"GOOD morning, Belle." Malapad akong ngumiti nang umagang-umaga ay ang nakangiting mukha ni Drake ang sumalubong sa akin. He went here to have a coffee with me. "Good morning din, Drake," ganting bati ko sa kanya Nakaramdam ako ng hiya nang manatili sa labi niya ang ngiti niya. At ngayon, tila nanunukso na 'yon. "Stop it, Drake," awat ko sa kanya. Nag-iinit na ang pisngi. "You're making me shy." Narinig ko ang mahina niyang halakhak. "Hindi ka na dapat mahiya sa akin. I'm your boyfriend now." Sa halip na pakinggan ang sinabi niya ay tila mas lalo lang lumala ang hiyang nararamdaman ko. Kahit ilang araw na ang lumipas simula nang maging opisyal ang relasyon namin ay hindi pa rin ako nasasanay. I'm still shy about it. Sa totoo lang, parang ang bilis ng pangyayari sa pagitan namin. Bu