng kamay nito kung saan hahawak, sa mahabang buhok ba o dress nito. Luminga pa ito dahil baka may nakakakita. Well, siya nakakita. Tago kasi ng bahagya ang kinaroroonan nilang mesa. Napakunot ang noo niya nang makita huminto ang dalaga sa lalaking nakaharap sa bonfire. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa gawi niya. Ngumiti si Nikki sa lalaki at naupo sa harap nito. Kinuha ng dalaga ang inabot ng lalaki na beer at binuksan iyon sabay tungga. Umangat ang kilay niya doon. Matagal siyang nakatitig sa dalaga. At halatang nakikinig lang ito sa kaharap habang nakangiti. Patangu-tango din ito at sinasabayan ang pagtungga ng beer. Wala itong ginawa kung hind ang ngumiti sa harap. Minsan humahalakhak pa. “Is it possible to do the cloud seeding at night?” wala sa sariling tanong niya kay Cedric. “Ho? Hindi ko alam, boss. Tulog yata ako nang i-discuss ‘yan sa noong nag-aaral pa ako. Gusto niyo pang itanong ko sa office?” Sa narinig kay Cedric, tumayo siya at naglakad papasok. Wala naman palang alam. Kailangan na niya yatang magpahinga. Maghapon siyang abala bago dumeretso dito sa resort. Pabagsak na nahiga siya kama kapagkuwan sabay pikit. NAPAHALAKHAK SI NIKKI nang marinig ang joke ni Jake sa kan’ya. Ang corny niya pero ewan, nadadala siya. Or maybe, ang babaw na ng kaligayahan niya ngayon? Hindi sinasadyang mapatingin siya sa lalaking papasok ng resort. Ano naman ang magiging parte ni Sebastian sa team building? Ni wala nga ito sa papel na hawak niya. Ano, manonood lang? Pumunta pa kung ganoon. Naging seryoso mayamaya ang usapan nila ni Jake. Pakiramdam niya, may dinadala itong mabigat kaya kinausap niya ito ng seryoso din. Ayaw niyang mailang ito sa kan’ya. Confirmed nga, gusto ng Mommy din nitong ipakasal ito sa ibang babae. Kagaya niya. Wala na ba talagang maisip mga Nanay nila? “Ikaw, kailan mo naman balak magpakasal?” Napatingin siya kay Jake dahil sa tanong nito. “Wala ngang boyfriend, kaya paano magpapakasal. Saka wala pa sa isip ko ‘yan. Medyo disappointed lang ang ako pagdating sa marriage. Hindi lahat ng ikinasal ay masaya. Yeah, sa una lang pero bandang huli maghihiwalay din, kung kailan may mga anak na. Mas lamang ang lungkot at pasakit kesa sa saya. Para ka raw nakakulong. Meron din daw malaya nga, nasobrahan naman, ayon, nagloko si Mister. Saan na lang kaya lulugar ano? Lahat ng sintimiyento ng mga pasyente ko ay tumatak na sa akin, ang mga hirap at sakit na naranasan nila sa pag-aasawa. Pakiramdam ko, nakapag-asawa na ako kakakinig sa kanila, kaya hindi ako nagmamadali.” “Pero gusto na ng Mommy mo na ikasal ka na, a. Narinig ko lang.” “Yeah. Pero ako pa rin ang magde-desisyon, Jake. Sila ba ang makikisama sa lalaking papakasalan ko? Hindi, ‘di ba? Ako naman e, kaya ayoko ko. Bahala sila. Ayokong magaya sa kanila, na walang pakialam sa anak kapag nailuwal na.”Ayaw aminin ng magulang niya, pero parang arranged marriage ang mga ito. “Iiwan ang anak sa Yaya dahil magtatrabaho. Ayokong matali rin sa kasal na walang pag-ibig.” Natawa si Jake. “Same mindset, ayokong ikasal sa babaeng hindi ko mahal. Lumaki ako sa Lolo