NAGSARA ang coffee shop nang maaga para sa magiging selebrasyon ngayong gabi. Nag-alok naman sa akin si Drake na siya na ang magmamaneho para sa akin patungo sa Red Room na siyang bar na pagmamay-ari ni Kuya Chaos. Kasalukuyan itong hinahawakan ni Kuya Castiel dahil sa pagiging abala ni Kuya Chaos. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa harapan ng malaking salamin sa aking harapan. Sakto lang ang haba ng suot kong skirt na ipinares ko sa isang itim na shirt na may print ng isang babae. And I tucked in. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko sa natural nitong ayos. Nawala lang ang atensiyon ko sa sarili nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Huminga ako nang malalim at pinasadahan pa ulit ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon bago nagmamadaling lumabas na sa aking kwarto. Nang buksan ko