NANG maghiwalay na kami ni Kuya Enrique, ang una kong ginawa ay ang maghanap ng hotel na tutuluyan. Hindi naman ako nahirapang makahanap. Mas pinili ko rin na huwag sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko. Baka kapag doon ako manatili ay makarating ito sa kanila. Siguradong kukuwestiyunin nila ako kung bakit nasa isang hotel ako kung mayroon naman akong condo na matutuluyan. Dahil walang magawa, natagpuan ko na lang ang sariling nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ko ang phone ko. Nakalitaw sa screen nito ang larawan namin ni Drake. Kuha ito nang minsan kami mag-date. We were both smiling in this picture. Just one glance at it, you can see the happiness in our eyes. Kaya ngayon habang tinitingnan ito ay napapatanong na lang ako sa sarili; what went wrong? Talaga bang palagi na