"KAYA pala hindi ka napapadaan sa coffee shop nitong mga nagdaang araw," nalilinawagan kong sabi. Tumango siya. "Yes. Masyado kasing naging abala si Kuya Enrique, kaya naisipan kong tumulong sa kanya. Kahit naman kasi wala akong interes sa kompanya namin ay alam ko ang pamamalakad nito." Napatango-tango ako. "Ikaw ba? Tumutulong ka pa rin ba sa kompanya nyo?" "Oo, kapag minsan ay kailangan talaga... o gusto ko 'yong proyektong ipapagawa sa akin. Tulad na lang sa housing project namin sa Antipolo. Ako ang nag-aasikaso nito para makatulong sa mga pamilyang naninirahan doon." Bumakas ang pagkamangha sa kanya. "May housing project kayo?" Nagmamalaki akong ngumiti. "Yeah. May mga pamilyang nasunugan sa Antipolo. Naisipan ng pamilya namin ang tulungan sila. Ang iba rin sa kanila ay nabigya