ko, dahil din sa pesteng trabaho nila. Wala rin silang oras sa akin. Pero ngayon, marami na. Gusto na nga nilang mag-asawa daw ako, dahil tumatanda na rin daw sila. Pero siyempre, buhay ko ‘to, wala ibang puwedeng makialam. I have a girl na nagugustuhan pero ayaw niya sa akin, e dahil sa estado namin sa buhay. Kung hindi man lang siya ang mapapangasawa ko, ‘wag na lang.” “Kilala ko ba siya?” biro niya dito. Ngumiti si Jake sa kan’ya. Alam niyang si Doc Montejo ang sinasabi nito. Bagay naman sila. Pero mula sa mayamang pamilya din si Doctora kaya anong sinasabi nitong estado sa buhay? Sinuyod niya ang kabuohan ni Jake, ngayon lang niya napagtantong, hindi naman siya attracted dito. Yeah, na-excite siya kanina. But after ng mga usapan nila, parang wala lang. Wala siyang maramdamang kakaiba. Malalaman mo kasi kapag nakakausap mo na ang lalaking nagugustuhan mo kuno. Ang dami na niyang nalaman dito pero wala siyang makapang kakaiba. Bilang kaibigan, gusto niya. “Gusto mo pa?” Kukuha pa ako sa loob. Marami akong pinabili. “Sure.” Naka-tatlong in can na siya pero parang wala lang sa kan’ya. Sabagay, mataas ang tolerance niya sa alak ang kaso, bihira siya uminom dahil sa sobrang abala. Si Jake naman, nakarami na. Humarap siya sa dagat pagkaalis ni Jake. Napangiti siya ng mapakla nang maalala ang topic nila. Totoo ang sinabi niya kanina. Hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi naman niya gusto. Kaya sana, magbago ang isip ng Mommy niya. Kota na siya sa awa sa mga babaeng umiiyak sa clinic niya, kahit sa CMC. Walang pinipili, mayaman man o hindi. Pero may ilang buwan pa siya bago solusyunan ito. Sana kumalma ang Mommy niya sa desisyon. Nilingon niya ang tinutuluyan. Wala pa rin si Jake. Nakailang minuto na siya sa paghihintay. Pakiramdam niya inaaya siya ng dagat kaya napahubad siya. May suot siyang bikini sa ilalim ng bohemian dress niya. Kulay itim iyon. Ipinatong niya ang dress sa inuupuan niya kanina at pinatungan ng telepono. Hindi naman siguro mawawala. Napangiti siya nang maramdaman sa paa ang pagtama ng tubig dagat. Maligamgam. Ang sarap siguro lumubog. Hinayon niya ang sarili sa medyo malalim at pinagsawa ang sarili sa paglalangoy. Tumingin siya sa puwesto nila kanina ni Jake. Wala pa rin ito. Baka nakatulog na. Nakarami na kasi ito bago siya dumating. Ilang minuto pa siya sa ilalim ng tubig bago pumunta sa mababaw na bahagi. Hinayaan niya ang sarili niyang hampasin ng alon. Napapikit siya. Nakakakalma kaya tinagalan niya ang pagpikit. Ilang sandali pa siya sa dalampasigan bago bumalik sa loob. Inihabilin na lang niya ang bonfire dahil hindi na bumalik si Jake. Maaga sila bukas kaya kailangan nitong magpahinga din siguro. Napatingin siya sa kama nang makita si Sebastian na prenteng nanunood ng palabas. Ba’t di pa siya natutulog? Nag-iwas siya ng tingin nang ibaling nito ang tingin sa kan’ya. Nakasuot na siya ng dress ng mga sandaling iyon. Kumuha siya ng maisusuot saka nagmadaling pumasok sa banyo. Ilang minuto din niyang inilubog ang sarili sa tub bago umahon at nagbanlaw. Sa banyo na rin siya nagbihis nasa labas nga si