ALAS syete pa lang ng gabi ay dinaanan na ako ni Drake sa aking condo. Unang sulyap niya pa lang sa ayos ko ay inulan na niya agad ako ng papuri at mga komento. Aniya, gustong-gusto niya ang suot ko. I decided to wear a light blue off-shoulder dress. Mula sa dibdib hanggang baywang ay hapit ang kapit sa akin ng dress, ngunit pagdating sa laylayan ay maalon na. It looks simple yet elegant to me. Ang buhok ko naman ay hinayaan kong nakalugay lang. Kanina nang magtungo ako sa boutique, hindi ko alam kung anong klase ng dress ang bibilhin ko. Muntikan pa nga akong humingi ng tulong kay Ate Chloe para tulungan akong mamili, kaso naisip kong baka abala siya. Isa pa, siguradong kapag siya ang hiningian ko ng tulong sa bagay na ito ay masyadong magagarbong dress and isa-suggest niya sa akin. N