"THE wedding will be moved by next year." Kumunot ang noo ko sa narinig. "Bakit, Ate?" Expected nang bago matapos ang taon ay ikakasal na si Kuya Silent. Kaya nakakapagtaka na biglang nabago ito. Sumimsim muna si Ate Chloe sa tasa ng kape niya. Kanina nang matapos kami na manggaling sa mall ay dumeretso kami sa coffee shop para magkape. "Dapat kasi ay magiging simpleng kasalan lang ang magaganap, pero hindi pumayag si Mamá. She wants the best for her son." Bumakas ang pag-aalinlangan sa akin nang may maalala. "Payag... payag na si Tita Eunice?" Nagkibit-balikat siya. "Yes. At kahit naman hindi siya payag, wala na siyang magagawa. Silent is head over heels for Hestia. Lahat tayo ay saski roon." Napatango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Pagdating sa bagay na 'yon ay walang m