Sebastian. Napakunot ang noo niya nang makita si Sebastian na nakapikit na. Patay na rin ang TV. Talagang nasa gitna siya, at mukhang walang balak umalis. Tapos na siya pero gano’n pa rin ang posisyon ni Sebastian. Mukhang ayaw siya nitongpahigain sa kamay kaya kumuha siya ng unan at lumapit sa couch na naroon. Ayaw niyang tumabi dito. Kahit hindi komportable sa couch, nakatulog pa rin siya dahil sa pagod. Dagdag pa ang paglangoy niya mag-isa. Nagising siya kinabukasan sa sunod-sunod na katok. Napakunot ang noo niya nang mapansing sa kama na siya nakahiga. Sandali… ‘Wag sabihin ni Sebastian na tumabi ito sa kan’ya? Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Wala namang kakaiba kaya nakahinga siya ng maluwag. Sabagay, magigising naman siya kapag ginalaw siya nito, kagaya ng nakikita niya sa mga palabas. Napukpok niya ang sarili sa isiping iyon. Bakit naman siya aangkinin ni Sebastian, e sukdulan nga ang galit nito sa kan’ya. Si Greta ang bumungad sa kan’ya nang pagbuksan niya ng pinto. “Doc, bumalik na po si Doc Jake ng Maynila,” balita niya. “Ano? B-bakit daw? Ngayon pa lang masisimula ang activity natin.” “‘Yan nga po ang sabi ko sa kan’ya. Kaya lang, mukhang kailangan niya po talaga ng pahinga.” Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo dito. “May nangyari ba sa kan’ya?” “Opo.” Kumamot pa ito sa ulo. “Hindi niya po pinapasabi sa totoo lang pero kailangan ko pong sabihin para po maintindihan mo po. Ahm, halos hindi na po makamulat ang mata niya at putok din po ang labi dahil sa natamo niyang bugbog.” “W-what? Sino ang may gawa? May kaaway ba siya? Nasaan siya? Nai-blotter na ba ito? Dapat makulong ang may gawa niyan sa kan’ya.” “Ayaw nga pong sabihin. Nagmadaling bumiyahe na po kagabi pabalik.” Napahawak siya sa sintido niya. Kailangan pa naman niya ang presensya ni Jake ngayon. Buti na lang naging maayos ang team building nila. Halos lahat nakangiti nang magsibalikan na sila ng Maynila. Sumabay na siya sa van na nagsundo sa ilang staff nila. Hindi na siya tumawag para magpasundo gamit ang chopper. Hindi na rin niya nakita si Sebastian nang araw na iyon kaya naging tahimik ang buhay niya. Buti na lang naisipan na nitong umuwi. Kakapasok niya lang sa bahay nila nang salubungin siya ng Yaya niya. “Anak, tumawag ang Mommy mo. May dinner daw kayo mamaya kasama ang mapapangasawa mo.” “Ano? Mapapangasawa ko? s**t! Wala pang tatlong buwan nagdesisyon agad sila?” “Sinabi ko na nga sa Mommy mo na hindi mo magugustuhan ang naging desisyon niya. Basta daw dumalo ka mamaya sa ayaw at sa gusto mo. Dapat makilala mo na ang lalaking pakakasalan mo.” “Damn!” aniyang umiling-iling. “Damn talaga. Sabi ko naman kasi sa ‘yo, maghanap ka na ng nobyo. Ilang beses na niyang sinabi ito, ngayon lang tinotoo.” Uminit tuloy ang bumbunan niya sa balitang sumalubong sa kan’ya. Hindi pa siya nakaka-akyat ng hagdanan nang sumilip ang guard. “Ma’am, nand’yan na po ang sundo niyo.” Sabay na nagtinginan sila ng Yaya niya. Kakahiwalay lang nila ng landas. Siya paakyat, si Yaya papunta na sanang kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD