Chapter 11.1 - Courtship

1119 Words

"EXCUSE me po." Napunta ang atensiyon ko sa entrance ng coffee shop nang tumunog ang nakasabit na bell sa pintuan. Senyales lang na may pumasok na tao. Sumalubong sa akin ang isang lalaking may dala-dalang palumpon ng bulaklak at paper bag. Agaw-pansin ito dahil sa laki ba naman ng mga bulaklak na dala niya. "Yes, Sir?" tanong ng empleyado ko na siyang pinakamalapit sa entrance. Hindi naman ako nalalayo roon. "Nandito po ba si Belle Montealegre? May deliver po para sa kanya." Natulos ako sa kinauupuan nang marinig 'yon. Agad na bumaling naman sa akin ang empleyado ko. Kahit ang iba ay nakatingin na sa akin. Lunch break kasi kaya kami-kami lang ang nasa loob ng coffee shop. I cleared my throat and stood up. Kahit na nahihiya, tas-noong naglakad ako patungo sa lalaking delivery man pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD